Chapter 4

4.7K 180 12
                                    

CHAPTER 4

VENICE's POV

Pagpasok ko sa University. Nakaagaw agad ng atensyon ko ang kumpulan ng mga estudyante. Mukang may pinagkakaguluhan. Nasa tapat sila ng gate.

"Ang gwapo ni Andrew"

"Mas gwapo pa rin si Liam"

Narinig kong bulangan ng ilan. Pero sandali, Liam? Bago pa man ako maki-usisa ay nakasalubong ko si Bianca.

"Tara. Sabay na tayo" hinila nya ako.

"Anong meron doon?" Turo ko sa nagkukumpulan.

"Wala yun. Normal lang na mag away ang magkapatid na yan."

"Sino?" Curious kong tanong.

"Si Liam at Andrew. Ngayon nga lang ulit naka-bisita si Andrew dito. Doon sya sa West University nag aaral."

Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Kyla. Kahit pilitin kong umiwas sa kanya ay palagi kaming pinaglalapit ng tadhana.

"Bakit nandito ka pa din?" Mataray nitong tanong at nakahalukipkip.

"Kyla pwede ba? Hindi ka pa ba masaya sa ginawa mo? Ipapaalala ko lang na may dalawang linggo pa si Ven dito" si Bianca ang sumagot

Naikwento ko kay Bianca ang nangyari kahapon nang tumawag sya sa akin kagabi.

"Well, that's better." Ngumisi ito at umalis.

"Wag mo na syang pansinin. Inggit lang yun!" Sabi ni Bianca at naglakad na kami sa classroom.


Mabilis lumipas ang araw. Naging usapan ng lahat ang paghaharap ng magkapatid. Paglabas ko ng gate ay nakita kong may isang lalaking nakatayo. Lalaking lalaki ang tindig nito. Matangkad ito at matangos ang ilong.

"Venice Monteverde" sabi nito ng makadaan ako. Kinilabutan ako sa paraan ng pagkakabanggit nya ng pangalan ko. Nilingon ko sya at ngumisi ito.

"K-kilala mo ako?" Nagtataka kong tanong.

"The one and only. Well, see you next time" sabi nito. Tumalikod sya at kumaway.

"Venice!" Tinignan ko kung sino ang tumawag. Si Max. Tumatakbo itong palapit sa akin

"Bakit?"

Nagpalinga-linga sya sa paligid na parang may hinahanap. Napansin ko na wala na ang lalaking kausap ko kanina. Ang bilis naman nya.

"Lumayo ka sa lalaking iyon. Hindi mo sya kilala."

"Kilala mo sya?"

"Kapatid ni Liam. Si Andrew. Pakiusap Venice, huwag kang lalapit sa taong iyon."

Kinabahan ako sa sinabi nya. Nagpaalam na din sya at umalis na din ako.

Napagpasyahan kong maglakad-lakad. Gusto ko na nga sanang tumakbo para mabilis agad akong makauwi.

"Mag isa ka lang yata, Miss." Natigilan ako sa nagsalita. Pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko gusto ang amoy nya. Nakainom ng alcohol.

"Miss anong pangalan mo?.. Miss.. Ang suplada mo naman." Naabutan nya ako at hinawakan nya sa kamay.

"Manong, bitawan mo ho ako" pilit kong kinukuha ang kamay ko pero malakas sya kahit lasing. Tumingin ako sa paligid. Nagbabakasakaling may mapadaan para humingi ng tulong.

Gusto ko na syang itulak palayo at gamitin ang buong pwersa ko. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko sigurado baka may makakita bigla sa akin.

My Life Being a Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon