Cassidy's POV
"DADDY! " lumingon ang isang may edad na lalaki .
"Cassi ! Anak , kamusta ka na ? Miss na miss na kita "
"i miss you too Daddy ,so much"
"Oh bakit umiiyak ang baby Princess ko ? Don't cry baby ,Daddy's here "
"Im sorry Daddy , I'm sorry "
" Why Cassi ? What's wrong? "
" Daddy nasira na ang ebidensya na makakapagpakulong sa taong pumatay sa inyo , hindi na mabibigyang katarungan ang pagkamatay mo Dad "
" Cassi hindi mo kailangang makialam sa kaso ko anak . Hindi mo trabaho iyan , wala kang kasalanan , balang araw mabibigyan din ng katarungan ang pagpatay sa akin anak . Alagaan mo mama mo at ang kapatid mo "
"Pero Dad , nang mawala ka , nawalan na din ako ng pamilya, galit sa akin si Mommy , si Patricia na lang ang pamilya ko Dad , Sinisisi nila ako sa pagkamatay mo , at kahit ako nagsisisi din dahil wala man lang akong nagawa para iligtas ka . Daddy im sorry , im really really sorry "
I was about to hug him but I heard a sound of a GUN ?
"BANG !" nakita ko si Daddy nakahiga na sa sahig at may tama ng baril .. No ! No! Nangyari na naman siya but for the second time wala na naman akong nagawa .
"DADDY!!" Napabangon ako, pagkagising ko nakita ko si Patricia na nasa tabi ko at alalang alala.nang hawakan niya ako ,bigla akong lumayo
hindi ko alam pero ayoko , naninigas na ang mga katawan ko sa takot at kaba ." GET OUT !" Sigaw kong sabi sa kanya, alam kong nabigla siya pero ayoko ng may kausap , gusto kong mapagisa . Niyakap ko ang sarili ko habang nakaupo sa kama, nilibot ko ang tingin ko sa paligid hindi ako nagkakamali , nasa Hospital ako .
Hindi pa rin ako makamove on sa pangyayari , hindi ko alam kung panaginip o totoo yun , bigla na lang akong napaiyak , ayoko na Dad hindi ko na kaya
" Im Sorry Dad , Im sorry " at mas lalo akong umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko, wala na naman akong nagawa , ang TANGA mo SID napakalaki mong Tanga , wala kang kwenta , Pati ba naman sa panaginip hindi ko pa rin siya nailigtas. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na ito. Naalala ko yung phone ko , wait nasaan ang phone ko ? Nagpalinga linga ako sa paligid pero hindi ko talaga nakita .
I have to find it .
Medyo nanghihina pa rin ang katawan ko pero pinilit kong tumayo , agad namang lumapit sa akin si Patricia para pigilan ako.
"Ano ba Cassidy ! Wag ka munang tumayo , hindi ka pa masyado magaling , magpahinga ka nga muna !" Pero hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang ginagawa kong makatayo , pinipilit ko ding tanggalin ang nakatusok na dextrose sa kamay ko
"Ouch " ang sakit . Nang matanggal ko na , papunta na sana ako sa pintuan pero bigla itong bumukas at niluwa nito ang Doctor at ang mga nurse , shit mukhang mahihirapan ako nito makalabas , agad naman ako hinawakan ng mga nurse , nag pupumiglas na rin ako baka sakaling makawala ako sa pagkakahawak nila ,naiiyak na rin ako , mas lalo na akong nagwala ng maalala ko ang mukha ni Daddy at ang panaginip ko . Nakaramdam ako na may tumusok sa aking wrist , unti unti akong kumalma dahil nanghihina na ako. Parang anytime babagsak ako .Dinala ako ng mga nurse sa kama ko at inihiga . Unti unti na din pumipikit ang mga mata ko , huli kong nakita si Patricia bago ko pinikit ang mga mata ko.
Patricia's POV
Nakaupo na ako sa may sofa ng hospital , it's 8:00 in the evening, nagiisip isip ,hindi ko alam ang gagawin ko ,hindi ko naman matawagan si Tita Janice ang mommy ni Sid ,dahil alam kong hanggang ngayon sinisisi pa rin niya si Sid sa pagkamatay ni Tito Eric ang Daddy ni Sid ,Yes namatay ang daddy niya ,wait let me rephrase it PINATAY ang Daddy niya. That incident was happened a year ago , kaya sariwa pa rin ang mga sugat sa puso ni Tita Janice at ni Carl her brother, pero hindi nila alam na mas nasasaktan si Sid kasi bukod sa namatay na ang Daddy niya , nawalan na rin siya ng Ina at Kapatid , naaawa nga ako kay Sid eh , lalo na sa pinakita niyang attitude kanina , wag naman sana mangyari ulit yun .. Alam niyo ba ang tinutukoy ko? Well malamang hindi Charot .Nagkaroon siya ng Trauma because of that incident , nakakulong lang siya sa kwarto niya at palaging umiiyak wala siyang kinausap na kahit sino , kahit ako , minsan makikita mo siyang tulala tapos may mga luha sa pisngi niya pero dahil wala ngang pakialam si Tita Janice dito ,si Mommy ang nag alam sa kanya hanggang sa gumaling si Sid . Yun ang ikinababahala ko ngayon ,baka mangyari ulit yun , ayoko na siyang nakikitang ganun , mahal na mahal ko yang babaeng yan eh hahaha , pinagmasdan ko na lang siya matulog hanggang sa bumukas ang pinto at niluwa nito si Ranver na supot ay este may dalang supot.
BINABASA MO ANG
Mission Against Feelings
RandomJust read this guys. Wag kayong mag eexpect kasi masasaktan lang kayo CHAROT .. hahaha i mean don't expect anything about this story . Im just a first timer here ..soooo goodluck sakin Follow me on twitter @imcrizaaa Follow me on instagram crizz...