Chapter 48: Trojan Horse
Soundtrack: Heathens – Twenty One Pilots
Mabilis na nagtungo ang armado nilang mga tauhan sa pinangyarihan ng pagsabog. Hindi naman natinag sa kanilang kinatatayuan ang mga Novou at tila kumpiyansa silang makokontrol nila ang anumang nangyari. Maririnig pa rin ang ingay mula sa kanilang mga panauhin subalit bahagya ring humupa ang kaguluhan. Hanggang sa ilang minuto ang lumipas at tuluyan nang tumahimik at kumalma ang lahat. Tanging ang lagablab ng apoy at ang pagkain nito sa mga itinapong kahoy ang maririnig sa paligid. Unti-unting muling gumuhit ang mga ngiti sa labi ng mga naroon sa paniniwalang maayos na ang lahat.
Subalit isang matinis na boses ng isang babae ang malakas na tumawa mula sa di-kalayuan. Pamilyar ang tinig na iyon at alam kong hindi kaligayahan ang ibig sabihin nito. Isa iyong pagbabanta at walang awang karahasan. Isa iyong pagbati mula sa mga dumating.
Humawan ang mga tao sa daraanan ng nagmamay-ari ng tinig. Hindi rin napigilan ng mga Novou ang mapalingon sa taong iyon na paparating. Mas lalong lumapad ang ngisi ni Sebastian nang makita niya ang isang babaeng naglalakad at may bitbit na malaking palakol. Nakasukbit naman sa balikat nito ang isang rifle. Nakasuot siya ng isang abot tuhod na itim na gothic dress habang nakatirintas ang kulay pula niyang buhok. For a girl who had a small frame, she truly was strong enough to carry those weapons.
"Hello! I am inviting myself to the party," she said with a taunting smile on her lips.
Some of the Novou men went to stop the red-haired clown but she swung her ax around and they got caught by the blade. Screams followed as they fell to the ground lifeless. In that instant, the chaos was back.
Inilibot ni Forest ang paningin niya sa paligid na tila ba may hinahanap. Walang sinuman sa mga panauhin ng mga Novou ang nagtangkang lumapit sa kanya. Nang tumigil ang paningin niya sa aming direksyon at makitang nasa paligid namin ang mga Novou ay malakas siyang tumawa na tila ang aming sitwasyon ay isang eksena lang ng komedya. Inilapag niya ang hawak na palakol at saka inihanda ang dala niyang baril. Agad namang sumugod ang ilang mga tauhan ng Novou at si Ephraim upang pigilan siya subalit hindi naiwasan ng mga ito ang mga nagliliparang patalim mula sa iba't ibang direksyon.
Swerteng naka-ilag sa mga iyon ni Ephraim ngunit isang malakas na pwersa ang bumangga sa kanya bago pa siya makalapit kay Forest. Malakas na bumagsak sa lupa si Ephraim habang patuloy ang pagpaputok ni Forest ng kanyang baril sa direksyon ng mga Novou. Dahil na rin dito ay isa-isang nagdesisyon ang mga Novou at kanilang mga bisita na lumayo sa apoy.
Finally, we lost our audience but we were still trapped within the fire. Gamit ang naipong lakas ni Sebastian ay hinila niya ako patayo at saka mabilis na hinawakan sa bewang. A quick and dark figure also leapt through the fire and grabbed Ethan. Giovanni met Sebastian's eyes for a quick second and wordlessly jumped through the fire with Ethan in tow.
Nang makaalis mula sa singsing ng apoy si Giovanni ay humigpit pa ang pagkakahawak sa akin ni Sebastian. His confident smirk vanished to be replaced by serious, pursed lips. If we couldn't escape this fire, we would be dead. The poison inside our body had been steadily eating us in every movement. The fire was waiting to turn us to ashes.
"Do you trust me, Reaper?" He whispered while staring intently at the fire. This moment was our very chance to save ourselves from being burned. Forest wouldn't let anyone from the Novous near the fire until we escaped.
BINABASA MO ANG
Snow White is a Gangster (Published under Cloak Pop Fiction)
Teen FictionShe vowed to stay. She just needed a keeper for maintenance. Henrietta Arturia is a drop-dead, gorgeous ice princess and yeah, a Freniere Mafia Reaper. She is an absolute recipe for immense destruction. But after witnessing Summer Leondale's courage...