Chapter 22

11.7K 515 50
                                    

107+k!!

Chapter 22: Save



Empress Fuschia's POV

"Fck."



Hindi ko na napigilang dumaing nang muli pang tumama ang aking ulo sa bintana ng kotse. Nakailang untog na ako nang dahil sa gitgitan na nagaganap.


Nasa gitna kami ng dalawang kotse at ang isang kotse na kanina pa sa aming sunod sunod na nagpapaputok ay ngayon naiwan dahil sa butas nitong gulong. Kung hindi rin ako nagkakamali, natamaan din ni Arkhel ang driver. Well this guy knows to shoot. Sabagay, he even tried to kill me in the Society weeks ago.


Agad akong napayuko nang pilit kaming binabaril ng mga sakay sa kotse na nasa aming kaliwa. Nang yumuko ako ay muli kaming binangga naman ng nasa kanan naming kotse. Fortunately, may nakita akong baril na sa tingin ko ay nakatago sa ilalim ng upuan. Kinuha ko ito at kahit man nakaposas pa din ang aking kamay ay agad akong tumunghay at nakipagpalitan ng putok.


"The hell! Just duck your head woman!"


"Shut up! Kung binabaril mo tong posas ko nang ayos ako makalaban!"


I see how frustrated he was at me when I shouted back. Pero napailing na lang din ito at iniyuko din ako. Inagaw niya rin ang hawak kong pistol at agad binaril ang posas na nakakabit sa aking dalawang kamay.


"There. Now, you stay alive and don't make reckless move Fuschia!"


Hindi ko na lang pinansin pa ang sinabi niya at maski ang kanyang pagtawag pa sa pangalan ko dahil gaya niya ay agad kong binaril ang dalawang lalaki sa kanan at siya naman ay sa kaliwa.


"Hold tight children!"


Agad akong napakapit sa basag na bintana nang biglang prumeno si Dr. Charles na siyang ikinabangga sa isa't isa ng dalawang kotse. Nang madaanan pa namin ito ay pinaulanan pa rin naman sila ng bala para makasiguro na rin.


"Saan niyo ba ako dadalhin? You can just dropped me to Empire High."


Kanina pa kasing nagmamaneho si Dr. Charles at hindi ko alam kung saan kami patungo. Tahimik din kaming tatlo kanina pa. Pansin ko din ang panay buntong hininga nilang dalawa at hindi ko alam kung anong rason nila.


"We'll tell you something."


Iyon lang ang sinabi ni Arkhel. Hindi ko alam kung saan ako mas magugulat pa. Sa dahilan ba na may alam sila o sa lamig ng boses ni Arkhel. His face was blanked kaya hindi ko din masabi kung ano iniisip niya.



"We're here."


Agad akong sumunod ng pagbaba sa kotse. Nilibot ko ang tingin at di maiwasang magkunot noo. Nasa harap kami ng isang palayan at sa gitna noon ay ang isang hindi kaliitan na bahay kubo.


Hindi alintana sa aming tatlo ang init ng panahon. Tiningnan ko ang buong paligid ng bahay at napakasimple nito. Wala ring ganoong kagamitan bukod sa isang telebisyon, mesa, upuang mahaba na gawa sa yantok at isang kama.


"So let's start with your first question." Iyon agad ang bungad sa akin ni Arkhel pagkatapos nitong maglapag ng tubig sa mesa sa harapan namin.


"Sinong humahabol sa atin at nagtangkang kunin ako?"


"Dr. Wang." Agad na sagot ni Dr. Charles na kaninang tahimik lang na nakatingin sa akin.


"Sino naman yon? And what's with the doctors? Una, ikaw. Then now, a Wang." Hindi ko na naitago pa ang frustration ko. Gusto ko ng diretsong sagot.


"Dr. Wang escaped from a mental institute in China. He's a crazy doctor who abduct and murder those people with rare eyes. (Chap 13) Wang is friends with Arturo. Maybe since Arturo live in China. I'm sure Wang knew about your eyes because of Arturo. And now, he's after you."



Baliw. Isa siyang baliw. Hindi ko na lang tinuon pa ang katanungan tungkol sa baliw na doktor na iyon dahil sa narinig kong isang pangalan na binanggit niya ngayon.



"What else do you know about the another Carter? About Arturo?" Tanong ko.




"I know Arturo Carter very well." Iyon ang isinagot ni Dr. Charles na siyang kumuha ng buong atensyon ko sa kanya. I stared at him blankly, not having any statements kaya nagpatuloy siya ng pagpapaliwanag.




"Kilalang kilala ko si Arturo. Base sa sinabi ni Arkhel, you already investigated and you might even know about him as a twin of Alonzo since I assumed you're from Asterchia's house." He suddenly paused and stared at me like he's asking me so I nod at him confirming his assumptions.



"To confirm those question of yours, Yes. Arturo pretended to be Alonzo. Nagsimula kong malaman na nagpanggap siya as Alonzo when I learned from a friend of mine whom was close to a plastic surgeon that the real Alonzo suffered from burnt injuries due to a car crash. Alonzo, Armour's father got a plastic surgery with a new face. Kaya ganoon na lang ako nagtaka nang malaman ko sa hospital ni Cresantine na ang inyong kalaban ay si Alonzo. All of you completely got the wrong idea. I tried to warned you as soon as you wake up from your comatose but you already left."


"So you followed me in Spain?" Iyon agad ang naitanong ko nang marinig ang paliwanag niya.


"Yes. And I let Arkhel guard you." Kung ganoon, siya nga ang nagbigay sa akin ng letter na natanggap ko sa Granada at sa ospital.



Nilingon ko si Arkhel nang dahil sa pahayag ni Dr. Charles. Kaya ba ganoon na lang pagsunod niya sa akin? I was expecting him to tease me about me suspecting him as an enemy of mine but all was shown to his face is coldness. Hindi ko alam kung tama ba ako sa aking nakita but I can really sense that he's nervous.



"Then perhaps you also know about what happened to his son." Muli kong tanong kay Dr. Charles na pansin kong pareho nilang dalawang ikinabuntong hininga.



"I know what happened. I am the operating surgeon in charge inside the operating room, not Dr. Medina." (Epilogue of EH)


So these two men really do have knowledge about what the hell is happening right now. Ngayon ko lang sila nakausap pero naniniwala na agad ako sa kanila. I can sense honesty from them.


At kung ganoon na iba ang mukha ng tunay na Alonzo ay hindi ko maiwasang magisip pa tungkol doon. At higit sa lahat, may naiwan pang tanong sa akin.



"Then where is the real Alonzo? And if you know what happened to Armour. Can I confirm it from your own mouth if there's a possibility that he's alive or if he's really dead?" Hindi ko alam kung paano ko nakayanan itanong ang huli kong sinabi. It was just, hindi ako matahimik tungkol doon.



"Tungkol sa totoong Alonzo kaya ka namin kinakau—"


"Fck!"


Hindi na natapos pa ni Dr. Charles ang kanyang sasabihin nang agad kaming napadapa sa sahig dahil sa biglaang sunod sunod na pagpapaputok sa amin.


Ilang minuto kaming nanatiling nakadap sa sahig hanggang sa makarinig kami ng malaking pagsabog mula sa labas. Nanatili kaming tahimik hanggang sa may narinig kaming tila nakikipagpalitan ng putok ng baril. Two groups?


"E we're here!"


Zit? What the hell is happening?

HEARTLESS EMPRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon