Chapter 6: Party ! Party ! (Part 2)

446 28 13
                                    

[Third Person's POV]



"Ang sabi ko 6 o'clock, 6:40 na oh! Sira ba yung orasan niyo? O sadyang sinusunod mo talaga ang custom ng Filipino time? My gad, nakakaloka kang babae ka! Kanina pa kaya ako nag aantay dito sayo! Pinagod mo tuloy beauty ko bruha ka!" bungad ng amo ni Ana sa kaniya pagbaba palang niya sa tricycle. Nag-aantay pala ito sa kaniya. And judging by the way he looks and spoke, mukhang kanina pa ata talaga ito naghihintay.



"Pasenya na, eh wala masyadong tricycle samin eh. Naglakad pa nga ako mg ilang minuto bago ako nakasakay." sagot niya.



"Tsk! Tara na nga! Baka ma haggard pa lalo beauty ko sayo! Kaloka ka!" sambit ng amo niya at hinila siya papasok sa club. Hanggang sa makarating sila sa isang room na pang VIP.



Napalinga linga si Ana sa buong silid at napansin niyang silang dalawa lang pala ni Azel dito.



"Uso umupo teh." sabi ng amo niya, at bilang masunuring sekretarya-kahit parang di naman sekretarya ang turing ni azel sa kanya-ay umupo siya sa tabi nito.



Hunubad ni Azel ang black leather jacket niya at naiwan ang yellow shirt na medyo fit sa katawan niya.



"Jeskelerd, bakla nga 'to pero ang hot niya paring tingnan! Juskolord forgive me for I have sinned." sa isip ni Ana.



Ilang minuto ang nakalipas at kumakain na sila Ana at Azel ng mga chichiria na hinatid ng staff kanina, may mga drinks din. Pero bilang isang dalagang pilipina, never pang nakainom si Ana nang anumang alcoholic drink, at wala rin siyang planong uminom. Kaya iced tea nalang ang ininom niya.



Busy siya sa pagkain at inom, habang ang amo niya naman ay busy sa pagkanta sa karaoke.



"Infernes, may boses naman pala 'tong baklitang ito." sa isip niya habang pinapakinggan ang among kumakanta. Pero kahit di niya aminin, maganda naman talaga ang boses ni Azazel. Magandang maganda.



Umupo muna sa sofa ang huli, taking a break from singing. Tiningnan naman si Ana nang amo, at pinagtaasan ng kilay.




"Ano?" takang tanong niya.



"Di ka umiinom?" tanong nito.



"Umiinom, kita mo na ngang may iced tea sa baso ko." pabalang na sagot niya.


"Tangi! Hindi iced tea! What I mean is beer! Di ka ba umiinom ng beer?" tanong ulit nito na medyo naiinis.



"Duh, obvious ba? Kita mo na ngang iced tea nasa baso ko, nagtatanong ka pa kung di ako umiinom ng beer? Duh."



Napasapo nalang sa noo si Azel sa pagkapilosopo ng sekretarya niya, though he had to admit, nagmana lang ito sa kanya.



Inangat muli ni Azel ang tingin niya sa sekretarya at nakitang may parang dumi ito sa gilid ng labi.



"Ano na naman?" tanong ni Ana.



"May ano ka.. May dumi ka sa may labi mo." sagot ni Azel at itinuro ang labi niya para malaman ni Ana kung sang parte ang may dumi. Hinaplos naman ng huli ang labi niya, trying to get the dirt.



"Oh ano meron pa?" tanong niya sa amo.



"Meron pa, sa gilid, sa may left, taas pa, taas pa. Tsk ako na nga." at yun, lumapit si Azel kay Ana upang kunin yung dumi at nang matapos siya ay napatingin na lamang siya sa mukha ng sekretarya. Makinis pala ito, wala ni isang pimple or anumang damage sa mukha. (Damage talaga? kaloka! xD) At sa ilang buwan na pagtatrabaho nito sa kaniya, ngayon lang niya ito napansin.



Ang Boss Kong BekiWhere stories live. Discover now