- Ikaw ay bubuwenasin sa inyong pupuntahan kapag ang kanan ng iyong sapatos ang una mong isinuot.
- Masamang magpatong ng sapatos sa mesa sapagkat nagdadala ito ng kamalasan sa buhay o pag-aaway sa pamilya.
- Mamalasin ang sinumang magsusuot ng baligtad na medyas.
- Upang buwenasin ka sa inyong paglalakad, kailangang unahing isuot ang kanang medyas bago kaliwa.
- Upang suwertehin sa pupuntahan, kanang paa ang palaging dapat unang ihakbang sa sasakyan.
- Kapag ikaw ay nakalabag sa batas trapiko, halikan mo ang iyong mga daliri at hipuin ang bubong ng iyong sasakyan upang hindi ka mahuli sa pulis.
- Kapag ikaw ay napadaan sa isang yungib o tunnel, iwasan mo ang huminga at gumawa ng isang kahilingan habang nasa loob nito at iyon ay magkakatotoo.
- Mamalasin ang sinumang maglalakbay kapag siya ay natalisod o kaya ay nadapa bago umalis ng bahay.
- Kapag kayo ay lilipat ng tirahan, huwag dalhin ang pusa sa bagong lilipatang bahay upang hindi malasin ang inyong bagong tahanan.
- Ang pusa ay mayroong siyam na buhay.
- Kapag mayroong pusang sumunod sa iyo habang ikaw ay naglalakad, ikaw ay magkakapera.
- Kapag ang isang pusa ay bumahing, ito ay nagpapahiwating ng pag-ulan.
- Mamalasin ang sinumang magdadala ng pusa sa kanayng paglalakbay.
- Kapag naglalaro ang pusa habang sakay ng barko, ibig sabihin ay mayroong magandang panahon.
- Kapag ang pusa ay nagngingiyaw habang sakay ng barko, malamang na maaksidente ito.
- Kapag ikaw ay nagbaon ng pusang itim na buhay sa araw ng Biyernes Santo, balikan a ukayin mo ito sa Biyernes Santo ng susunod na taon upang ang mga buto nito maging anting-anting.
- Hindi mahusay manghuli ng daga ang alinmag pusa na ipinanganak sa buwan ng Mayo.
- Kapag ang inyong alagang pusa ay maghilamos ng kanayng mukha nang nakaharap sa pintuan, may darating kayong panuhin.
- Kapag ikaw ay natinik, iahaplos mo sa kamay ng pusa ang iyong leeg upang maalis ang tinik.
- Isang masamang palatandaan kapag mayroong itim na pusang tumawid sa inyong daraanan sapagkat malamang na ikaw ay maaksidente.
- Ikaw ay bubuwenasin kapag ikaw ay nilapitan ng itim na pusa. Kabaligtarang naan ang mangyayari kapag nilayuan ka nito.
- Masamang malapitan ng pusa ang isang sanggol sapagkat inaagaw nito ang kanyang hininga.
- Masamang makakita ng puting pusa sa gabi.
- Kapag mayroong pusang itim na lumalakad sa ilalim ng hagdan, mamalasin ang taong umakyat sa hagdanang iyon.
- Upang balikan ka ng umalis na asawa, ilagay mo ang kanyang damit na naisuot na sa ilalim ng inyong lutuan at siya ay tiyak na magbabalik.
BINABASA MO ANG
"Mga Pamahiin"
Mystery / ThrillerMga iba't - ibang uri ng pamahiin nating mga Pilipino.. :) (c) www.buhayofw.com (c) www.gintongaral.com