Hindi mo masasabing nagawa mo na ang isang bagay, kung hindi mo pa ito nararanasan.
Siguro nga ganoon din sa akin. Isang araw bigla nalang nagbago ang lahat ng mga bagay. At isa na ako doon. Alam ko sa sarili ko na malaki ang pinagbago ko ayon sa aking mga ikinikilos at sinasabi.
Nag-uumpisa nang baguhin ng sumpa ang lahat ng mga magagandang bagay na meron ako at ang meron ang pamilya ko.Hindi ko hahayaan na masira ng sumpa kung anong meron ako.
At papatunayan ko yun, once na napigilan kong kumain ng tao at uminom ng dugo. Alam ko mahirap gawin yun, pero for the sake of my family and for my own good, I will do anything that can make us feel better and safe.~~
Makaraan ang ilang taong pagtatago at paglipat ng bahay, finally I've found the perfect house para pagtaguhan.
20 years old na ako. Tumigil na rin ako sa pag-aaral dahil sa tuwing nakakakita ako ng tao, hindi ko mapigilang matuksong kumain ng tao't hayop at uminom ng dugo.
Matagal na rin simula noong huli kaming nakapag-usap ni Drei at Dave. Siguro oras na para magsimula ako ng bagong buhay. Siguro nagtataka kayo, kung nasaan sila mama't papa tsaka si Frederick noh?
Well. Sad to say pero they are all gone. Matapos ang nangyari sa akin before sa mall, nag-umpisa nang magbago ang lahat. Kami nila mama, papa at frederick ay nag-umpisang magbago. Tuwing gabi, nagbabago ang anyo namin. Lagi kaming umiinom ng dugo. At ang malala pa, ng mabuntis si mama, kinain niya ang sarili niyang anak. Ang sarili naming kapatid. Kitang-kita mismo ng dalawang mata ko kung paano butasin at ipasok ni mama ang mga kamay at daliri niya sa mismong loob ng tiyan niya. Bigla niyang pinutol yung ulo ng baby at tsaka ito kinain. Samantalang yung katawan naman ay binigay niya kay papa.Nandidiri ako sa mga ginagawa namin, pero hindi ko talaga mapigilan. Lalo na kapag nasa harapan ko na. Kapag nagugutom ako, gusto kong pumatay. Pero hindi lang buhay na hayop, gusto ko yung buhay na tao. Syempre kung may pang-lamon, may panulak.
Dugo.
Dugo ng hayop at tao na may halong dura ng asong may rabis ang ginagamit namin at iniinom namin para sa panulak.
Oh diba?
Sino ba namang hindi mandidiri? I know deep in myself na hindi ako ito. Hindi ganito ang stephanie na kilala ko bilang sarili ko.
Ang totoong stephanie ay yung babaeng moody, mataray at seryoso pero kahit na ganun siya, mapagkakatiwalaan naman siya.Sana matapos na ito para wala na akong masaktan pa.
Dati kasi noong buhay pa sila mama't papa tsaka si Frederick, may nakakita sa amin habang kumakain ng patay na hayop. Simula noon, kumalat ang balita at tsismis sa buong bayan hanggang sa kabilang dako ng bayan na aswang daw ang pamilya namin.
Hindi namin inaasahang papatayin nila si mama at papa. Si Frederick hindi ko alam kung buhay pa siya. Hindi kasi mahanap yung bangkay niya eh.*Flashback*
Matutulog na sana kami ng biglang may narinig akong mga tao sa labas namin. Nagwalala at nagsisigawan. May mga hawak pa silang torch na may apoy at mga pamalo.
Sa sobrang taranta ko, napalabas agad ako ng kuwarto ko at ginising si Frederick.
"Frederick! Gising! May mga tao sa labas."
Nagulat din siya sa bigla kong pagpasok sa kuwarto niya pero nas nagulat siya ng bigla kong sabihin sa kaniya na may mga tao sa labas.
"Bakit? Alam na ba nila na--"
"Shh! Huwag kang magsasalita ng kung ano-ano. Hindi natin alam kung may nakapalibot sa buong bahay natin at pinakikinggan lahat ng mga sinasabi natin. Okay?"
Napabuntong hininga si Frederick tsaka niyakap ako. "Okay. Ate? Magiging okay ba ang lahat?"
Hinalikan ko siya sa noo at nangiti ng malapad para ipaalam sa kaniya na magiging okay ang lahat. "Oo naman. Magtiwala ka lang. Kaya natin ito."
BINABASA MO ANG
The Real Me (Slow Update)
VampireSince ako po ang main character dito sa story na ito, Vampire ang pinili kong character kasi matagal ko ng gustong gumawa ng story about sa vampire. Pero dahil sa natatakot ako sa sarili kong story, hindi ako makagawa-gawa. HAHA! So ngayon, naisipan...