Chapter Nine

8 2 0
                                    


Myrrha's Pov

Nang makarating kaming tatlo sa Philodomina...Naramdaman ko na parang may nakatingin sa aming tatlo...

Hindi ako mapalagay...

Maya-maya biglang tumakbo sina Melody at Kurapika...

Sinundan ko sila at nakita ko ang lalaking kanina pa pala nagmamatyag sa amin..

Ipapahamak nya kami..

Yan agad ang pumasok sa utak ko..

At hindi ako makakapayag na mangyari yun...

Sumumpa ako...na hindi na ulit mangyayari ang nakaraan...

Hindi ako papayag...na may kaibigan pa ako na masasaktan..

Nagdilim ang paningin ko...

At tinitigan ko sa mata ang nasabing lalaki..

At sinimulan ko syang patayin sa isip ko..



Naging maingat ako para di ako mapansin ni Kurapika at Melody...

Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin...

Pero may pakiramdam ako na may bagay sa loob ko na gustong lumabas...


Ang pakiramdam na ito...

Nanlalamig ang paligid..

Dumidilim lalo ang paningin ko...

At ang matinding paghahangad na patayin ang lalaking ito...



Walang emosyon akong nakatingin ng humandusay ang katawan ng lalaki...

Nagulat sina Kurapika at Melody...pero umalis din sila...

Lumabas ako sa sulok na pinagtataguan ko at lumapit sa bangkay....

"Para sa mga kaibigan ko,kaya kong pumatay...."

"Myrrrrrhaaaa!!"

Lumingon ako para makita si Melody at Kurapika...

Tinitigan ko lang sila...

Pagkatapos.....Nagdilim ang lahat..

*******
Narrator's Pov

Sa pinaka unang pagkakataon nakaramdam ng takot sina Kurapika at Melody kay Myrrha...

Nakaramdam sila ng malakas na kapangyarihan na nanggagaling sa dalaga.Hindi nila mapigilang manginig lalo na ng lumingon ito sa kanila...

Walang balintataw(iris) ang dalaga...Purong puti lang ang mga mata nito....At walang emosyon itong nakatingin sa kanila...


Pero pagkatapos ng ilang segundo...

Bumalik ang mata nito sa dati at biglang hinimatay....

"A-anong nangyari sa kanya??"-Kurapika

Nagkibit balikat si Melody pero dahan dahan na itong lumapit sa dalaga...

"Isa lang ang ibig sabihin nito,Hindi sya normal na tao.." -Melody

Pero kahit nagkaganon,may parte kay Kurapika na humanga sa dalaga...

"Dapat na tayong magmadali,puntahan na agad natin sina Gon."-Melody

Tumango si Kurapika at binuhat si Myrrha...





*********

"Kurapika!Melody!"-Gon

You're MY Anime LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon