Chapter 2

5.7K 219 15
                                    

wew may nagtyagang magbasa haha ^^ ano pwede i-call sa inyo? message me hoho dami kong alam :p

CHAPTER 2

Umuwi ako sa bahay ng naguguluhan. Inilapag ko ang bag sa sofa. Nakita ako ni tita Adama mula sa kusina. Maya-maya pa ay nilapag nya ang isang baso ng juice at isang tinapay sa mesa.

"Muka kang balisa, hija. Kamusta ang unang araw mo sa Carlmore?" tanong nya na parang nag aalala base sa ekspresyon nya.

Ngumiti ako. Isang huwad na ngiti para lang mapanatag sya na maayos ang lahat. "Masaya po ang unang araw ko tita. Nagkaroon ako ng mga kaibigan!" Kasinungalingan. Ayoko lang na mag alala sya sa akin.

"Mabuti naman kung ganoon. Sana'y dito na tayo matatahimik" nagbuntong hininga sya at tumingin sa labas ng bintana na tila may malalim na iniisip. Bumaling ang tingin nya sakin at seryosong tumingin sa aking mga mata. "Sa oras na may kakaiba kang maramdaman o makita, hija mangako kang ipagbibigay alam ito agad sa akin. Maliwanag ba?" Tumango ako kahit nag iisip kung ano ang ibig nyang sabihin.

Natapos kaming mag usap at kumain ng hapunan. Umakyat ako sa kwarto, naligo at pabagsak na humiga sa kama. Madilim sa labas. Tanging ilaw lang mula sa buwan ang nagbibigay liwanag.

Nakarinig ako ng kaluskos. Tumayo ako para kumpirmahin kung saan ito nanggagaling. Sa bintana. Sumilip ako. Hindi ko alam pero nangilabot ako nang isang malaking aso na kulay itim ang nasa gilid ng kalsada. Nakatingin ito sa bahay.. o sa akin? Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatingin dito nang bigla ay parang ngumisi ito bago tuluyang umalis.

Nakaramdam ako ng pangamba. Napahawak ako sa aking dibdib. Muli akong sumilip sa labas pero isang anino ng lalaking paalis ang nakita ko. Matangkad ito. Agad kong isinara ang bintana at iniharang ang kurtina.

Medyo nahuli ako ng gising dahil late na ako nakatulog dahil sa kakaisip ng nakita ko kagabi. Isa lang ba iyong panaginip? Ipinilig ko ang aking ulo at nagmadaling mag ayos ng sarili ko.

Nakita ako ni tita na pababa ng hagdan. Tinawag nya ako upang mag almusal muna pero sinabi kong hindi na dahil mahuhuli na ako sa klase.

Dire-diretso akong pumasok sa gate ng school. Hindi ako tumakbo dahil baka may makakita sa akin kung pano ko ginagawa ang pagtakbo.

Hindi ko din maipaliwanag na sa tuwing tumatakbo ako ay sobrang tulin na halos segundo lang ang pagitan ay nararating ko na ang lugar na pupuntahan ko.

Kailangan kong mag ingat sa bawat kilos ko, dahil ayoko ng mangyari ulit yung nangyari sa probinsya. Ayokong maging kakaiba. Gusto kong mamuhay bilang isang normal na tao.

At pag nangyari 'to dito. Di ko na alam kung saan pa kami pupunta ni tita.

Pumunta ako sa classroom. Karamihan ay nasa loob na at hinihintay ang guro sa araw na iyon. Naramdaman ko agad ang titig nila sa akin. Umupo ako sa tabi ni Bianca pero nakayuko lang sya na para bang nakaidlip ito. Dahan-dahan syang gumalaw at nag angat ng tingin ng maramdaman ako sa tabi nya.

"Good morning" bati nito.

"Good morning" ngumiti ako ngunit nawala din agad ng maalala ang sinabi nya kahapon. Paalala ba ito o isang banta? Hindi ko alam. Tatanungin ko na sana sya kung ano ang ibig nyang sabihin nang biglang dumating si Mrs. Dalia para magturo.

Lunch break. Nagmamadali akong ayusin ang gamit ko dahil na din sa gutom ko.

"Ven, sabay na tayo" alok ni Bianca. Tumango ako at tinungo namin ang daan papuntang cafeteria. Umorder kami at umupo malapit sa pintuan. Pansin ko pa din ang mga titig ng mga tao sakin. Kailan kaya sila masasanay sa presensya ko?

My Life Being a Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon