Chapter 6

26 3 0
                                    

Dedicated to CEMMZ12
Thanks for adding my story to your reading list.

Chapter 6

Turning Eighteen

My debut celebration isn't bad after all. Kahit pa tinamad ako sa pagpe-prepare niyon ay maganda pa rin naman ang kinalabasan. Thanks to my cousins for helping me out.

The programme started at 7 in the evening. Sinimulan iyon sa pagsasayaw namin ni Craig kasama ang mga pinsan ko at ang mga kapares nila. Tinatamad pa ako noong bumaba ako galing sa ikalawang palapag ng mansyon pero dahil sa jokes na ibinubulong sa'kin ni Craig habang nagsasayaw kami, nawala rin ang katamlayan ko. Tawa lang kami ng tawa ni Craig habang nagsasayaw.

Sinundan iyon ng speech nina Mama at Papa na talaga namang nakapagpa-touch sa akin. Mayroon ding naging surprise number ang mga pinsan ko. At syempre, hindi mawawala ang eighteen candles at eighteen roses, na nauwi lang rin sa biruan naming magpipinsan. Kumain na rin kami at ang mga bisita pagkatapos ng programme.

"What time is it, hon?" Dinig kong tanong ni Papa kay Mama.

"It's 10:35 PM, hon. I think we should leave now. It's getting late. Magpaparty pa ang mga bata." Sagot naman ni Mama.

Halos magkasugat-sugat na ang labi ko dahil sa pagkakakagat ko doon. Kanina ko pa kasi pinipigilan ang sarili ko na mapangiti ng sobra. Bakit nga ba ako nangingiti?

Sinikap kong gawing normal ang ekspresyon ng aking mukha, kahit na nangingiti na talaga ako ng sobra, nang makita ko sina Mama at Papa pati na rin sina Uncle at Auntie na tumayo na at lumapit sa table naming magpipinsan na kalapit lang ng table nila. Ito na! Magpapaalam na siguro sila! Naaamoy ko na ang disco lights, party music at hardcore liquors, gosh!

"Angel, uuwi na kami, okay? Gabing-gabi na rin kasi. Maaga pa kami bukas." Paalam ni Mama sa akin. KAMI. I'm sure kasama sina Uncle at Auntie sa KAMI na yan.

Pinigilan kong muli ang sarili ko na mapangiti. Sa halip ay pinakita ko ang nagtatakang ekspresyon sa kanila. I'm really good at this. Nangingiti sa loob, nagtataka sa labas.

"Akala ko po ba dito tayo matutulog lahat?"

Nandito kasi kami sa mansiyon, mansiyon ng mga Fontana. Bahay ito nina Lolo at Lola. Dito lumaki sina Papa at Uncle. Pero simula nang namatay na sina Lolo at Lola six years ago, wala nang tumitira dito. May kanya-kanyang bahay na rin kasi sina Papa at Uncle kaya wala ng tumitira dito. Kaya naman napagdesisyunan nalang nilang magkakapatid na dito na lang magce-celebrate kung may okasyon. Kagaya ngayon. Debut ko ngayon kaya nandito kami.

"You're already 18, Angel." Iyan pa lang ang sinasabi ni Mama pero hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na mapangiti. Sana lang hindi nila mahalata ang sobra-sobrang pagkauhaw ko sa freedom ngayon.

"Pinapayagan ka na naming mag-party sa gabi at uminom ng.."

"Still, know your limits. Don't cross the line, Angel."

Hindi na natapos ni Mama ang sinasabi niya dahil nagsalita na si Papa. Ayaw niya talagang napag-uusapan ang tungkol sa pag-inom ng alak kaya naman hindi niya na pinatapos si Mama.

"Oh, siya, aalis na kami. Don't drink too much, okay? Baka hindi mo kayanin."

Ma, kung alam mo lang. Akala ba talaga nila hindi ako naimpluwensiyahan ng pagiging Westernized sa six years kong paninirahan sa US?

"Yes, ma. Titigil na po ako kapag alam kong hindi ko na kaya. Anyway, thanks Ma, Pa."

Niyakap ko sila pagkatapos kong sabihin iyon. Ngiting-ngiti pa rin ako nang bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanila. Buti nalang at hindi pa rin nila 'yon napapansin. I can imagine my face now grinning from ear to ear. Siguro iniisip lang nila na masaya ako dahil debut ko ngayon. No back-up plans and no hidden agendas. Just a pure and sweet smile from their blooming daughter. Yan siguro ang iniisip nila sa akin ngayon. Well, I'm a good girl, at least in their eyes.

Nagpaalam na rin ako kina Uncle at Auntie. Nagpaalam na rin ang mga pinsan ko. Ilang sandali lamang ang lumipas at umalis na rin sila. Kami na lang ng mga pinsan ko at ng ilang mga kaibigan ng mga pinsan ko ang natira doon. Unti-unti na rin silang nagsisialisan. Hindi pa tapos ang party pero hinayaan ko na lang sila. Mas iniisip ko kasi kung saang bar kami pupunta pagkatapos nito.

Nae-excite na talaga ako! I can't wait! I'm really turning eighteen!

Crossing The Devil's LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon