Chapter 5

38 4 0
                                    

Dedicated to claialviso
Thanks for reading this story! :)

**********

Chapter 5

Regrets

"What do you want for your debut celebration, Angel? Do you have any plans in mind?" Tanong ni Papa sa akin habang kumakain kami ng hapunan. Saglit pa akong natigilan sa naging tanong niya dahil sa ala-alang sumagi sa aking isipan.

Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang umuwi ako galing sa US. Next week na rin pala ang birthday ko kaya naman tinatanong na nila ako tungkol sa magiging debut ko. Naging abala rin kasi sila sa trabaho kaya ngayon pa lamang nila ako natanong tungkol doon. Wala namang kaso iyon sa'kin. Sa totoo lang, maging ako ay ngayon lang naalala na birthday ko na pala next week. Masyado rin kasi akong naaaliw sa mga ginagawa namin ng mga pinsan ko. Actually, kauuwi lang namin kanina galing sa Caramoan Islands. Three days and two nights din kami doon.

"Wala po eh. Nawala rin kasi si isip ko. But an intimate dinner will do, Pa--" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil tumutol agad si Mama.

"No. It's your debut celebration, Angel. Once lang yan mangyayari sa buhay mo kaya dapat maging engrande." Aniya. Sumang-ayon naman agad ang kapatid kong si Iris sa sinabi ni Mama. Sumang-ayon na lang din ako at hindi na umimik.

"Next week na iyon, diba? You still have a week to set preparations for it." Dagdag pa ni Mama. Pinakawalan ko muna ang isang buntong-hininga bago sumagot.

"Yes, Ma."

"You can ask your cousins to help you." Suhestiyon pa niya.

Umakyat na ako sa kwarto ko pagkatapos ng hapunang iyon. Nahiga muna ako sa kama ko. Hindi pa man lumilipas ang isang minuto ay bumabalik na agad sa aking isipan ang mga ala-ala.

Hindi ko talaga gusto ang ganitong mga pagkakataon. Iyong mga pagkakataon na mag-isa ako at napapaisip na lang sa mga nangyari. Hindi ko gusto iyong pakiramdam na nagsisisi ako sa mga ginawa ko. Oo, nagsisisi ako. Nagsisisi ako sa ginawa ko. Nagsisisi ako na pinakawalan ko siya. But, that'd be the right thing to do that time. He cheated. And being a martyr will bring nothing but pain to me. Sana lang ay hindi siya nagsisi sa ginawa niya. Para naman hindi na ako manghinayang. Para hindi na ako magsisi, sa ginawa kong pagpapaniwala sa sarili ko na nagsawa na ako sa kanya.

Marami na rin sana kaming plano para sa 18th birthday ko na siya ring magiging 1st anniversary sana namin. Sabay sana kaming uuwi dito sa Pinas sa mismong kaarawan niya. Pero sa halip na gawin iyon ay umuwi na lang akong mag-isa.

Ipapakilala niya na rin sana ako sa parents niya. Natakot pa nga siya noon eh pero napapayag ko pa rin siya. At syempre, ipapakilala ko na rin sana siya kina Mama at Papa. Hindi pa ako pwedeng mag-boyfriend pero I'm sure matatanggap naman nila si Clyde. Pero noon iyon, noong hindi niya pa ako niloloko, noong tanggap ko pa siya at noong kami pa.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pag-iisip. Naiyak na rin pala ako sa pag-iisip kagabi. Nagising na lamang ako kinaumagahan na may natuyong luha sa aking pisngi.

Naligo at nag-ayos na muna ako ng sarili bago nagpasyang bumaba para kumain ng almusal. Pababa na ako sa hagdanan nang marinig ko ang malakas na boses ni Suzanne galing sa sala. Mukhang nandito ang mga pinsan ko. Ano kayang ginagawa nila dito?

"Kung bakit naman kasi mas pinipili niyang mag-stay doon sa Manila?" Narinig kong sinabi ni Suzanne. Binalewala ko lamang iyon at binati sila.

"Good morning."

"Good morning, Illy! Matamlay ka ah. May sakit ka ba?" Tanong ni Suzanne sa akin. Umiling lamang ako bilang tugon at dumiretso na sa hapag-kainan para kumain.

Pagkatapos kumain ay bumalik muna ako sa kwarto para mag-toothbrush. Bumaba rin naman agad ako pagkatapos kong gawin iyon.

"Ayan na si Ilona. Tara na!" Pag-aaya ni Earl nang makalapit ako sa kanila.

"Saan ba tayo ngayon?" Tanong ko naman sa kanila. Si Ate Nadine ang sumagot.

"Tinawagan kami ni Auntie na tulungan ka daw para sa debut mo."

Napa-"Ahhh." na lamang ako bilang sagot. Ngayon pa lang ay tinatamad na ako. Hindi ko gusto ang ideya na pinaghahandaan ko ang araw na iyon.

"Ate, can I come with you?" Tanong ng kapatid kong si Iris habang pababa ng hagdanan.

Pumayag ako sa tanong niya. Nagtaka pa ako dahil sa biglaan niyang pagsama ngunit binalewala ko na lamang iyon. Lumabas na kami ng bahay at nagtungo sa sasakyan. Tatlo ang dala naming sasakyan ngayon kagaya ng palagi naming ginagawa. Sasakyan iyon ni Kuya Yale, ni Wayne at ni Elisha. Sumakay kami ng kapatid ko kina Wayne kasama si Andrea. Si Earl at Ate Sab naman kay Kuya Yale. At ang magkakapatid na sina Elisha, Suzanne at Ate Nadine naman ang magkakasama.

"Nasaan nga pala si Craig?" Tanong ko kay Andrea nang makapasok sa loob ng sasakyan. Nilingon niya muna ako mula sa front seat bago sumagot.

"Inasikaso niya ang pagpapagawa sa invitations kasama si Neal. Siya kasi ang nagpresinta." Sagot niya.

In speaking of Neal, hindi ko pa pala iyon nakikita. Bunsong kapatid iyon nina Wayne, Craig at Andrea na kaedaran ng kapatid kong si Iris. Itatanong ko na sana ang tungkol kay Neal nang magsalita ulit si Andrea.

"Nagpresinta rin pala iyon si Kuya bilang escort mo. Ayos lang ba 'yon sa'yo?" Tanong ni Andrea sa akin.

Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Ayos nga lang ba sa akin? Sa totoo lang, hindi. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Wala. Kasi wala naman siya dito.

"Ah, oo. Ayos lang." 'Yan lamang ang tanging naisagot ko sakanya. Mas lalo lang din akong nawalan ng gana. I just can't stop myself regretting anything about him.

**********

Votes and comments naman diyan! Huahua! Please? :) - Maerika

Crossing The Devil's LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon