Epilogue

5.3K 206 54
                                    

Ayan napost ko na hoho more more thanks sa lahat.. mapa-TAONG LOBO or WOLFverines mehehe ^___^

my beloved Luhan the werewolf is on the side.. check it out =)

Wala kong permanent character sa MLBAW kaseee hmmm kahit sino na lang. imagine na lang kayo.. EXO lang kasi naiisip ko..

EPILOGUE

VENICE's POV

Hindi ko gusto ang nangyayari. Pakiramdam ko ay nararamdaman ko ang galit ni Liam kay Andrew.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako sa nagsalita. Hindi ko sya kilala. Nanlilisik ang mga mata nito. Hinawakan ako nito sa braso at hinatak ako patayo sa pinagtataguan ko.

Hinila nya ako papasok sa mga naglalaban.

"Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Hindi ko akalain na ganito pala kadali itong gawin" Narinig ko ang boses ni Andrew. Tumigil sila sa pakikipaglaban. Bawat isa sa kanila ay habol ang mga hininga.

Mabilis na lumapit sa akin si Andrew at hinawakan ako sa muka. Hawak pa din ako ng kasama nya. Ngumisi ito.

"Don't you fcking touch her!" Sigaw ni Liam. Unti-unting tumulo ang mga luha ko.

Pasugod na si Liam pero napigilan sya ng dalawa pang kasama ni Andrew.

"Don't move!" Utos ni Andrew na sya namang sinunod ng lahat. "Try it and I'll kill her!" Nanindig ang mga balahibo ko sa banta nito.

Tumingin ako sa direksyon ni Liam. Bakas ang pag-aalala nito. Help me. Please. Pakiusap ko sa isip.

"Una pa lang palagi na lang ikaw ang magaling sa paningin ng lahat! Kaya ngayon, patutunayan kong ako ang karapat-dapat na mamuno sa mga lobo!" Sigaw ni Andrew na umalingawngaw sa loob ng apat na sulok ng kwarto.

Kailangan mong lumaban, Ven. Ito na ang pagkakataon na hinihintay mo. Lumaban ka pakiusap.

Inilabas ni Andrew ang isang metal mula sa kanyang tagiliran, itinaas nya ito. Itinutok nya ang mahaba at matulis na espada sa direksyon ko. Agad ko syang sinipa dahilan para malaglag ang hawak nito. Dito na kumilos ang grupo ni Liam. Buong lakas ko ding sinipa ang taong may hawak sakin.

"AAAHH!" Sigaw ko. Lumabas ang mahahaba kong kuko. Unti-unti kong nararamdaman ang pagbabago ng aking anyo.

Kinalmot ko ang lobong papalapit sa akin. Nasugatan ito. Itinusok ko ang aking mga kuko sa dibdib nito. Napahiga naman ito agad sa sahig at nag anyong tao. Si Kyla. Hindi ko inaasahang isa sya sa mga lobong ito.

Napatingin ako sa paligid. Ang iba ay sugatan. Ang iba ay nakahandusay at wala ng malay. Nakita ko sa sulok si Max. Anyong tao na ito at hawak ang kaliwang balikat.

"Max!" Tumakbo ako sa direksyon nya. Ngumiti lang ito.

"Ayos lang ako Ven. Malayo sa bituka." Gusto ko syang batukan sa mga oras na 'yon. Nagawa nya pang ngumiti kahit malala na ang natamo nyang sugat.

Halos lahat ng kakampi ni Andrew ay wala na. Tanging sya na lamang at si Liam ang naglalaban.

Kinagat ni Andrew sa kamay si Liam. Pumalag naman si Liam at sinipa ito. Natumba ito na agad dinaganan ni Liam. I heard him growl bago nya kagatin sa leeg si Andrew. Napadaing ito sa sakit. Mabilis itong bumangon at si Liam naman ang nasa ilalim. Bumaon ang mahahaba nitong kuko sa balikat ni Liam. Napasinghap ako.

Pumunta ako sa direksyon nila. Narinig ko ang pagtawag ni Max at pagmura pero hindi ko sya pinansin.

Kinagat ko sa likod si Andrew. Nanatiling nakahiga si Liam. Iniinda ang sugat na natamo. Binalingan ako ni Andrew. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Hindi ko inasahan ang sumunod nyang ginawa. Mabilis itong nag anyong tao at hawak na nito ang espada.

"Ven!!!" Narinig kong sigaw ni Max. Naramdaman ko na lang ang kirot sa aking likuran. Parang slow motion akong napadapa sa sahig.

"You fcking bastard!" Narinig ko pang sigaw ni Liam. Hindi din siguro inasahan ni Andrew na masasaksak sya ni Max sa likod tagos hanggang dibdib. Itinarak nito ang espadang ginamit sa akin. Nagpakawala ito ng malakas na sigaw.

Naramdaman ko ang paglapit nila sa akin. Unti-unti akong bumabalik sa pagiging tao.

"Love.. wake up! Please look at me! Venice!" Tinakpan ako nito ng isang jacket. Hinawakan nya ang ulo ko. Dahan dahan akong dumilat. Ngumiti ako pero hindi ko alam kung sapat na iyon para malaman nyang magiging maayos na ang lahat. "Please.. please. Stay awake.. Hold still please" pagmamakaawa nya.

Napaubo ako. Isang malapot na likido ang lumabas doon. Dugo. "Liam.." iyon lang ang tangi kong nasabi na hindi ko alam kung narinig nya.

"Venice.. please stay with me.. I love you. Please.." nakikita ko ang mga luhang dumadaloy sa pisngi nya. Ayaw kong umalis na ganito ang kalagayan nya. Pero anumang minuto ay alam kong bibigay na din ang katawan ko. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa pisngi ko. Pakiramdam ko ay nabigyan ako ng lakas kahit panandalian lang.

Nakarinig ako ng ingay mula sa labas. Ambulansya. Hinawakan ni Liam ang kamay ko at paulit-ulit iyong hinahalikan. "Hold on please.. please.." halos hindi na sya makahinga habang nagmamakaawa. Nagawa kong hawakan ang pisngi nya. Gusto ko itong kabisaduhin. Ang mga mata nyang kulay asul. Ang ilong nyang matangos. Ang kilang nyang madalas ay salubong. Ang noo nyang laging nakakunot. At mga labing malalambot. Gusto kong baunin ang mga alaalang iyon sa aking pag alis.

"I love you, Liam" halos bulong ko. Hindi ko alam kung naisatinig ko iyon o nasa isip lamang.

Unti-unti ay nakakaramdam ako ng antok.

"VENICCCEEE!" narinig ko pang sigaw nya at tuluyan na akong napapikit.

MAX's POV

Lahat ay nabigla pa din sa pangyayari. Tatlong araw mula nang mangyari ang labanan sa pagitan ng magkapatid.

Hindi matanggap ni Reyna Celestina nag nangyari sa anak nitong si Andrew. Nawala ito sa sariling pag iisip at nagpakamatay.

Ilang araw nang mawala ang reyna, ay naihalal si Liam bilang bagong pinuno. Our Alpha.

Maging ako ay napili ni Liam bilang kanyang Beta.

Masaya na sana ang lahat kung hindi lang sa masamang nangyari kay Venice. Napatingala ako sa langit. Pinipigilan ang mga luhang maaaring pumatak. Nagkusot ako ng mata at nagbalik sa pagpa-patrolya sa bayan.

"Beta! Magmadali kayo. Gising na sya!" Masiglang sabi ng tagasilbi. Gising na sya. Isang napaka gandang balita ngayong araw.

Dumeretso ako sa ospital kung saan ito naroroon.

Nagmadali akong pumasok sa kwarto nya. Ang tagal na nang huli ko syang makita.

"Max." Nakangiti nitong bati sa akin. Tinapik ko sa balikat si Liam na nasa tabi nya.






"Welcome back, Ven!" Bati ko. Masaya ako para sa kanilang dalawa.

Tunay ngang walang makahahadlang sa tunay na nagmamahalan.

The Alpha and his mate.


The End..

--- 

D/N: Waaah!! Natapos ko syang i-edit in 2 days! *cries*

Yes. May nabago po sa old story. Pansin nyo din? Charr!

Thank you for all the Votes. Reads. Comments. And Messages.

Magkita-kita ulit tayo sa Book 2. Weh may book 2? Hahaha pag iisipan ko pala muna :D

Mas maganda siguro kung habaan ko sya sa next book. Yung maraming twist and turns :D

#MLBAW

Thankyou WOLFVERINES and TAONG LOBO haha :*

VOTE if you liked... COMMENT what you think... FOLLOW me if you want..

XOXO
~diannennaid<3

My Life Being a Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon