INDRA'S POV
I admit, I never wanted to tell him all of that, especially infront of her. Awkward sobra parin sakin, kasi itong Zedd na to eh.
Oo masama parin loob ko, dahil parang kinalimutan na ni Sera ang pinag samahan namin, wala naman akong magagawa dahil sa mahal na mahal ko siya kailangan kong respetuhin desisyon niya.. She wanted me to meet another girl and break up with her.
I never wanted to obey her decision.. She cried infront of me, she told me that she can't take it anymore, her life is miserable.. Kahit na kailangan na kailangan niya ng sandalan, she chose to break up with me, pang limang anibersaryo namin nun, nung umamin siyang ayaw niya na.
Siya unang bumitaw, pinuno ko kwarto niya ng lobo, at burloloys. Galit na galit siya nung time na yun, ang pagkakaalam ko kasi sinigawan siya ng Lola Seran niya nun, na ang landi landi niya daw, she was crying back then..
Wala si Paula nung time na yun, aasahan niya ako na cocomfortin ko si Sera,
"Ikaw! Ikaw ang unang taong alam kong magpapasaya at magpapatahan sa kanya pag nalulungkot siya, habang wala ako! Limang taon na kayong nag sasama pero ano? Papayag ka nalang sa desisyon niyang di niya pinag isipang mabuti?! Indra naman, kailangan ka nya. sige sabihin na nating kailangan niya rin ako, pero paano pag nawala ako sa tabi nya? Kanino siya tatakbo? Mamaya magpakamatay nanaman yun! Sinasabi ko na nga ba hindi kita pagkaka tiwalaan, sabi ko na nga ba na sasaktan mo siya at iiwan!"
Galit na galit sakin si Paula noon, she thought that I'm the one who broke up with Sera.. Walang time si Sera na sabihin kay Paula kung ano ang totoo, hindi ko narin sasabihin kasi alam kong galit siya sakin, at alam kong di siya makikinig.
Dahil sa galit ako sa sarili ko dahil na realize kong tama si Paula nag lasing ako, at doon ko nakilala si Zedd, nagkunwari lang kami nun ni Zedd na hindi magkakilala nung kasama namin si Sera.
"Pre, mukhang sobra kang problemado ha? Pwede mo i-share?"
"Tama si Paula, tama si Paula.. D-dapat hindi ko siya pinakawalan agad.."
"Paula? Yung Ti? Kilala ko yun, bespar yun ng kuya ko, teka share mo na brad."
May pa suntok suntok pa siya sa braso ko nun, parang magkakilala kami o ano eh.
"Sino ka ba?"
"Zedd Seldivs." Nakikipag high five pa, hindi naman sa allergic ako sa strangers gusto ko makipag kaibigan sa kanya kasi may hitsura pero mas gwapo parin ako.
"Kwento mo na."
"Okay Zedd, my girlfriend broke up with me and the reason is she wanted to."
Tinaasan niya ako ng kilay at tinagay niya yung nasa baso ko, "and her reason why she wanted to broke up with you iss??"
"She just wants to broke up with me, it's been 5 efing years at parang pinag dududahan niya ako na di ko siya kayang protektahin!"
Nagulat siya nung ilapag ko ng malakas yung baso, "Maybe, just maybe ha? She just don't wanna see you worry about her all day.. Look, she has reasons and the main is you, hindi ka niya pinag dududahan.. Siguro nga talaga ayaw ka nyang pag alalahanin, she loves you that much."
Yeah, maybe he's right.. "Akala ko weirdo ka, pero matalino karin pala.. You know? Maybe you're right, I should just respect her decision."
"Anong maybe you're right?! Tama ako sapakin kita dyan eh, kaya pwede? Tumigil ka na kakaiyak dyan, mukha kang bading na naubusan ng lipstick eh."
BINABASA MO ANG
BeFriends
TienerfictieMAGKAIBIGAN SILA. WALANG TITIBAG. MAY PROBLEMA NGA LANG, BY THE END OF EVERYTHING..... THE END.