Chapter 19

11.4K 516 45
                                    

Happy 98k!

Chapter 19: False Accusation

Empress Fuschia's POV

Halos lahat sila ay pare pareho ang naging reaction. Alam kong iisa lang kaming lahat ng nasa isip.

"You mean ibang tao si Alonzo? Kung hindi kapatid ni Hera si Alisha based sa DNA, posible na ibang tao si Alonzo." Klaio commented.

"Iyon din ang akala namin." Zit answered.

Isa si Zit sa mga kasama ko noon na nagimbestiga kasama ang ilang pribadong tao na aking kinuha. Kaya si Zit ay alam din ang lahat ng ito maski ang aking plano.

"Alisha and Alonzo's DNA didn't matched too. Hindi anak ni Alonzo si Alisha, iyon ang resulta. Pero it seems they're blood related." Salita ko.

"The f?"

"So inaanak, ano ibigsabihin nito?" Ms. Cresantine asked.

"We will open the thought on possibility na ibang tao si Alonzo. But in my perspective, maaaring tama talaga ang hinala ko."

Kinuha ko sa aking bulsa ang dalawang papel at inilahad sa kanila ang isa sa mga ito.

"After the war happened, I went to Spain. I received a letter on my table outside a coffee shop."

(HE: Chapter 10) Bawat umaga ay malaya akong naglalakad sa mga pasilyo sa lugar ng Granada. Iinom ng kape habang nakikinig sa pagtutog ng gitara sa isang klasikal na piyesa.

Ngunit ang isang tahimik na umagang iyon ay biglang nagulo nang may ingay na nangyari at malakas na sigawan sa kabilang pasilyo. Bahagya akong tumayo at nanuod sa mga biglang nagdatingan na pulis habang hawak hawak ang isang lalaking palaboy na sa tingin ko ay nagnakaw. Saglit akong napailing at naibalik ang atensyon sa kape kong iniinom pero laking gulat ko na lang nang may isang maliit na sobre ang nakaipit sa tasa ng kape ko.

Nang buksan ko iyon ay hindi ko naiwasang manginig. Ang mga ala ala na pilit naming kinakalimutan saglit ay biglang bumalik sa aking isipan nang mabasa ko ang sulat na laman ng sobre.

"He wasn't the real Alonzo Carter." Basa ni Steve na siyang mas malapit sa nilapag kong papel.

"Another letter was this." Bago pa man sila magreact sa nabasa ni Steve ay inilahad ko ang huli kong natanggap.

(HE: Chapter 14) Tinanggal ko na ang karayom na nakakabit sa aking kamay na konektado sa destroxe. Binuksan ko ang pintuan ng aking silid at tiningnan ang mahabang pasilyo sa labas. Walang tao.

Hindi ako maaaring magkamali. Alam kong may humaplos sa aking buhok kanina habang natutulog ako.

Nang bumalik ako sa aking kama ay saka ko lang napansin ang isang sobreng malapit na mahulog sa ilalim ng aking unan. Agad ko itong kinuha at binuksan.

"Meet me Empress. I need to warn you about him." Basa muli ni Steve.

Nakita ko ang mga pagtataka sa kanila. Ni isa sa kanila ay walang nakakaalam sa mga natanggap kong sulat na ito.

"I need everyone to search for resources. Backgrounds of anyone that we can connect to Alonzo and Hera. Iyon ang target ng meeting na ito ngayon. Just hand it to me wherever and whenever. That's all."





Klaio Satara's POV

It's been four days. Kanya kanya kaming nilalakad at gumagawa ng pagiimbestiga. Wala pa kaming lead nitong mga nakaraang araw, pero ngayon ay tumawag sa akin si Blairre.

HEARTLESS EMPRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon