Prologue

10.9K 247 23
                                    

Inspired by EXO hoho. Anyway, after 4 years, nabasa ko ulit ang story na 'to na alam kong pinagkatuwaan ko lang noon and it was like arrrg! yun na yun? Hahaha Super duper mega short pala talaga.

Revision done!

Book 2? Sound Of The Moon (you may visit my profile) thanks!

THANK YOU! :)

PROLOGUE

Ako si Venice Monteverde, labing syam na taong gulang. Hindi kami mayaman, walang ari-arian. Simpleng buhay lang ang meron ako... noon.

Pagtungtong ko nang labing walong taong gulang, doon na nagsimula ang lahat.

Hindi na naging simple ang buhay at ang kilos ko. Pakiramdam ko ay may kakaiba sa aking nararamdaman.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, nagiging iba ang itsura ko kapag nagagalit.

Parang ang bigat bigat sa pakiramdam. Parang hindi ko na kilala ang sarili ko.

Natatakot nga ang iba sa akin dahil para daw akong demonyo. Namumula ang mga mata at may bumabalot na itim na awra.

Wala na akong mga magulang. Ang tita ko na lang ang nagpalaki sa akin. Si Tita Adama. Kapatid sya ni tatay.

Kahit sya mismo, hindi alam ang nangyayari sa akin. Ilang beses ko na syang tinanong pero ang lagi nyang sagot ay hindi nya alam.

Hindi nga ba nya alam? O sadyang ayaw nya lang sabihin?

Pero, karapatan kong malaman ito, hindi ba?

Tumigil ako sa pag aaral dahil na rin sa usap-usapan ng mga tao na isa daw akong malas sa baryo namin.

Nakatanggap ako ng scholarship sa isang Unibersidad sa Maynila.

Napagpasyahan naming lumuwas at manirahan ng tahimik.

Pero, matatahimik na nga ba kami? O dito palang mag uumpisa ang kalbaryo ng buhay ko?

---
yehey! Another story of mine. Please support. Love yah :*

VOTE if you liked... COMMENT what you think... FOLLOW me if you want...

~diannennaid<3

My Life Being a Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon