Aftermath
Unang story ko po,Wag magalit kung pangit kasi first story palang eh.
Taong 2014 ang mundo na mapayapa ay naging isang madugong labanan ng mga bansa na nakatira dito,Nagtapos lamang ang digmaan na ito ng aksindenteng sumabog lahat ng Nuclear bomb na nakatago sa mga storage ng mga bansang kasali sa digmaan, dahil dito nagkaroon ng nuclear winter,namatay halos lahat ng hayop at halaman ,nagdulot ito ng tag-gutom sa buong mundo at ng magtagal bumagsak lahat ng bansa sa mundong ito.
Takbo bilis takbo na! Sigaw ng isang matandang lalake na tumatakbo "Paparating na ang mga barbaro"Sigaw naman ng isang bata,"huh?"Isang kagigising pa lang na lalake ang nagtataka kung ano ang nangyayari , Sa isang banda nalaman rin ng lalake bat tumatakbo ang mga tao,Bumaba na ang mga barbaro sa mga sasakyan nito para kumuha ng pagkain sa mga taong inaabuso nila.
"Dito bilis!"Sigaw ng isang babae sa lalake, Agad naman sumunod ang lalake sa babae at nagtago sila sa mga kotse na sira sirang nakaparada sa tapat ng MOA na ngayon ay isa na lamang tirahan ng mga taong mahihirap,"Muntik na tayo dun"Sabi ng lalake,"Oo nga eh"Sagot ng babae,"ako nga pala si Romeo"Pakilala ng lalake,Sinabi naman ng babae na siya si Juliet,Nagpahinga sila ng ilang sandali para makapaghanda sa kanilang pupuntahang lugar.
Kinaumagahan agad sila umalis papuntang Baguio, Dahil ang sabi ang gobyerno daw ay nandoon at maayos daw ang pamumuhay ng mga tao doon,Kumain muna ang dalawa bago sila umalis,Nagkwentuhan sila sa mga pinagdaanan nila para lang mabuhay,Unang nagkwento si Romeo bago si juliet,Masaya silang nagsimula sa paglalakad dahil sa mga pinag-kwentuhan nilang dalawa.
Habang naglalakad sila,may nakasalubong silang bata na mukhang mayaman , ayos ang katawan, malusog , nakita nila itong nagluluto ng makakain nito , Lumapit si Romeo at Juliet sa batang ito,Harvey yan ang pangalan ng bata, Niyaya nila ang bata na sumama sa kanila sumama sa baguio,Agad naman sumama ang bata sa kanila.
Bakit ka nag-iisa?"Tanong ni Juliet sa bata, sumagot naman ang bata na "Nako po mahabang storya po iyon,"Sige na kwento mo na"sabi naman ng nakangiting si Rome,Pero kahit anong pilit ng dalawa sa bata ayaw nito pumayag sa sabihin kung bakit nga siya nag-iisa,Huminto muna sila sa lumang gasolinahan upang kumuha ng pagkain sa mga restaurant nito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~Somewhere in Baguio~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Hanapin niyo ang aking anak,at bibigyan ko kayo ng pera"Sabi ng isang lalaki na nakatago sa isang madilim na kwarto na parang opisina,Sumagot naman ng Oo ang mga lalakeng kasama nito sa loob ng kwarto,Dali dali umalis ang mga ito nagdala sila ng mga baril,Pagkain,atkung anu-ano pa,Sumakay sila sa isang bus na lumang luma na.
"Sawakas makikita narin kita Harvey,At ang dala mong gamit na magbabago sa buong mundo na ito hahahahahahahahahahah"Sabi ng lalakeng nagpapahanap sa kaniyang anak.
Ano kayang mangyayari sa tatlo?Sino kaya ang Lalakeng iyon?Ano meron kay Harvey?Abangan sa susunod na chapter>_<
BINABASA MO ANG
Aftermath
Ciencia FicciónSamahan si Romeo at Juliet sa paglalakbay nito papunta sa kanilang dapat puntahan.