4 - Meet the Parents

610 3 1
                                    

MEET THE PARENTS

Hindi panget si kuya. Hindi panget si kuya. Hindi panget si kuya.

HIndi! Hindi! HIndeeeeeee!!!!!

(>O<)

Sigaw ni Lu nang paulit-ulit sa isip niya habang nasa sasakyan papunta sa Gazebo.

Ito ang pangalan ng pinakasikat na resto sa bayan nila. Dinadayo pa ito kahit ng mga taga-labas (taga-labas ng bayan nila). Laid back and very cozy ang ambiance dito. Open air and Gazebo at located medyo malayo na sa sentro kaya naman langhap na langhap ng mga kumakain ang sariwang hangin. Malalaking narra tables at mala-sofang chairs ang nakalagay dito. Sa umaga makikita ang mga nakapalibot na halaman at mga makukulay na bulaklak sa lugar. Pagpasok na pagpasok ay aabutan ka agad ng welcome drinks na fresh fruit juice. Kapag breakfast ka nagpunta, ang first 50 customers ay sinasabitan pa ng lay sa leeg. Tropical garden lang ang peg. Sa gabi naman napapalibutan ng maliliit ng ilaw ang mga halaman na mistulang mga alitaptap. Mayroon ding tumutugtog ng local instruments sa isang gilid para mas relaxing ang feeling habang kumakain.

Pero, higit sa ambiance ng Gazebo, dinadayo talaga ito dahil sa sobrang sarap nilang pagkain. Organic ang lahat ng ingredients na ginagamit dito at lagging fresh. Filipino food ang specialty dito. Kung tutuusin parang lutong bahay lang naman talaga ang inooffer nila. Kaso ang kinaibahan nga lang ay ang ginagamit na ingredients. Iba talaga ang lasa ng pagkain kapag organic ang ingredients. Made to order din dito. Hindi sila nagluluto ng pagkain kung wala namang umorder. Hindi gaya ng ibang resto na Sa umaga pa lang nagluluto na sila na mga pagkain na regular na inoorder ng mga customers. Medyo matagal ang paghihintay pero sulit naman at hindi rin naman mamamalayan dahil nga sa ambiance ng lugar.

Ang maganda sa Gazebo, hindi rin naman masyadong kamahalan ang mga pagkain. Wala silang iniimport na ingredients dahil lahay iyon ay galing din mismo sa farm sa La Luz. Hindi ito sosyaling resto kaya kahit middle class ay pwedeng kumain dito. Nagkataon nga lang na masyadong maraming gusting kumain dito kaya kailangang magpa-reserve ng 1 month in advance.  

Siyempre, pagmamay-ari rin ng mga Montoya ang Gazebo. Mayroon silang special section. May private mini gazebo sa may likod ng mismong resto na reserved para lang sa pamilya nila.

Tuwang-tuwa si Lu kapag nagpupunta dito. Maliban sa sarili nilang bahay, ito lang ang tanging resto na hindi niya mapigilang umorder ng 2 extra rice dahil sa sobrang sarap ng pagkain. Ok lang naman na marami siyang kainin dahil lagi naman siyang nasa private area nila.

Bukod sa masarap na pagkain, natutuwa din siya sa atensyon na nakukuha niya kapag pumapasok siya sa Gazebo. Kahit na pwede naman niyang ipatawag and head chef para magluto sa bahay nila, mas gusto niya na nakikita siya ng tao na pumapasok sa loob ng resto at tuloy-tuloy lang sa private area niya. Hindi na siya pinaghihintay na mabigyan ng table. Gustung-gusto niya talaga ang atensyon na nakukuha niya kapag binibigyan siya ng special attention.

Pagpasok nila sa resto, parang nastar-struck ang lahat nga tao.

(+.+)   (+.+)   (+.+)    (+.+)    (+.+)

Pinagtitinginan sila ng lahat at nagbubulungan pa ang mga ito

"Ang mga Montoya andito!" (☞゚∀゚)☞

"Tingnan mo oh! parang magkakapatid lang sila! Ang ganda at ang gwapo pa rin ni Mr. & Mrs. Montoya!"   

 ( ゚∀(・-・) 

"Oo nga. Tingnan mo yung anak nila oh, grabe! parang kumikinang ang balat sa sobrang kinis!"

"Yan ang tunay na maganda, kahit walang make-up maganda pa rin!"

My Secret BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon