9 - Party of the Season

519 6 1
                                    

Nothing beats early morning laps at the pool.

Tuwing madaling-araw, bago pa man gumising ang sangkatauhan sa Moonriver Residences ay bumababa na sa pool area si Fin para lumangoy. Gawain niya talagang lumangoy sa umaga mula pagkabata. Kung ang ibang tao gusto mag-jogging or mag-gym, swimming naman ang preferred exercise niya.

Naka-ilang laps din siya bago niya naisipan na umakyat sa penhouse unit nila ni Lu. Tatlong araw na rin ang nakakalipas nang lumipat sila rito. Maingat siya sa pagmamasid dahil baka may makapansin kung sang floor siya bababa. Siguradong lagot siya kay Lu pag may nakahuli sa kanila!

Akala niya tulog pa rin si Lu pagbalik niya sa condo. Usually kasi around 9-10AM ang gising ni Lu pero nagulat siya nang pumasok siya sa master bedroom.

"Ano kaya ang maganda? Ito kaya o ito na lang... Ay parang mas ok 'to." Bulong ni Lu sa sarili habang inaangat ang iba't ibang gowns na nakapatong sa kama.

Nagkalat ang mga damit, bag at sapatos sa loob ng kwarto. Halos wala nang madaanan sa sobrang daming nakalabas na gamit.

"Anyare? Mukhang may nakapasok nga na akyat-bahay sa kwarto natin ah!" Malakas na sabi ni Fin.

"Shut up! Can't you see I'm panicking right now?!"

"Bakit ba? Anong meron?"

"You don't know?! Gosh! Oo nga pala... You're Nick Geek. Of course you don't know. Tonight lang naman magaganap ang biggest, grandest, most exclusive party of the season!"

"Party?!"

"Yup! Launching ng new fragrance for men ni Rocks Tolens aaaaaannnnndddd si John Lopez lang naman ang new face ng Forbidden Desire! Hundred people lang ang invited sa exclusive after-party and John invited me to be his date. I NEED TO BE PERFECT!"

Ngayon lang nakita ni Fin na nagkakaganoon ang asawa niya. Sa tagal na panahon niyang pinagmamasdan si Lu, ngayon niya lang nakita ito na sobrang excited at sobrang saya at the same time. The way Lu said that man's name... it was full of affection... it's as if she can't wait to meet him and be his 'date'! Para tuloy siyang may naramdamang konting kirot sa puso niya.

"Kahit huwag ka na mag-ayos. Maganda ka naman eh..."

Lu ---> (O///O)  

Natigilan si Lu sa pag-iikot nang marinig ang sinabi ni Fin. Hindi niya napigilan ang magblush ng onti lang.

"Kaanu-ano mo ba yang John na yan?" Patuloy ni Fin. Hindi naiwasan ni Fin ang bitterness sa boses niya nang banggitin ang pangalan ng makaka-date ng asawa niya.

"Akala ko ba bawal ka malapitan ng kahit sinong lalaki bago tayo magkakilala?"

  

"Oo nga, but John's different! He is special to me!!!"

My Secret BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon