- Ang sinumang bagong silang na sanggol na umiyak nang malakas ay magkakaroon ng mahabang buhay.
- Upang maging matalino ang bagong silang na sanggol, kailangang ibaon ang kanyang inunan sa lupa na mayroong kasamang lapis at papel.
- Makabubuti kapag pabibinyagan ang bata sa parehong araw rin na siya ay ipinganak.
- Ang isang sanggol ay magiging makaama kapag dinamitan ito ng damit na ginamit na ng ama. Kabaglitaran naman kapag damit na nagamit na ng ina ang isinuot dito.
- Kapag ang isang sanggol ay mahilig dumila, ibig sabihin ay mayroong pagkaing napaglihian ang ina nito na hindi na kain.
- Kapag ang anak na bibinyagan ay panganay, kailangang ang lolo o kaya ay ang lola ang siyang pumili ng ipapangalan sa bata upang magkaroon ito ng mahaba at masaganang buhay.
- Kapag sabay na pabibinyagan ang anak na babae at lalaki, kailangang maunang binyagan ang lalaki sapagkat kapag nauna ang babae ay hindi tutubuan ng balbas ang lalaki paglaki samantalang magkakabalbas naman ang babae. Malamang din na magkabaligtad ang kanilang ugali.
- Isang mabuting palatandaan kapag ang bata ay umiiiyak habang binibinyagan sapagkat ito ay nangangahulugang itinataboy ng agua bendita ang masamang espiritu sa bata.
- Kapag pinalo ng sandok o kaya ay hinalikan ang isang bata habang natutulog, lalaki itong pilyo o pilya.
- Masamang maglagay ng pabango sa isang sanggol sapagkat siya ay kagigiliwan ng mga anghel kaya't malamang na mamatay ito.
- Kapag ginupitan ng buhok ang isang batang wala pang isang taong gulang, lalaki itong matigas ang ulo. Gayundin kapag pinutulan ito ng kuko sa gayong edad.
- Ang sinumang batang mayroong dalawang puyo o "cowlick" matigas ang ulo.
- Masamang ipahalik ang sanggol sa kapwa sanggol sapagkat hindi ito matututong magsalita.
- Kapag hinalikan ang sanngol habang dumudumi ito, magiging mabaho ang kanayang hininga paglaki.
- Masamang magdaan sa bintana ang isang bata sapagkat malamang na lumaki itong isang magnanakaw o kaya ay magtanan ito kapag nag-asawa.
- Sa libing, kailangang ihakbang ang mga bata sa ibabaw ng hukay ng yumao upang huwag itong balikan ng kaluluwa ng taong namatay.
- Kapag ang hagdan ng bahay ay mayroong labintatlong baitang, ang may-ari ng bahay ay maagang mamatay o kaya ay maghihirap.
- Malas ang anumang bahay na ginawa sa ika-13 ng anumang buwan.
- Masamang maglakbay kapag kayo ay labintatlo katao sapagkat malaman na mamatay ang isa sa inyo.
- Malas ang gusaling mayroong ika-13 palapag.
BINABASA MO ANG
"Mga Pamahiin"
Mystery / ThrillerMga iba't - ibang uri ng pamahiin nating mga Pilipino.. :) (c) www.buhayofw.com (c) www.gintongaral.com