Part 5: Dave and Drei?!

20 4 0
                                    

Ang saya sa pakiramdam kapag alam mong may nagmamalasakit sayo.

Yung tipong alam mong kampante ka kapag kasama mo siya. Ang tagal ko naring hindi naranasan maging masaya ulit. Ng dahil kay Dave, nagkakulay ang mundong ginagalawan ko.

But it doesn't mean that I like Dave. I'm just saying that I'm glad we became friends.

Hindi ko ma-Explain ang saya na nararamdaman ko. Andito ako ngayon sa kuwarto ko. Nagmumukmok nang wala namang dahilan. Or should I say, nagpapa 'EMO.' Ewan ko ba! Kung ano-anong gusto kong gawin at kung ano-ano rin trip kong gawin.

Ilang linggo na ang nakakalipas bago ulit kami magkita ni Dave. Bago niya sabihin lahat ng alam niya tungkol sa lahi namin at sa pamilya namin.

Gusto ko ng kausap.
Ah! Naalala ko! Si Drei. Yayain ko kaya siya lumabas. Papayag kaya siya? Tawagan ko na nga lang para malaman ko kung gusto ba niyang lumabas kasama ako o hindi.

~Ringing.......~

He finally answered.

*On-Call*

Me: Hi! Drei. Kamusta ka na?

Drei: Ah.. Eto, Okay naman. Napatawag ka? May sasabihin ka ba?

Me: Oo. Sana. Gusto ko kasi sanang yayain ka lumabas. Wala lang. Kuwentuhan lang tayo. Let's spend our day together.

Natawa naman siya.

Drei: HAHA! Okay sure. Saan ba tayo magkikita?

Me: Sa Delpan nalang sa may Makati. Yung sa hintayan ng jeep malapit sa stop light.

Drei: Ah. Okay. See ya!

Me: Okay. Anyway. Drei?

Drei: What?

Me: Thank You so much for all. Sa lahat ng kagandahang loob na ipinakita at ipinaramdam mo sa akin. I really appreciate it. Really.

Drei: HAHA! That's nothing. I mean, your my friend. I'm just doing my job to make you happy as your best friend.

Me: Oh sige na, sige na! Let's stop this freaking drama. Mag prepare na tayo para makapag kita na tayong dalawa okay?

Drei: Okay. See ya!

Me: See ya!

*End Call*

Matapos ang ilang oras na pag pre-Prepare, agad akong nagpaalam sa kanila mama at papa na lalabas kami ni Drei. Agad naman silang pumayag. Perong hanggang 6:00 lang ako kasi may curfew ako.

*Market Market*

"Mabuti naman pinayagan ka lumabas kasama ko." Sabi ni Drei. Andito kami ngayon sa Market Market.

"Mabuti nga."

"Gusto mo bang mag shopping?"

"Sige ba. Ikaw bahala."

Tapos nagpunta kami sa loob ng shopping center kung saan maraming mga trending na clothes.

"Waaaah! Ang ganda neto stephanie oh. Diba?!"

Agad na kinuha ni Drei yung damit. "Gusto mo rin ba? Oh ito. Try this, I'm sure bagay yan sayo."

"No Thank You. Hindi kasi ako mahilig sa mga ganiyang klase ng damit eh."

"You know that I won't take no for an answer. Kaya sige na Please? Just today."

Hay nako. Ang kulit talaga netong si Drei. Mapagbigyan na nga. "Okay fine. Basta ngayon lang ah? Ayoko talaga kasi ng ganitong klase ng mga damit eh."

The Real Me (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon