Chapter 47: Redemption in Fire

244K 9.5K 5.5K
                                    


Chapter 47: Redemption in Fire

Soundtrack: Jet Black Heart – 5 Seconds of Summer



The smirking Sebastian that I knew disappeared, only to be replaced by a raging demon that was trying to free itself from its own weakness. It happened the way a tidal wave swallows a sailing ship–quick and terrifying. Fire burned hot behind his eyes as he let his sunglasses fall, determined to eat the person in front of us. He was sweating as he tried to lift his body up to attack Lucius Novou.


But Elle's poison prevented him from getting any closer to the evil man. It also stopped me from inching towards him. They all watched our attempts which only resulted in vain. Some of them smirked. Some of them gave us insulting looks. Some of them looked victorious.


"Do you want to know how I killed Alexandria Freniere? Do you want me to tell you how I watched the lights fade from her eyes? How I relished when I sensed the fear from her when she saw the gun?" Lucius was an arresting story-teller. He seemed to relish the pleasure of remembering the moments of Alexandria Freniere's death.


But Sebastian didn't give an answer. He just continued struggling to get on his feet and attack Lucius Novou. There were no words heard from him but I could understand him clearly. Without the need of words, I understood his pain, his fear and his anger. And I knew he was so filled with those emotions that no words could even escape from him. He was drowning and craving for revenge.


"Sebastian." Muli kong naramdaman ang pangingilid ng luha sa aking mga mata habang wala akong magawa kung hindi panoorin ang kanyang paghihirap. Paulit-ulit kong tinatawag ang kanyang ngalan subalit tila wala siyang naririnig. Isa siyang halimaw na ang tanging nasa isip ay ang paghihiganti.


Maya-maya pa ay tinawid ni Lucius Novou ang pagitan nila ni Sebastian at saka iniangat ang isang kamao. Tila isang lindol na tumama iyon sa panga ni Sebastian at niyanig ang buo nitong katawan. Tumutulo ang dugo mula sa pumutok niyang labi nang bumagsak siya sa buhangin. Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkagulat. Para sa isang taong may edad na, lubhang napakalakas ng pinakawalan niyang suntok. Hindi maikakaila na isa siyang mahalagang miyembro ng pamilya ng mga Novou.


"Look how pathetic you are!" Muli nitong inundayan ng suntok mula sa isa nitong kamao si Tres na sinundan pa ng hindi ko na halos mabilang na suntok. Walang tigil. Walang awa. Walang pagod. Walang katapusan.


Sinabayan ko iyon ng sigaw at pagmamakaawa. Bawat suntok sa kanya ay tila hapdi na lumalatay sa aking kalooban. Walang tigil. Walang patid sa pagluha. Halos walang paglagyan ang pagod. Humihiling na matapos ang kanyang sakit. Subalit tila tuluyan nang ang mundo'y naging bingi at manhid. Hindi na nito naririnig ang daing at iyak at iniwan na kami sa aming kapalaran. Napagod na itong manood sa kalupitan at nagdesisyong ang lahat ay talikuran.


Matapos ang tila walang katapusan na pananakit ay tila napagod na rin si Lucius Novou at hinayaan ang nakahandusay na katawan ni Sebastian sa buhangin. Sa kabila ng mga iyon ay pilit niya pa ring iginagalaw ang kanyang katawan. His body was weak and beaten but his mind was as strong as a caged, mad lion. Tila walang hanggan ang kanyang galit.


"You aren't invincible, young Freniere. You all are not invincible. You can keep your pride and fight all you want but tonight, you will die. We will have a feast of your dying soul. We will swallow you whole. We will leave nothing until you are forgotten," wikang muli ni Lucius at saka naglakad pabalik sa grupo ng mga taong kanina lamang ay kasama niya. Pinanood ko sila habang unti-unti silang umaatras mula sa aming kinaroroonan. Naiwan ang ilang mga bantay sa paligid habang sinisimulan nila ang kanilang kasiyahan.

Snow White is a Gangster (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon