Chapter 5

21.1K 751 282
                                    

Chapter 5: Visitor

Lexine's POV

"Are you feeling what I'm feeling?" Napalingon kaming lahat kay Jeena. At sa hindi pinagusapang pagkakataon, sabay sabay kaming tumango sa kanya. Kahit si Klaio.

Shocks. So mukhang hindi lang ako ang kinakabahan for tonight.

"Hindi maganda ang kutob ko pagpasok natin sa loob." Biglang sabat ni Blairre na aking ikinatitig sa kanya.

Tama siya. Maski ako iba ang nararamdaman. Malaki ang pinagbago ng lahat. Maski si Klaio. Pero alam naman naming mas malaki ang pinagbago ni Empress.

"Zaren, go inside firsts." Speaking of,  kasama namin sila ngayon. Since the war happened three months ago, naging maganda ang pagkakaibigan namin sa Lily Gang. Which I never imagined dahil hindi maayos ang naging simula ng aming mga grupo.

Naunang pumasok si Zaren kasunod ang buong Lily Gang. Nang tuluyan silang pumasok sa pintuang pribado na patungo sa loob ay naiwan kaming apat na tahimik. Hindi ko alam pero mukhang halos sabay lang kaming napahinga ng malalim bago nagsimulang maglakad na din.

Sobrang organisado ang lahat dito sa arena. Hindi rin gaanong kaingay dahil lahat ay tahimik na nagmamasid sa bagong arena. Hindi maiikubli na ang dalawang gusali sa labas ng Empire High na sya palang Grounds ng mismong Empire Society ay ganito magiging kaganda pagkatapos ng renovation. It's so royalty like.

Sobrang taas ng kisame ng arena, puno ng speakers, may mga chandeliers na nagkalat at talagang may mga upuang laan sa bawat importanteng tao na may matataas na posisyon at kabilang na kami. Ngunit katulad ng sabi ko, pinaghandaan ang selebrasyon na ito kaya sa gitna ay may tila hagdanan papunta sa eleganteng entablado na may tatlong upuan. Walang duda na pwesto nina Empress. At sa baba ng hagdanan na iyon ay ang mga upuan para sa mga piling tao na matataas ang katungkulan. At doon kami patungo ngayon.

Walang duda na naging sentro din kami ng atensyon nang maupo kami sa aming pwesto habang si Jeena ay naupo lang malapit sa aming pwesto. Ang daming istoryang maririnig sa bawat bulungan. Maski ang nangyari noong tatlong buwan na lumipas ay nahalungkat, kaya mismong ang nangyaring pagkamatay ni Armour na kilala nilang Grave King ay napagkwentuhan.

"Ang tahimik din nila."

Napatingin ako sa gawi na tinitingnan ni Blairre. Nandoon ang Graveyard Gang o ang grupo nina Drake na kasalukuyang tahimik lang din. Mukhang present ang lahat sa gabing ito.

"Good evening Society."

Umalingawngaw sa buong arena ang malamig na boses na iyon kaya natahimik ang lahat pero biglang umingay nang may naglakad na walong babae at apat na lalaki. Apat na babae na nakaitim at apat na tila nakakapa din habang ang apat na lalaki ay nakapurong puti at lahat sila ay nakamaskara.



"So everybody is present." Napatingin ako saglit kay Klaio. Mukhang tama ang nasa isip ko.



"Crystals. Last Letters. Chapters." Saad ni Klaio kasabay ng isang bahagyang pagyuko.


Umingay ng bahagya ang arena sa nakita nilang ginawa din naming pagyuko marahil ay sa katanungan sa isip nila. Sabagay, hindi nila alam sa personal ang mga nakatagong tao sa likod ng Empire Socety. Naupo na sila sa mga bakanteng upuan at hindi ko na lang pinansin din ang nararamdaman kong pagpukol ng mga tingin sa amin mula sa Last Letters at sa halip ay naupo na lang din ako.


HEARTLESS EMPRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon