Chapter 2

150 8 5
                                    

HIS SELF-PROCLAIMED WIFE
CHAPTER 2


| JYJ © 2013 |

 

**

BRYAN's POV

Bored. Ganyan ang mood ko ngayon. Nagrereview kami ngayon sa mga final topics para sa board exams. Malapit na kasi ang exams, mga two months na lang ang bibilangin namin. Ewan ko nga kung makakapasa ako nito. Kung makakapasa nga ako, mahihirapan naman akung humanap ng kompanyang papasukan. With my father's reputation and name, I doubt that there will be a willing company that'll hire me.

My father is Leonardo Da Vinci.

.

.

.

.

.

.

.

Biro lang.

Seriously, my father is Leonardo Martinez, the current Senate President of the Republic of the Philippines. Bigtime noh? Inggit kayo noh? Kung ako sa inyo, don't bother. Kung kayo kaya maging anak ng isang corrupt na senador, maiintindihan niyo ako. Kaya nga iniwan ni mommy ang asungot na yan, at kaya ako nagiging L. A. (layas anak) at naturingan na kriminal.

Mind you people, hindi po ako kriminal no. Mukhang kriminal lng po, mga mapanghusga kayo.

 

"Oy palaboy! San ka gleng ha? Na miss mo first session ng review!" biglang may sumigaw sa tabi ko. Si Joey, bestfriend ko at kakalase ko since college. Tapos na pla ang second session ng review at lunch break na.

"Oo nga. Palibhasa inabangan naman niyan ang asawa niyang hilaw.!" Ito pa ang isa. Si Gabriel or Gab.

"Tumpak!" Pagsang-ayon ni Joey. Mga walang magawa sa buhay ang dalawang to.

"Tigilan niyo nga ako ah. Mga may pake sa buhay ko na dapat wala naman!" sabi ko sabay tayo mula sa upuan ko.

"Ayee. Di niya dinedeny na inabangan nga niya si Kriza." Sabi ni Joey.


"Wag kayung magassume ng kung ano-ano diyan. Mga mapangmata!Sigaw ko sa mga kaibigan ko na hindi naman.

“Waah! Wag masyadong guilty pre. Nakakahalata kaya yan.” Natatawang sabi ni Gab.

Naglakad kami papuntang canteen sa baba, sa ground floor. Lunch break na, 1pm na pala, babalik kami ng 2:30 kaya meron pang free time. Hanapin ko kaya si Kriza. Hep hep Bryan umayos ka! Nakakahiya. Parang nababaliw na ata ako, madalas ko ng kinakausap ang sarili ko.


Nabalik na lang ako sa ulirat ko ng siniko ako ni Joey, “hoy! Tinatanong ka ng ale kung ano yung oorderin mo. Focus focus rin pag may time, pre”



napatingin naman ako sa aleng nag aabang at umorder na. habang nag hihintay ng order ko, parang giraffe tong ulo ko sa kakahanap kay Kriza. Aba! Baka may umaaligid na namang kung sino sinong halimaw sa asawa ko. Asus! Kung maka tawag na asawa oh.


“iho, eto na ang order mo” kinuha ko na ang order ko at umalis na kami.



habang nag hahanap ng upuan, kinilabit ako ni Gab, “pare, ang asawa mo oh”. Sinundan ko naman ang tingin nya at nakita ko naman si Kriza na may kasamang kurimaw. Lecheng lalaking yun! Hindi na natakot sakin.



“ano pre? Sugurin na natin?” tanong naman ni Joey.



“kaya ko na ‘to” at nagsimula na akong maglakad papunta sa kinaroroonan nina Kriza.

KRIZA’s POV

Lunch break na namin ngayon. Mag-isa lang akong nakaupo sa table namin habang hinihintay ang iba ko pang mga kaklase, pinauna ko na kasi silang bumili ng lunch nila para may magbabantay ng mga gamit namin dito.



Tahimik lang akong nakikinig ng music ng naramdaman kong may umupo sa chair sa harapan ko. Hindi ako agad nakakilos, baka kasi si Bryan na naman to. Huminga muna ako ng malalim at unti-unting inangat ang ulo ko upang tingnan ang katabi ko at nabunutan naman ako ng tinik nang nakita kong si Lawrence lang pala yun. Thank God! Ayaw kong ma stress pa no! stress na nga ako sa review, tapos iistressin pa ako ng lalaking yun? No way!

“uy. Andyan ka pala” bati ko habang kinukuha ang earphones sa tenga ko.


“ah. Oo. Hindi na kita inistorbo. Parang nagcoconcentrate ka kasi” aniya. “teka, mag-isa ka lang ba dito? pwede ba akong maki share sa table?”


I was about to answer his question ng may pumulot bigla ng kanyang kamay sa bewang ko. Nilingon ko ang nilalang na yun at pagsasampalin sana pero natigilan ako dahil may mga maiitim na matang sumalubong sakin.

*dug dug*
goodness gracious! bigla akong kinabahan ng nakita ko yung mga mata na alam kong pagmamayari ni Bryan Martinez. at…





..sobrang lapit ng mga mukha namin. Napausog agad ako nang na realize ko yun. nakita ko naman napangisi sya sa reaction ko.



“dinalhan kita ng pagkain, Hon. Ayokong nagpapagutom ka. Baka sabihin ni mommy na pinapabayaan kita rito” feeling ko, nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa mga pinangsasabi nya. Nabaling naman ang tingin nya kay Lawrence, kaya napatingin rin ako sa kanya. At grabe lang! kitang kita sa mukha ni Lawrence ang takot, ni hindi pa nga nagsasalita si Bryan, pero namumutla na sya.


dali dali syang tumayo at nagpaalam, “a-ano, K-kriz. Sa i-ibang table na lang p-pala ako uupo. Bye” psh! Obvious nga na takot sya, nauutal pa nga oh. hindi na ako nakapag babye sa kanya dahil agad syang tumalikod at umalis.


tiningnan ko ng masama si Bryan., “what?” nakataas kilay pa nyang tanong habang nakangisi pa rin. Pambihira tong lalaking to! Parang nagbubunyi pa yata sa mga pinanggagawa nya. Pero teka! Infairness, first time ko syang nakitang ngumiti at ang gwapo pala nya. Hala! naku! Kriza! Ano ba tong pinangsasabi mo? 


nagulat na lang ako ng bigla nyang tinapat ang kutsara na may pagkain sa bibig ko, “kain na, Hon” napataas naman ang kilay ko sa ginagawa nya.



“asuuus! Nagmomoment ang magasawa oh!” napatingin ako bigla sa sumigaw! At walang hiyang Carmy to! Babaeng bakla talga! Tama bang ipagsigawan sa buong cafeteria?


Lumapit sila sa amin at umupo na rin sa upuan kung saan nakaupo si Lawrence kanina. “uy, kayong mag-asawa! Pwede? Wag kayo dito sa school mag lambingan ha? Nakakainggit eh” sabi naman ni Marky, ang beki kong kaibigan. “papa Bry! You’re so gwapo talaga, sayang taken ka na nitong friendship ko” dugtong nya pa. 


inirapan ko na lang sila at tumayo, jusko! Naloloka na talaga ako sa mga kaibigan ko. Palibhasa botong boto sila kay Bryan dahil crush nila. Nagwalkout na lang ako at iniwan sila dun. Magsama silang lahat.

His Self-Proclaimed Wife (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon