[Third Person's POV]
Two weeks have passed. At taliwas sa inaasahan ni Ana, Azel didn't talk about what happened that night. Mukhang walang maalala ang bakla sa ginawa nito nung nakaraang dalawang linggo. Pero si Ana, na lahat lahat ay naaalala niya? Para lang namang sumali sa karera ang puso niya sa lakas ng tibok nito.
Lalo na kapag nasa malapit lang ito. At mas lalo na kapag inaakbayan siya nito o inaakap-na normally na naman nilang ginagawa. 'Di naman siya pwedeng bigla nalang umiwas, baka magtaka pa ito at manghinala na may gusto ito sa kaniya. That's the last thing on Ana's mind-to be caught- right now. Kaya kahit mahirap, kailangan niya paring sakyan anumang trip ng beking amo niya. Even if it's her feelings at stake.
"Walangyang baklang yun, pinaasa lang ako!" sa isip ni Ana.
'Bakit sinabi niya bang umasa ka?' echos naman ng utak niya.
"Hindi."
'Oh yun naman pala eh. So that's your fault, not his.'
Napailing nalang si Ana sa naiisip niya. Para tuloy siyang sira ulo dito, kinakausap ang sarili.
"Hoy bruhilda!"
"Ay kabayo!" gulat na sigaw ni Ana at pinaikot ang swivel chair.
"Sige ipamukha mo pa sakin na kabayo ako!" sabi ni Azel nang makalapit siya sa sekretarya.
"'To naman, nagulat lang ako no! Oh bakit ba, may iuutos ka?" sagot at tanong ni Ana.
"Snack tayo. 4 pm na eh." simpleng sagot ni Azel habang nakatingin parin kay Ana.
"Sige wait lang, e shut down ko muna 'tong computer ko." sagot ni Ana at pinatay ang computer, kinuha ang long coat nito na lagpas tuhod na kulay maroon. Malamig kasi sa office nila, at kahit na sa buong kompanya, kaya naka coat palagi si Ana. At pagkatapos ay lumabas na ang huli kasama si Azel.
"San tayo zel? Starbucks?" nagniningning ang mata ni Ana habang tinatanong ang amo.
"Etchosera 'to. Sa pantry lang tayo no!" sagot ni Azel.
"Ay, 'kala ko pa naman sa Starbucks tayo. Minsanan pa lang naman ako makapunta dun." medyo nanghihinayang na sabi ni Ana.
"Alam mo ang kuripot mo masyado
Ba't di ka pumunta mag isa? fifty thousand naman ang sweldo mo a month ah?" komento at tanong ni Azel."Pantustus kaya yun sa pang araw araw na buhay namin, budgeted na yun no! 'Di naman ako mayaman kagaya mo no! At tsaka ang mahal kaya dun. Imagine 330 isang kape lang? Jusko, pang isang linggong pamasahe na ng mga kapatid ko yun eh!" sagot ni Ana.
"Kuripot talaga." sa isip ni Azel, habang nakangiti.
******
"Ana! It's so nice to see you here again. Ang tagal nang di kita nakita ah?" tanong ni Julius. Tumingin saglit si Ana kay Azel na kumakain ng donut bago niya sinagot ang lalaki.
"Busy kasi kami these last few days." sagot nito.
"Ahh.. Kaya pala. So anyway, free ka ba this weekend?" hopeful na tanong ng binata. Tumingin ulit si Ana kay Azel na ngayon ay nakatingin na rin pala sa kaniya na wala namang kahit anong ekspresyon. Napabuntong hininga nalang si Ana.
YOU ARE READING
Ang Boss Kong Beki
RomanceAno kaya ang mangyayari kung magkakasama sa iisang opisina ang isang BEKI at GIRL? Will a romance begin? Or an unstoppable riot start? ----------------------------- Date started: May 13, 2016 Date ended: ---------- ----------------------------