Part 5

1.7K 4 2
                                    

- Masama ang magdala ng pagkaing nanggaling sa bahay na mayroong nakaburol sapagkat mamatayan ka rin ng isang kasambahay.

- Kapag ikaw ay naligaw sa kagubatan, baligtarin mo ang iyong damit upang muli mong makita ang tamang daan pabalik.

- Ang iyong kahilingan ay magkakatotoo kapag napatay mo ang mga kandila sa iyong birthday cake sa isang ihipan lamang.

- Kung ano ang bilang ng mga ekis sa iyong kanang palad ang siya ring bilang ng iyong magiging anak.

- Ang sinumang taong ipinanganak na mayroon ng ipin ay madaling mamamatay.

- Ang sinumang taong mayroong malaking tainga ay magkakaroon ng mahabang buhay.

- Kapag mayroong rocking chair sa inyong bahay, iwasang iwanan ito nang umuugoy sapagkat malamang sa sakyan ito ng masamang espiritu.

- Kapag dumikit sa iyong ngala-ngala ang ostiya o kaya ay nahulog ito sa iyong pangungumunyon, ibig sabihin ay mayroon kang kasalanan na hindi naikumpisal.

- Ang sinumang magnakaw ng abulog o anumang bagay na para sa patay ay magiging magnanakaw sa habambuhay.

- Ang sinumang makakakuha ng panyong ginamit na pantali sa ulo ng patay ay makapagnanakaw nang hindi mahuhuli. Ang panlaban dito ay ang paglalagay ng isang timbang tubig na mayroong kutsilyo sa likod ng iyong pinto.

- Kapag ang inyong alagang aso ay nanganganak ng marami, itapon mo ang isa sa mga ito upang hindi ito mamatay isa-isa at lumaki ang natitira pang mga tuta nang malusog.

- Kapag ang inyong aso ay nagsusungkal o naghuhukay ng lupa sa loob ng bakuran, nagbabadya ito ng kamatayan sa inyong pamilya.

- Kapag nakabili ng biik, iligid mo ito sa poste ng inyong bahay ng pitong beses upang hindi ito maglayas.

- Ang sinumang sanggol na makakain ng ari ng babaeng baboy ay magiging madaldal paglaki.

- Iwasang lumapit sa kulungan ng mga baka kapag kumukulog at kumikidlat sapagkat ang mga baka ay nakaaakit ng kidlat.

- Kapag ang buntot ng baka ay bahagyang nakataas, ibig sabihin ay malapit nang umulan.

- Masamang hipuin ng babae o kaya ay hakbangan nito ang mga kagamitan ng isang mangingisda sapagkat malamang na hindi ito makahuli ng isda.

- Masamang mangisda kapag mayroong namatay sa inyong tahanan.

- Magkakaroon ng maraming huli ang isang mangingisda kapag siya ay nakasalubong o nakakita ng paruparu habang patungo sa dagat.

- Kapag ang isang mangingisda ay lumingon sa kanyang likuran o sa pinanggalingan habang patungo sa dagat ay kaunti lamang ang mahuhuli nitong isda.

- Bubuwenasin sa buhay ang sinumang mag-alaga ng putting kabayo.

- Ikaw ay susuwertehin sa buhay kapag mayroong ahas na bumagtas sa iyong dinaraanan.

- Kapag iyong minura at pinagsalitaan ang mga daga, lalo itong mamiminsala sa inyong mga kagamitan tulad ng damit at iba pa.

- Ikaw ay mamalasin sa buhay kapag ikaw ay pumatay o kaya ay nagwasak ng bahay ng gagamba.

- Ikaw ay bubuwenasin kapag mayroong gagambang nahulog sa iyong ulo o mukha.



"Mga Pamahiin"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon