Chapter 2

34.3K 1K 626
                                    

Chapter 2: He died

Empress' POV

"Sa pagkakatanda ko, siya ang namatay. Hindi ikaw."




Agad ko siyang naitulak ng malakas. She was surprised. Hindi niya siguro aakalain na magagawa ko yun sa kanya. I never done it to her before. But that's before. Not now.



Tinapunan ko lang siya ng malamig na tingin at saka ko nilingon ang dalawa pa niyang kasama. Napataas ang sulok ng labi ko sa kanila. They're pathetic. Basang basa ko ang paglamlam ng kanilang mga mata pero heto sila at parang matatapang na nakikipagtitigan sa akin. Hindi nga talaga mapapagkailang magaling silang mga artista. Sabagay. Pati ako naloko nila.



"E."




I immediately looked at Zit. At napamura ng mahina. Sht. Realizations hits me. I want to change my plans. Now.




Naglakad na lang ako at nilampasan sina Zit. Ayokong maghintay sa speaker. Besides, alam ko na ang mangyayari sa orientation na ito. At higit sa lahat, gusto kong mapagisa.



"Fck."




Hindi pa man ako nakakalayo ng tuluyan sa gymnasium ay may nakabungguan na akong lalaki. Napataas ang kilay ko sa kanya. He cussed.




Tiningnan ko siya at tanging ngiti lang niya ang bumungad sa akin. Hinayaan ko na lang siya at muli na akong naglakad pero naramdaman kong nakasunod siya sa akin. The heck. He must be thankful dahil hindi ko siya pinatay pero itong ginagawa niya, it's getting in my nerves. Hindi ko nagugustuhan.




Tumigil ako at naramdaman kong tumigil din siya. I faced him with my casual look. Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin. Isa siya sa mga walang kwentang tao. Tinitigan ko lang siya saglit at saka nagpatuloy na muli ng paglalakad. I don't waste my time for stupidity.





Saktong pagliko ko sa hallway ay nakasalubong ko ang dalawang tao na naghaharutan. Isa pa sila. Paniguradong mga sakit sa ulo. Lalampasan ko na lang sana sila pero hinarang na nila ako pareho. Just like what I thought.





"Empress." Tinitigan ko lang siya. She called me kaya nakatingin lang ako sa kanya. I know her enough. Hindi siya isang tanga para hindi magsalita pagkatapos niya akong tawagin. Pero bago pa siya makapagsalita ay nawala na agad ang atensyon ko sa kanya pagkatapos akong banggain sa balikat ng isang lalaki.




Nilingon ko ito at agad na napataas ang kilay ko sa kanya. It's him again. No doubt. Sinasadya niya iyon.





"You know him?" Biglang sabat ng babaeng nasa harapan ko. I just diverted my eyes at umiling sa tanong. Hindi ko na rin muli pinansin ang lalaking hanggang ngayon ay nasa tabi ko pa din. Pero kapag may ginawa pa siya. I'll not control myself anymore. Mapapatay ko talaga siya.




"Well, mukhang kararating mo lang pero paalis ka na agad. May ia-announce pa ako sa inyong mga estudyante." Napatitig ako sa kasama ng babae. Nakapulupot ang kamay nito sa bewang ng babae. Talagang mahaharot. Ang sakit sa mata.




Walang pasabing iniwasan ko sila at naglakad na ako muli pero napatigil ako nang magsalita ang babae.




"Alam mo na ba ang mangyayaring exhange of students program?"




No. Gusto ko iyon isagot pero huwag na lang. Wala namang kwenta ang nakaisip ng programang iyon. Hindi ko na lang sila sinagot at naglakad na ako muli pero naalerto ako sa aking paligid. Ramdam ko ang pagtago ng isang presensya.





HEARTLESS EMPRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon