Chapter 28: Dancing with the Snakes

265K 9.2K 2.8K
                                    

Chapter 28: Dancing with the Snakes

Soundtrack: Drink a Beer – Luke Bryan



"I wonder what he's doing right now," wika ni Summer na nakaupo sa malaking bintana sa pagitan ng aming mga higaan. Ever since Giovanni recovered, they spent almost all of their time together. Malamang ay hinahanap niya ang presensiya nito.


"He's probably looking for you," sagot ni Ethan.


Tinapunan ni Summer ng masamang tingin si Ethan at sinabing, "He's been looking for you for many months. Now I know why they couldn't find you." At saka niya inilipat ang mga tingin sa akin. "And I wouldn't be surprised if they couldn't find us."


Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng libro. It was a good thing indeed that Eremitia still has bookstores despite all the parties and clubbing going on. Eremitia had a soul.


"Henrietta has important reasons why she hid me and kept me alive," wika ni Ethan.


"You better have a reason for being a big snake," Summer snapped at him. There was a silence between them before Summer continued speaking. "He trusted you. They trusted you. And I did, too."


Nanatiling tahimik si Ethan sa kabila ng pagsasalita ni Summer. Kumpara sa pagtatagpo nila sa coffee shop, mas kalmado na ang babae ngayon. Hindi siya gumawa ng anumang hakbang upang saktan si Ethan. Confrontation was something I expected from them. It was just that I was not expecting it should happen this time. Iginugol namin ang halos buong maghapon namin sa pananatili sa loob ng kwarto. Summer and I was able to buy some books to read from a book store. May mga ilang magagandang palabas din sa telebisyon na nakatulong upang kainin ang aming oras. Mukhang naubusan na sila ng gagawin kung kaya't pinili nila ang magpalitan ng salita.


"We thought you were with us. Isa ka lang palang kasumpa-sumpang ahas." May bahid ng purong galit ang tinig ni Summer. I had no idea what happened inside Montello High during the lockdown. Maybe, it was worse than what we were thinking.


Ang akala kong sa wakas ay katahimikan ay muling nabura dahil sa pagsasalita ni Ethan. "Pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Kinain ako ng inggit at kapangyarihan na agad bumura sa aming pagkakaibigan. Kung mayroon pa sana akong isa pang pagkakataon," tahimik niyang sabi.


Nawala na ang konsentrasyon ko sa pagbabasa at sa halip ay nakinig sa kanila habang nagpapanggap sa aking ginagawa. "There are no more chances, Ethan," tanging nasabi ni Summer.


"Yeah. I've ran out of chances," malungkot na sagot ng lalaki. Nang tuluyan na silang natahimik pareho ay isinara ko ang libro atsaka tumingin sa kanilang dalawa. Nakatungo lang si Ethan sa kanyang kinauupuan habang si Summer ay nakatingin sa lalaki na tila ba naaawa siya rito. Agad ring napalitan iyon ng pag-irap nang makita niya akong nakatingin sa kanya.


"The best way to feel the agony is to look back. If you really want to undergo pain, make sure that it's worth it," I murmured lazily at them. I had to pull them back from the mud pool of the past. They were not in Montello High or Arturia Mansion. They were here with me in Eremitia. And there were definitely lots of things to worry about than the actions they had in the past.

Snow White is a Gangster (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon