Chapter 40: Into the Storm
Soundtrack: Stop and Stare – One Republic
Simula nang dumating kami sa mansyon ng Arturia mula sa sementeryo ay hindi na muling lumabas ng kanyang silid ang aking ina. She refused to eat and talk to anyone. Kahit ako ay pinakiusapan niya na hayaan na muna siyang mag-isa.
"But I'm worried, mom," pagpupumilit ko na samahan siya. Subalit hinawakan niya lang ang aking kamay at pinisil ang aking palad at saka pagod na ngumiti sa akin.
"I wouldn't do anything stupid. I'm just so tired." Bumuntong-hininga siya. "I'm just really, really tired," dagdag niya habang nangingilid ang mga luha.
Agad ko siyang niyakap at sinabing, "We'll get through this, mom."
And that was probably enough to assure her that things will be just fine. Even without Wycliffe. Even if Dad was still in the hospital. Even if I would risk everything again. Even if planned to go back to the world that cost my brother's life–-the world that cost my soul.
Hindi ko na ipinaalam sa kanya ang aking pag-alis. Ilang mga bagay ang ibinilin ko sa mga gwardiya at mga kasambahay bago ako nagmaneho palabas ng mansyon. Hindi pa rin nawawala ang kaba at takot na sa bawat paglipas ng oras ay mas tumitindi pa sa aking dibdib. Alam kong hindi magiging maganda ang araw na ito.
Nang marating ko ang aking unang destinasyon ay agad akong bumaba ng sasakyan. Patuloy pa rin ang mahihinang ambon na nagmumula sa madilim na kalangitan. Mukhang tuluyan nang hindi magpapakita ang araw sa buong maghapon. Ilang minuto akong nakatayo at nanatiling naghihintay sa tapat ng isang lumang simbahan. Sa lugar na ito sya madalas na bumaba sa tuwing inihahatid ko siya. Kung anuman ang nasa loob ng lumang simbahan na ito ay hindi ko alam. Kung may mga tao pang pumupunta rito tuwing linggo ay hindi ko natitiyak. Sa ngayon, wala akong nakikitang bakas ng kung sinumang naroroon. Nananatili itong tahimik at mahiwaga.
Ilang minuto pa ang lumipas at tila nawawalan na ako ng pag-asa na makita ang pakay ko. Marahil ay nasa Freniere Mansion siya at alam kong hinding-hindi ako pwedeng magtungo roon. Maaaring pinili niya na lumipat ng lugar upang hindi na kami magkaroon ng anumang koneksyon. Hindi ko siya masisisi dahil iyon ang nararapat niyang gawin sa isang traydor sa organisasyon.
Muli na sana akong babalik sa sasakyan nang mahihinang kaluskos mula sa itaas na bahagi ng simbahan ang aking narinig kasabay niyon ay ang pagkakalaglag ng maliliit na bahagi ng nabibitak na semento. Agad akong nag-angat ng paningin at nakita ko ang aking pakay.
"What took you so long?" Sigaw niya mula sa itaas. Hindi ako sumagot at sa halip ay sinenyasan siya na bumaba.
She gave me her knowing smirk and leapt into the air like an eagle that was so used to flying and fell to the ground like a cat that never really cared about the impact. She dusted her skirt off and walked towards my direction. She combed her long red hair with her fingers and cursed at the drizzle that threatened to wet her.
"You only come when you need something from me. I feel used," wika niya.
BINABASA MO ANG
Snow White is a Gangster (Published under Cloak Pop Fiction)
Teen FictionShe vowed to stay. She just needed a keeper for maintenance. Henrietta Arturia is a drop-dead, gorgeous ice princess and yeah, a Freniere Mafia Reaper. She is an absolute recipe for immense destruction. But after witnessing Summer Leondale's courage...