HIS SELF-PROCLAIMED WIFE
CHAPTER 1
| JYJ © 2013 |**
BRYAN's POV
Meron talagang mga bagay sa mundo na sadyang hindi na mababago. Yan ang pumasok sa isip ko habang nkatitig kay Kriza na nakaupo sa sahig.
"Ano ba naman yan Miss? Ang lampa mo naman." sabi ko sa kanya.
Halos dalawang taon na kaming ganito. Kung noon ay sa JYJ University kami halos araw-araw na nagkakabanggaan, ngayon dito naman sa JYJU Review Center. Oo, graduate na ako. Kala niyo hindi ako maka graduate noh? Mga mapanghusga!
Mula noong naging kaklase ko siya sa Math ng 3rd year ko ay parati na kami nagkikita. Ang lampa-lampa niya kasi talaga. Di ako nanghuhusga! Eh totoo naman eh! Parang buto lng at balat ang meron sa kanya at halos mahawi ng hangin. Kumakain pa ba to?
Kapag nagkakabanggaan kami pareho pa rin ang linya ko. Kahit alam ko na ang buong pangalan niya, 'Miss' pa rin ang tawag ko sa kanya. Di naman ako feeling close, katulad niyo.
And as usual, tumayo siya sa kakaupo at tumingin sa akin. Takot na takot talaga ito sa akin, kahit noon pa. Mahinhin, reserved at tahimik, ganyan si Kriza, para siyang anghel. Ganoon din ang sabi ng mga ka tropa ko at mula sa mga tao sa paligid. At ako naman ang demonyo sa buhay niya.
Pano ba naman kasi at pagbintangan ka na kriminal ng mga tao. May mga dahillan naman ako kung bakit nagagawa ang mga bagay na iyan. Pero wala gustong makinig. Tsk. Ang gulo ng mundo!
"Okay ka lang ba Miss?" tanong ko sa kanya. AT of course, di naman sumasagot ang maganda. Tumalikod na lang ako at lumakad palayo.
I stopped on my tracks when I heard Kriza conversing with someone. I turned around and found Kriza talking to a guy. Parang pinupormahan siya ah. Aba't ang lakas ng loob niya ah. Di ako siguro napansin.
"Ehem!" tumikhim ako ng malakas.
The guy turned his attention to my direction and I noticed how his face shifted from smile to a nervous frown.
KRIZA's POV
"Excuse me Miss? Ikaw si Kriza Martinez diba? Ang naging Ms. JYJU last year?" sabi ng lalake. Nursing graduate din ito. Ka batch ko siya pero hindi ko siya classmate at hindi ko rin siya kilala, sa itsura lang. Di ako masyadong socially active eh.
"Ahm.. . opo. Bakit po kuya?" sagot ko naman.
"Naku, wag mo na akong tawaging 'kuya'. Magka edad lang naman tayo eh. Lawrence na lang ang itawag mo sakin." sabi niya sabay ngiti.
"Sige Lawrence."
"Totoo pala ang sabi ng mga tao tungkol sayo. Ang ganda mo sa malapitan."
Uminit naman ang pisngi ko sa sinabi nya. "Salamat po." nahihiya kong sagot.
"Pwede ba-"
Naputol ang sasabihin ni Lawrence ng biglang may tumikhim ng malakas. Bumaling ang aming atensyon sa walang iba kundi si Bryan. Nandyan pa pala siya. Tiningnan ko si Lawrence, nawala yung ang matamis na ngiti, di na kasi maipinta ang mukha niya ng nakita niya si Bryan.
"Kriza, sige. Alis na ako."
"Huh? Teka, diba may sasabihin ka pa?"
"Ah, wala yun. Nice meeting you pala. Bye~!" sabi ni Lawrence habang lumalakad na ng palayo. Lalakeng lalake kung makalapit sakin kanina, nakita lang si Bryan nabakla na.
Sinasabi ko na nga ba eh! Nakakainis talaga yang si Bryan. Kaya di ako nagkaka boyfriend mula nung college eh! Pinagsigawan ba namang asawa daw ako, kaya magkapareho ang mga apelido namin. Oh come on mamon! Sa hindi naniwala sa kanya, sinasabihan niya na inarrange marriage daw kami, kaya maaga ikinasal. ARRANGE MARRIAGE?! HALER MERON PA BA NUN?! Parang mga bopols rin ang mga tao at naniwala rin.
Yun ang disadvantage, pero may advantage rin naman, yun ay bihira ako lapitan ng mga lalake. Iniiwasan kasi nilang makabangga ang "asawa" ko daw. Ganyan rin ang epekto sa mga tambay at manyak dyan sa tabi tabi.
Di ako maka angal kasi natatakot ako sa kanya. Ang mata niya kasi, ang ganda, mahaba ang mga pilikmata tapos itim ang kulay, kaya sa isang tingin parang minumurder ka na niya. Akala ko makakatakas na ako sa sumpa niya kasi wala na kami sa JYJU, nagkamali pala ako, kasi iisang review center lng kami.
Ang swerte ko no?
BINABASA MO ANG
His Self-Proclaimed Wife (ON GOING)
RomanceSi BRYAN MARTINEZ ang literal na BAD BOY ng JYJ University. Kinatatakutan. Kinasusuklaman. Ako naman si KRIZA MARTINEZ ang literal na GOOD GIRL at ang SELF-PROCLAIMED WIFE NI BRYAN MARTINEZ. Paano? Try to find out for yourself. ^-^