Part 2: Drei

30 3 0
                                    

5:00 gumising na ako dahil mag jo-jogging ako sa may park malapit sa bahay namin.

Wala akong kasama kundi ako lang. Tulog pa kasi yung kapatid ko eh kaya wala akong maaaya. Sila mama naman nagluluto para sa anniversary nila mamayang gabi. Ang aga nga nilang mag prepare eh. Pero nagpaalam ako sa kanila.

Ng nasa park na ako, napansin kong may babaeng nakaupo sa may upuan sa park malapit sa Fountain.

Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. "Miss? Okay ka lang?"

Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Diretso lang ang tingin niya at tutok na tutok siya sa mga mata ko.

"Oo." Maikli niyang sagot.

"Anong pangalan mo?"

"Drei."

Ang ikli naman neto sumagot. Tsaka napaka Mysterious. Parang may kakaiba akong nararamdaman sa Drei na to ah.

"Ah okay."

Nakakabingi ang katahimikan sa paligid namin, ganun na rin sa aming dalawa.

Hindi nagtagal, nagulat ako dahil bigla siyang nagsalita at tinanong ako. "Ikaw. Anong pangalan mo?"

Sa umpisa medyo nabulol ako dahil natakot ako sa kaniya. "Stephanie."

"Nice to meet you stephanie."
Sabi niya. Pero this time iba na ang aura na mukha niya. Kung kanina, Serious at Mysterious, ngayon naman, Happy.

"Nice to meet you too."

"Pasensya ka na kanina ah. Napagod kasi ako katatakbo."

Katatakbo? Bakit naman siya tatakbo? Sinong tinatakbuhan niya?

Alangan naman na idahilan niyang nagjo-jogging siya kaya siya hiningal. Pwede rin. Kaso iba pa rin eh.
Buti kung Running. Eh kaso Jogging eh.

Hayts. 'D bale na nga.

"Pero ngayon okay ka na? Hindi ka na hinihingal? Wala ka bang sakit sa puso?"

"Ang dami mo namang tanong. Alin ba dun una kong sasagutin?" Sabi niya at sabay tawa. Pero yung mahina lang.

"Okay na ako, hindi na ako hinihingal. At higit sa lahat, wala akong sakit sa puso kasi healthy ako." Sabi niya.

Makalipas ang ilang minuto, may mga tao na ring nag jo-jogging.

Nag jogging na rin kami at habang nag jo-jogging kami, nagkwentuhan kami sa kung ano anong mga bagay gaya na lamang ng pagkain, paboritong hayop, chocolate at iba pa. Feeling ko nga nakakatuwa kaning tingnan. Hindi nakakatawa ah. Iba yun. HAHA! Joke!

So ayun nga. 6:30 ng matapos kaming mag jogging. Since parehas pa kaming hindi nag aalmusal, kumain muna kami sa may Yellow Cab.

Astiiiig! Libre daw niya eh. Nahiya naman ako. Sosyal ng pag-aalmusalan namin, Yellow Cab pa. 'D bale na nga.

"Anong gusto mo?" Tanong ni Drei.

"Kahit ano. Kung ano gusto mo, yun narin akin." Sabi ko.

Tumanggi naman siya. "Ano ka ba okay lang. Don't be shy, I know na gusto mo yung Hawaiian Pizza. Right?"

O.O
Nanlaki mga mata ko sa sinabi niya. How did she know that I like Hawaiian Pizza?! Tama nga yata ako! There's something Mysterious with this girl, Drei.

"Paano mo nalaman na gusto ko yung Hawaiian Pizza?"

"Kanina ka pa kasi nakatingin sa mga Hawaiian Pizza na poster dito sa loob eh. Kaya naisip ko na yun yung gusto mo. That's why I asked you." Pag e-Explain niya.

The Real Me (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon