Kinabukasan maaga akong pumasok sa school, i didn't mind na muna na suot suot ko ang bracelet, kasi kung iitindihin ko ito sigurado lutang ang isip ko buong araw.
As usual kasama ko na naman si Mae, ang iba ay nagkanya-kanya na dahil busy sa mga school works.
"Alam mo sha maraming open ngayon na coffee shop punta naman tayo minsan"
Parang kailangan ko din ito.
"Sge samahan mo lang ako mamayang uwian sasabihan ko si Belle"
I really love coffee shops it keeps me relax at nakakapag-isip pa ako ng mabuti.
After class nagpunta na nga kami ni Mae sa Coffee shop na sinasabi nya, hindi naman ito kalayuan sa aming school , mga dalawang kanto lang. Kaya hindi ko na rin dinala ang sasakyan ko at maglalakad na lang kami. I also texted Belle to meet me before going, gusto kong alam din niya kung nasan ako.
I really feel weird, para kasing hindi na ako marunong maglakad, nanghihina ang mga paa ko at tsaka tumatagaktak na ang pawis ko kahit hindi naman masyadong maiinit and usually I'm not that madaling mapagod pag naglalakad.
Patungo na kami sa grand gate ni Mae ng nakita ko sa mga benches si Chris at Stephen, tinawag ko sila, pero nakakapagtataka at hindi nila ako narinig, tinawag ko pa sila ng paulit-ulit, pota ang hina talaga ng pandinig ng mga kumag na nato.
"hoy Chris!!, Stephen!!!" si Mae nlng ang tumawag
"oy nandyan ka pala Mae, san ka pupunta?"
"coffee shop,at tsaka ang harsh much ha, kanina pa kayo tinatawag ni Shareca mga bingi ba kayo?"
tinignan lang nila ako ng mga ilang segundo, at hindi man lang ako binati at kinibo. Ano bang problema ng mga ito?
"ahh ganon ba, sige Mae enjoy ka ha, magingat ka rin" kumakaway na sila paalis, hindi man lang talaga ako pinansin. Sakit non ha, first time na cold ang treatment nung dalawa lalo pa't sila talaga ang unang-una pumapansin sa akin.
"hoy mga hangal!! di nyo ba nakita si Shareca? bingi na nga bulang pa!! sus!!" bulyaw ni Mae sa papalayong Chris at Stephen.
"sige na Mae yaan mo na, nantritrip na naman siguro yon, bukas babalik din ang treatment ng mga yon."
patuloy na lang kami sa paglalakad at naabutan pa nga namin si Belle sa may waiting area na katabi lang din ng mga round tables at botanical garden.
"ate dito!"
"uhm Belle pwede sabihin mo muna kay mama na punta muna ako sa coffee shop? magkasama kami ni Mae--"
"gusto lang namin mag relax at mag enjoy kahit kaunti lang, alam mo na, sa mga weird events na napagdadaanan ng ate mo ngayon hehehe" dinugtungan naman ito ni Mae.
nakatingin lang si Belle sa amin habang tumatango-tango, malaki pa ang smile.
"okey sige, ingat kayo ha? ate, Mae una na ako."
at tumakbo na nga sya sa side gate ng campus, dun kasi kadalasang naghihintay ang driver namin.
****
Kung talagang nangyayari ito lahat bakit ngayon ko lang ito nararamdaman, nung bata pa ako wala namang mga ganito eh, if all this events were true bakit? bakit ako? i know imagination lang siguro ito lahat kasi I'm so drawn of becoming a princess nung bata pa ako, HAHAHAHA siguro nga dahil don,But why?? bakit ngayon lang nangyayari to? kung saan I'm willing to except the reality saka pa to aawra.
BINABASA MO ANG
Charming Dreams
Ficción GeneralDreams. Anong gagawin mo kung kinokontrol ka nito? Syempre, gigising. pero.... handa kaba sa nakaabang sayo na katotohanan?