Chapter 2

0 0 0
                                    

Patricia's POV

Bumangon ako galing sa higaan ko dito sa sala, ayoko tumabi sa mantika kong bestfriends , sa likot matulog nun eh baka hindi ako makatulog madamay pa ako sa pagiging late ng bestfriend kong mantika , pero wag kayong ano diyan mahal ko yang babaeng yan kahit ganyan siya . Nakakatuwa ngang isipin dahil nagbalik na siya sa dating siya eh. Simula ng mangyari yun wala siyang kinausap na kahit kanino , kahit ako at ang kanyang mga magulang hindi niya kinausap . Tahimik lang siyang tao , yung tipong walang pumapansin sa kanya maliban sakin , sa school naman wala din siyang kaibigan , paano ba naman magkakaroon? Kung hindi sila mga maaarte ,malandi ,plastic at back fighter naman ang iba dun tss , may pag kakalog din yan , kadalasan tanga , kadalasan din maldita .ewan ko ba kung bakit nakatagal ako diyan , abnormal pa naman yan. Buti na lang ako MAGANDA LANG atsaka tahimik .hayy ang bait ko kasi eh .

"Oh Patring bakit ka tulala ? Anong kaartehan yan ? Ha ? " biglang sulpot ni Cassidy..Teka ? SID ??

" WAIT ? NANAGINIP BA AKO ?? SABIHIN MO ! SAMPALIN MO NGA AKO" and there sinampal nga niya ako ,, shet ang shaket huhuhuhu ang beautiful face ko . Hindi nga ako nanaginip ,bakit ang aga magising ng babaeng ito ?

" Hoy naka drugs ka na naman ba ? Kung anong sinasabi mo dyan ,para kang tanga eh !" Sabi ni Sid.

" Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan ! May sakit ka ba ? Ha? " tapos hinipo ko ang ulo at leeg niya , wala naman siyang lagnat ." Bakit ang aga mo nagising ha ? Himala yun ah . Hayy nakuu !" Sabi ko sakanya

" Ikaw talaga kahit kailan ang OA mo, maaga kasi akong nakatulog kagabi kaya maaga ako nagising tsss , sige na maliligo na ako" pagkasabi niya nun ,umalis na siya , ako naman pumuntang kusina para maghanda ng breakfast naming dalawa .

Tapos na ako mag handa at nasa dining na kami at kumakain na rin kami .

" Anong oras na ?" Tanong niya sakin , tiningnan ko ang wristwatch ko it's just 5:45 in the morning ,Gosh ang aga pala naming nagising

" 5:45 pa lang naman. Bakit ? Excited ka pumasok ? Dahil dyan kay Ranver ? Naku naku sinasabi ko na sayo ngayon pa lang na wag na wag kang papatol diyan sa lalaking yan , baka mamaya mabalitaan ko na lang na isa ka na sa mga babae niya naku ikaw mababatukan talaga kita kapag nagkataon " sunod sunod kong sabi sa kanya , grabe hiningal ako dun ah.
 
" Pwede ba Patring , bawas bawasan mo yang kaoayan mo ! Tandaan mo walang nanalong best actress sa pagiging OA ! tss" taray niyang sabi . Oo nga no ? Kaya siguro hindi ako nakuha na isa sa mga gaganap sa play namin last year .kung alam ko lang sana hayy

" Oh bakit ganyan mukha mo ?" Tanong ni Sid sakin.

" Kaya pala hindi ako nakuha na isa sa mga gaganap sa play namin kasi ganun nga OA ako " malungkot kong sabi

" Hayy ayan ka na naman sa kadramahan mo ! Wag mo na isipin yun , last year pa yun ah ? Ikaw talaga , bilisan na nga natin " hay napaka bait talaga ng bestfriend ko! Tsss napaka sweet Note the sarcasm

Nagmadali na kami tapos lumabas na at sumakay ng elevator , pagkapasok namin sa elevator . I was like 0_____0  gosh hindi ba sila marunong mahiya ? Maghalikan ba naman daw sa loob ng elevator . Yun namang babae sarap na sarap parang ilang taong pinagkaitan ng halik ng kanyang mga magulang ,jusko tapos napansin ko naka suot ng uniform yung lalaki na mukhang Same lang kami nina best ng pinapasukan , tiningnan ko si Sid , ayun nakatulala din . No choice kami kaya pumasok na kami .

Cassidy's POV

Nakapasok na kaming dalawa pero mukha yatang hindi nila kami napapansin , masyado silang busy sa pakikipagkuskusan ng labi nila tsss mga kabataan nga naman ngayon walang pinipiling lugar , sayang Gwapo pa naman nung lalaki ang lalim din ng dimple tss tss i don't care ayoko sa ganyang mga lalaki , napansin ko din na same lang din ang uniform na suot namin mukhang sa Golden High din siya nag aaral

" What are you looking at ? " taray na tanong sakin nung babaeng malandi .tss
"Are you staring at my boyfriend ? Kanina pa kitang tinitingnan ,at nahuli kita na titig na titig sa kanya , subukan mo lang agawin yang boyfriend ko malilintikan ka sakin " sigaw niya sakin , Aba! Aba ! Aba ! Makapagsalita itong malandut na Ito mukha namang hipon na pusit tss . Pero joke lang yun ang ganda nga niya eh pang model ang dating, hep hep hep nasusura nga pala ako sa babaitang ito , tiningnan ko yung lalaki nakatingin lang sakin tapos nakangisi na para bang nageenjoy siya na inaaway ako ng malandut niyang Girlfriend tss. Sasabat na sana si Patring kaso pinigilan ko siya , at ako ang nagsalita .

"Excuse me ? Ako magkakagusto diyan sa boyfriend mong manyak tss iyong iyo yan, hindi naman kagwapuhan mahiya nga kayo para kayong walang pinag aralan , maghalikan ba naman sa loob ng elevator tsss atsaka bagay na bagay kayo isang malanding babae na mukhang pinagkaitan ng ilang taon ng halik ng mga magulang niya at isang lalaking manyakis na kung makahipo parang ngayon lang nakahawak ng malambot tss hindi yata uso sa kanya yung unan , hoy ikaw namang lalaki ka ! Kung makangisi ka akala mo ikinagwapo mo for your information hindi ka gwapo!" Tsss kabadtrip.

" How dare you! alam mo bang b*tch ako , at anytime kayang kaya kitang saktan " nanggigigil niyang sabi , sasampalin niya sana ako kaso nahawakan ko yung wrist niya .at ako naman ang nagsalita

" B*itch ka lang, ako ? Super Bitch " saktong tumunog na yung elevator , magsasalita pa sana siya kaso umalis na ako at hinatak si Patring , Parang galing sa movie yung line na yun ah hahahaha

" Grabe Sid , ang galing mo dun ah , kailan ka pa natutong makipag away ?" tanong niya sa akin habang papalabas at papunta na sa kotse ko

" Ano ka ba naman Patring , hindi mo ba alam na may lahing kamalditahan ako ? Tahimik ako pero pag napuno ako at nagalit magtago na sila tss .  " sumakay na kami ng kotse ko at nagdrive na ako papuntang school . Hay agang aga nababadtrip ako nakakasura kasi yung babae at higit sa lahat yung lalaki maka ngisi akala mo pogi , nagdala lang naman ay yung napakalalim nadimple tsss mga wala talagang kwentang mga lalaki hindi marunong rumespeto sa mga babae buti na lang si Papa Ranver kahit player may manners hayy Ranver na naman ..

Nakarating na kami ng school at mag papark na ako . Lumabas na ako para makapunta agad sa room namin . Habang naglalakad kami ni Patring sa hallway may mga nagbubulungan

" Hoy mga gaga , may chika ako sa inyo ! " sabi nung mukhang malandut na babae .
Agad namang nasilapitan yung tatlo niyang alipores

" Ano yun ? Bilis "

" May transferee daw dito ngayon , mga Bhe,  Lalaki , Oo Lalaki iiihhhhh " kilig na kilig na pagchichismis ng mga babae

" Gwapo daw , Mayaman , At higit sa lahat Hot daw grabeeee naeexcite tuloy akong makilala siya " see ? Hayyy ang lalantut nila , nasa school sila wala sa bar maka panghanap ng lalaki tss

" Oh bakit ganyan mukha mo ?" Tanong sa akin ni Patring

"Paano ba naman , nakakairita yung mga babae , ang lalantut grabee "

" Hindi ka pa nasanay dyan kina Chloe " sabi ni Patring , siguro Chloe ang pangalan nung babaeng nagkwekwento

"Tsss " yun na lang naisagot ko at nagpunta sa room namin , sino kaya yung transferee na sinasabi nila ?

" Uy best , may transferee daw dito ? Lalaki best ,gwapo ,mayaman at hot daw" kilig na kilig niyang sabi , kailan pa ito kinilig tss ito naman kanina pang pinagchichismisan ngayon lang nalaman .

" Seriously ? Kanina pa kaya yang kwentong yan ngayon mo lang nalaman? Kahit kailan ka talaga" sungit kong sabi sa kanya .

" Ang sunget mo ! Sinasabi ko lang eh " inis niyang sabi . Tumahimik nalang ako dahil dumating na ang Prof namin

"Good morning class , i have an  announcement here .... From now on magiging classmate niyo na ang bagong transferee dito sa Golden High University " lahat sila tutok na tutok sa sinasabi ng prof namin lalo na yung Apat na babae dun sa unahan sina Chloe yata yun

"And eto siya ,hey come here " tawag niya dun sa bagong transferee . Biglang pumasok yung transferee and i was like 0_____0 and !____! and another ?____? Tiningnan ko si Patring , parehas lang kami ng reaction .. oh my gosh , it can't be....

It can't be you

( hi how's the chapter?  Sorry pero first timer lang talaga ako eh . Comment kayo kung may suggestions . Sino kaya yung transeferee ?? Keep reading guys . Don't forget to vote .)

Mission Against FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon