1 - The Debut

933 10 1
                                    

DEBUT

Tonight is going to be perfect.

Halos isang taon pinaghandaan ang gabing ito, Siya ang nagplano ng lahat maliban na lamang sa mga kasali sa program. Ang mga magulang niya, pinsan at pinakamalapit na kaibigan ang pumili ng 18 roses, 18 lights at 18 treasures. Hindi na siya makapaghintay na malaman kung sinu-sino ang mga ito.

Mala-fairy tale ang tema ng debut niya. Tinransform sa isang enchanted garden ang plaza ng bayan nila. Sa sentro ay naroon ang isang malaking entablado na punung-puno ng mga bulaklak at samu't saring halaman at nahahati sa gitna kung san may itinayong make-shift na ilog. Dito dadaan maya-maya lamang ang isang maliit na gondola na sinasakyan niya.

Mahigit sa isang libo ang ang mga bisita. Bukod sa imbitado ang taon-bayan, Imbitado rin ang halos lahat ng prominanteng tao sa buong bansa. Napapalibutan ng ,ga bilog na lamesa ang buong plaza. Ang bawat lamesa ay napapalibutan ng sampung tansong upuan na may disenyng mga baging at bulaklak sa sandalan.

Sa dalawang gilid ay naroroon ang buffet table kung saan nakahain ang iba't ibang masasarap na pagkain. Mula Filipino food, Chinese, Japanese, Italian, French, Mediterranean at iba't ibang variety ng cuisine ang nakahain. Karamihan sa mga sangkap ay galing mismo sa farm ng bayan nila. Ang iba naman ay inimport pa para lamang sa okasyon na ito.

Pagpatak ng alas-singko ng hapon ay nagpapasok na ng mga tao sa plaza. Lahat ay bihis na bihis at pormal ang itsura. Ang karamihan ay nagpaayos pa sa salon at nagpasadya pa ng damit. Magarbo ang selbrasyon. Minabuti ng debutante at ng events coordinator na unahin na ang kainan dahil siguradong matatagalan ang program. Mahirap naman kung magugutom ang mga bisita.

Dub-dub dub-dub dub-dub

Grabe na ang kaba na nararamdaman ni Lu. Kasalukuyan na siyang nakaupo sa gondola na nasa likod na ng entablado. Mag-aalas otso na ng gabi at magsisimula na ang programa. Malamang nakakain na karamihan sa mga bisita. Hindi alam ni Lu kung bakit pero parang sasabog talaga ang dibdib niya sa sobrang kaba.

Dapat maging maayos ang lahat. Walang papalpak. Pano kung sa kalagitnaan ng river ride eh tumaob ang bangka at mahulog ako sa river? Ano ba yan? Mapapahiya ako! Hindi pwede mangyari yun!

Sa isip niya. Tiningnan niya sa mata ang binatang magrrow ng bangka. Pinsan niya ang binata. Ito ang nag-iisang lalaking pwedeng lumapit sa kanya. Matangkad ito, mestizo at may magandang pangangatawan. Ngumiti lang ito sa kanya habang tinititigan niya ito nang masam. Lumabas tuloy ang dimples nito sa kaliwang pisngi.

"Relax lang Princess Lu! Hindi ko hahayaang tumaob ang bangka. Ako ang bahala sayo."

"Dapat lang!" Nabigla si Lu sa pagsigaw niya, Lumalabas na naman ang pagkamaldita niya. Nakangiti pa rin ang binata.

"I'm sorry Rick... Kinakabahan lang ako. Alam mo naman ako pag natetensyon nagmamaldita,"

。:゚*+;(●´・д・'●);+*゚:。

"I just want everything to be perfect. "  (╯︵╰,)

"It will be. Tama na yan. Sayang naman ang ayos mo, Sige ka lalo kang papangit niyan. Nakakahiya, ang dami mo pa namang bisita."

Bumuntong-hininga na lang si Lu. Malaki ang tiwala niya sa pinsan niya na. 

Maya-maya pa ay narinig niyang nagsimula nang tumugtog ang orchestra. Para sa gabing ito. Inimbitahan ang buong Philharmonic Orchestra. Kasabay ng tugtog at nagsasayaw naman sa entablado ang Ballet Manila. Nakasuot sila ng makikinang na kasuotan. Tila mga naglalarong mga diwata ang mga ito sa gitna ng entablado.  Manghang-mangha ang lahat. Tila nasa mundo sila ng mga diwata.

My Secret BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon