Comment guys.
Witwiw**
****
KRISTINE POV
HINDI parin ako maka get over sa sinabi sa'akin ni tita. Ikakasal ako? Talaga?. Hindi pa ako handa. At ayoko pang mag-pakasal. Kailangan kong mag-aral at hindi mag pakasal. Ayoko. Pero ano pa bang magagawa ko?. Masaya na pala ang buhay nang pamilya ko 'dun. Pero ang kayamanan ay hindi pang-habang buhay. Kailangan ko paring mag-aral para makapag-trabaho.
Ayoko umasa sa pera nang iba. Dahil ayoko nang 'ganun. Nakakainis kasi bakit ako pa ang ikakasal? 'Diba may anak siya. Bakit hindi yung anak niya ang ipakasal niya dun sa lalaki na hindi ko pa kilala. TCH.
"Grrrhhhh" Napatayo ako sa kama ko dahil hindi parin nga ako maka get-over.
Pogi kaya 'yung mapapakasalan ko?. Ay shemas. Umayos Ka nga Kristine. Sana makapag-tapos na ako sa pag-aaral para makapag trabaho na ako at hindi na ako aasa sa lalaking 'yun. Sabihan pa ako 'nun na mukhang pera eh'.
Dumiretso ako sa C.R dahil nagpalit ako nang damit. Makapunta muna ako sa Park malapit dito sa Compound namin. Medyo madilim na 7:30 narin kasi.
Bumaba na ako at nakita ko si Maya at marco. Nasan kaya si Auntie?. At aba' may kaniya-kaniyang buhay ang mag-kapatid. Yung isa nag lilinis nang kuko. At itong si MarcoPolo naman nag ce-cellphone.
"Oh? San ka nanaman pupunta? Maglalandi?" Tinignan ko si Maya. Kaganina okay kami tapos ngayun aawayin niya ko? Kotongan ko ba'ga niya.
"Lalandi agad? Hindi ba pwedeng aalis lang" sabi ko.
"Sus! Baka mamaya may Syota kana." Sabi ni Maya, tinignan ko siya nang seryoso.
"Syota? Talaga? Baka Fiancé ? Huh? " Assuming na ba ako? Hindi ko panaman nakikita yung papakasalan ko 'diba?.
"FIANCÉ? IKAKASAL KA? AYY! MALANDI NGA" Gulat na sabi ni Maya. Si Marco naman ayun wala paring pakielam sa mundo. Tumayo si marco hala parang Badtrip siya. Baka naman may ka-text.
"Anong malande? Puro ka nalang malandi. Baka 'ikaw yun." Papunta na ako sa pinto nang biglang hablutin ni Maya ang buhok ko.
"Aray, Aray ko Maya." Sinabunutan banaman ako. "Ansakit"
"Che, Sa susunod 'wag mo akong tatawagin na malande." Nakakainis na 'tong batang 'to wala nang galang sa nakakatanda.
"Aray! Bitawan mo na ang buhok ko." PIlit kong tinatanggal yung kamay ni maya sa buhok ko.
Mayamaya may narinig akong bumukas na pinto. Bigla nalang hinawakan ni maya ang dalawang kamay ko at sinabunutan niya ang sarili niya gamit ang kamay ko. Huh? Anong nangyari sakaniya.
"Aray ko po , ate keykey! Tama na po" huh? Anong pinahsasabi nitong si Maya?.
Tumingin ako sa pintuan at nakita ko si Auntie na parang bulkan na sasabog sa galit. Lagot na. Ko.
"BWISET KANG BABAE KA! " sigaw ni auntie bigla nalang lumagapak si Maya sa sahig. Hindi ko naman siya tinulak. Teka? Anong nangyari?.
"Auntie , mali po kayo nang------ ARAY" Biglang hinablot ni Auntie yung buhok ko at idinala ako sa pinto. At itinulak palabas.
"Walang hiya kang babae ka ! Kung Hindi kalang maikakasal sa anak nang business partner ko, matagal na kitang tinapon pabalik sa mga magulang mo" sigaw ni Auntie saakin. "Hindi KA na talaga nagtitinong bata KA! Jan KA matulog sa labas."
BINABASA MO ANG
I'm Inlove To Player
Teen FictionSi Kristine ay pinag-aaral nang kniyang Tiyahin sa maynila kapalit nang pang-aalipin sakaniya. Akala niya madali lang ant lahat pero ang hindi niya inakala na mas mahirap ang pamumuhay sa manila. makakatagpo niya ang lalaking magpapaini...