PROLOGUE

391 10 0
                                    

HIS SELF-PROCLAIMED WIFE
PROLOGUE


| JYJ © 2013 |

 

**

2 years ago . . .

KRIZA's POV

Tumakbo ako ng mabilis papuntang homeroom namin. Kasi as usual late na naman ako at first day pa ng school. Naku, Kriza Martinez bat ang bagal mo kasing kumilos? Yan tuloy na late. I'm a 3rd year nursing student sa JYJ University, kaya ang room namin nasa 3rd floor. Naka heels pa ako at naka palda, lalong mahihirapan ako sa pagakyat. Girls would understand me.

Mabuti na lang at hindi major subject ang first period ko, feeling major lng. And guess what kung anong subject . . . mathematics lng naman. Math sa ganitong oras? Oo! Ang aga-aga abused na ang utak ko! Bopols pa naman ako sa Math! At nakakahiya kasi mukhang marami pa akong kaklaseng Engineering ang kurso.

*BOOGSH!!*

"waaaah~! Aray ang sakit!“ Sigaw ko ng napaupo ako bigla sa sahig. Bakit? May nabangga lng naman ako. Oo, ang lampa ko no? Eh ano ngayon? Deal with it.

"Ano ba naman yan Miss?Ang lampa-lampa mo naman." sabi ng nabangga ko at mukhang amused pa siya sa mga nangyayari.

The first thing I saw was a pair of worn black Converse shoes, then black pants and black polo-shirt that indicated that he was from the College of Engineering. When my eyes trailed higher to see his face

. . . shit na malagkeeeet! Bigla ako napatayo sa nakita ko.

“Uhh, miss? Okay ka lang ba?” tanong ni Bryan. I slowly nodded my head, nervously.

Nagtataka kayo kung bakit ako natatameme. Alam niyo ba kung sino tong lalakeng to? Ha? HA?! Si Bryan Martinez! Oo, alam ko ang gwapo niya, alam ko magkapareho kami ng apelido at hindi ko po siya kamag anak o ano man. Siya lng naman ang naturingang ‘Bad Boy” ng JYJU. I don’t mean bad boy as in black from head to toe and owns a motorcycle or some of those sorts, what I mean as in BAD BOY as in equal to CRIMINAL!!!

Ang sabi ng mga tao minsan narin siyang nahuli at na ilagay sa kulungan dahil sa pagnanakaw, pambubugbug at kung ano pa. So, hindi na kayo magtaka kung bakit ako nanginginig sa kinatatayu-an ko.

"Oy miss? Oy. Oooooyyy~! Nu ba yan. Ang ganda mo nga pero bingi ka naman. Tsk! Dyan ka na nga!" Sabi nya sabay talikod at lumakad papasok sa kwarto, sa kwarto na kung saan ang first period ko. Kaklase ko pala siya. Kung minamalas ka naman oh! Ang saya no?

Lord naman eh! Kala ko ba friends tayo? T3T

Hay, sadyang mapaglaro ang buhay. Wala na ko nagawa at pumasok na lang sa kwarto. Mabuti at wala pa ang teacher namin at hindi ako na late.Pumunta ako sa bandang likuran at umupo malapit sa bintana. At malayong malayo kay Bryan.

Nang nakaupo na ako naramdaman kung may tumitingin sa akin at bumaling ako sa kwarto. I scanned the room until my eyes landed on a pair of the blackest eyes I've ever seen. Napalunok ako sa tingin na binibigay ni Bryan. Galit ba to kasi nabangga ko siya? Hala ka Kriza. Goodluck sayo mamaya.

At pumasok na ang teacher namin, humingi siya ng paumanhin kasi na late siya. Tapos isa-isang tinatawag ng teacher ang mga pangalan namin. Attendance ba.

"Lapating, Vanessa?"

"Here Ma'am."

"Lopez,Erwin?"

"Here Ma'am!"

"Martinez, Bryan?"

Biglang natahimik ang room ng tinawag ang pangalan niya, at mistulang naka slow motion habang nka tingin ang lahat kay Bryan. Ang teacher medyo nagulat at kinabahan at ang iba mukhang tinakot. Pero yung iba naka ngisi, mga kabarkada siguro ni Bryan.

"Andito ako." Sabi ni Bryan. Wow, asan ang manner mo te? Bastos! Wala man lang 'po' o kaya 'opo'?

"Martinez, Kriza?"

Ako yun ah! Focus Kriza! Focus!

"H-Here Ma'am." Tinaas ko ang kamay ko at tumingin kay Ma'am. Napaangat ang isang kilay ni Ma'am.

"May dalawa tayong Martinez, kaano-ano niyo ba ang isa't isa?“ tanong ni Ma'am at tumingin kay Bryan tapos sa akin.

Sasagot sana ako ng biglang sumingit si Bryan. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Ano kaya binabalak ng halimaw na to. Di ko gusto ang ngiti niya, creepy~! Guess what kung ano sinabi niya . .

.

.

.

.

.

"Asawa ko siya." 


[Picture of Bryan Martinez at the side ---->]

His Self-Proclaimed Wife (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon