Karamihan sa mga pamahiin nating mga Pilipino ay totoo. Depende na lang sayo kung maniniwala ka o hindi :) May iba't - ibang paniniwala tayo sa isa't - isa :)
* * *
(c) www.buhayofw.com
1. "Pamahiin sa mga bahay, opisina o sa isang building."
- Ang mga may - ari ay dapat naghahagis ng mga barya upang magkaroon ng magandang kapalaran.
- Siguraduhing hindi 13 ang hakbang ng hagdanan dahil ito ay ang 'bilang ni hudas' at ito ay malas.
- Sa paglipat ng bahay, ang bigas at asin ang unang ipinapasok sa bahay upang maalis ang malas.
- Mahalaga ang house blessing dahil ito ay nagbibigay ng magandang kapalaran. Naaangkop din ito sa mga opisina, eskwelahan at iba pa.
- Ang mga pinto ay hindi dapat magkaharap dahil sa kasabihan na madaling pumasok ang swerte, ngunit madali rin itong mawawala o makakalabas.
2. "Pamahiin sa pagdiriwang, sa kalusugan, at pagkain."
- Huwag hugasan ang lalagyan ng pagkain na ibinigay sayo, maaaring hindi ka na bigyan ng pagkain ulit. (ay ganun? hahaha!)
- Ang pagluluto ng pancit o noodles sa araw ng kaarawan ay pinaniniwalaang nagpapahaba ng buhay.
- Huwag kumanta habang nagluluto, isang matandang lalaki ang iyong mapapangasawa. (hahaha! kadalasan ginagawa ko ito. LOL)
- Kung hindi mo na gusto ang pagkain sa iyong plato, huwag itulak ang iyong plato palayo, hindi ka na magkakaroon ng pagkain muli. (ganern?)
- Kung habang kumakain ay may mga paalis, ikutin ang mga plato upang maging ligtas ang mga umalis at makaiwas sa aksidente.
- Ang taong sumisinok ay nagnakaw ng itlog sa kapitbahay (hmm.. hindi rin)
- Ang taong may regla ay ibinabawal maligo dahil ang init ng kanyang katawan ay pupunta sa kanyang ulo at maaari raw itong mabaliw (nangyari na ito sa tita ko dahil nabinat siya sa regla)
- Ang taong mahilig kumain ng mani ay magkakaroon ng maraming tigyawat.
- Kung ikaw ay natinik, ang taong ipinanganak na nauuna ang paa ay may kakayahan na matanggal ang tinik sa iyong lalamunan.
3. "Pamahiin sa pag - ibig at sa pagbubuntis."
- Ang magnobyo ay hindi pinapahuyang magbakasyon o pumunta sa mga malalayong lugar kapag nalalapit na ang kanilang kasal dahil mas malaki raw ang tyansang haharap sila sa isang aksidente.
- Kapag binigyan mo ng kwintas o rosaryo ang iyong minamahal at ito ay napigtas, kayo ay maghihiwalay.
- Huwag isukat ang iyong wedding gown dahil baka hindi matuloy ang kasal.
- Kung ang tyan ng buntis ay pabilog, ang kanyang anak ay babae. Kung ito naman ay patusok, ang anak ay lalaki.
- Ang pagkain ng saging na kambal kapag ikaw ay nabuntis ay maaaring dahilan din ng pagkakaroon mo ng kambal na anak. (True!)
- Ipinagbabawal sa buntis ang pagpunta sa burol ng patay dahil maaaring magdulot ito ng paghihirap sa panganganak o kamatayan.
- Kapag humingi ng pagkain sa taong naglilihi, ikaw ay mahahawa ng kanyang mga sintomas tulad ng pagkahilo at pagsusuka.
BINABASA MO ANG
"Mga Pamahiin"
Mystery / ThrillerMga iba't - ibang uri ng pamahiin nating mga Pilipino.. :) (c) www.buhayofw.com (c) www.gintongaral.com