Chapter 12: JellyAZEL

465 17 5
                                    

[Third Person's POV]

Napairap nalang sa kawalan si Ana sa naririnig na tawanan at tilian sa katabing silid, habang nag re-review ng mga files at inaayos ang schedule ng amo. It was only yesterday nang mangyari yung konting commotion na dulot ni Lissa. Na explain na naman niya sa kaibigan ang nangyari.


Mula sa di inaasahang pagkikita nila ng impakta sa airport at sa pagiging malapit na kaibigan nito sa amo, hanggang dun sa restaurant.



"Alangan namang umalis ako dun! Mag walk out ganun? Eh lalong magdududa siya! Okay na sana eh! Dumating ka pa! At nag eskandalo ka pa talaga ha!? Now pano ko ee-explain dun sa amo ko yung tungkol sa reaction mo? He was looking at me intently kanina. Ughhh.... Pahamak ka naman bes!" reklamo pa ni Ana sa kaibigan kagabi, habang nakaupo sila sa isang coffee shop.



"Eh bes naman! Malay ko ba kasing ganun yung nangyayari diba? Kung alam ko lang hindi naman ganun yung magiging reaksyon ko!" sagot naman ng kaibigan.



"Yung na nga! Wala kang alam sa sitwasyon. You shouldn't have but in!" reklamo parin ni Ana. Di naman ito magawang sisihin ni Lissa, siya naman kasi ang nasa mali.


"Sorry na bes.. Please??" paghingi ng despensa nito with matching puppy eyes pa.


"Yan. Pag may kasalanan ka, ang amo amo ng mukha mo. Pero pag wala, napakahalimaw mo!"



"Ayy grabe siya oh..." reak ni Lissa at linayo ang mukha ng konti.



"Pero sige papalampasin kita, since may kasalanan ka." at ngumiti ng malapad si Lissa kay Ana.



"Pero kidding aside Ana, sige na oh? Forgive me na bes?"


"May magagawa ba ako?"


"Yann!! Kaya love na love kita bes eh!"

At nagyakapan ang dalawa.



Natawa nalang ng konti si Ana ng maalala ang pangyayari kagabi. Pero napawi agad ito ng may tumawag sa telepono niya. Sinagot niya ito, at nang malaman kung sino ang tumatawag ay parang nawala ang lahat ng dugo niya sa mukha sa sobrang putla niya.


"Y..yes sir. I..I'll tell him. Just wait a moment sir." sagot niya sa kabilang linya at binaba ito. Nagdadalawang isip pa nga si Ana kung kakatok ba siya sa pinto o tatawagan nalang niya ang bakla. At sa huli ay napagdesisyunan nalang niyang tumayo at katukin ang pinto.


**TOKKK**TOKKK**TOKKK**


Sandaling natahimik ang silid, at bigla namang kinabahan si Ana. Hindi paman naka recover sa kabang naramdaman ay biglang bumukas ang pinto na mas ikinagulat naman ni Ana. And what's worst, si Mark ang nagbukas nito!! Si Mark!!!



"Yes, Ana? Anong kailangan mo?" tanong ng amo, na nakapagpabalik kay Ana sa reyalidad. Busy kasi siya sa pagtitig kay Mark, na nakatitig din sa kaniya. Mas na awkward naman si Ana nang ma realize na masyadong tahimik ang silid at nakatingin sa kaniya ang lahat.

"S..si sir Chua zel, t..tumawag siya. Ngayon ngayon lang." nauutal niyang sagot.


"Ano daw kailangan niya?" tanong ulit ng amo.



Lumapit siya ng konti sa amo at sumagot ng medyo mahinang boses.



"Gusto niya raw makipag meeting sa 'yo. Sa Palawan niya gusto. Tapos sabi niya 1 week daw tayo mag e-stay dun."


"Tayo?" yun ang unang natanong ni Azel matapos ma receive ang information.


"Sabi niya kasi sumama daw ako. I declined of course, but he insist, saying na siya naman daw magbabayad sa trip natin." sagot ni Ana.

Ang Boss Kong BekiWhere stories live. Discover now