Chapter 1

6.4K 222 16
                                    

CHAPTER 1

Masakit malaman na hindi ka tanggap ng lipunang iyong ginagalawan.

Yung tipong, iniiwasan ka ng mga nakakasalubong mo na para bang isa kang may malubhang sakit.

Kasalanan ko bang ganito ako? Kung napipigilan lang sana ito ay matagal ko ng ginawa.

"Ven, hindi ka pa ba papasok?" tanong sakin ni tita.

Nahulog pala ako sa malalim na pag iisip. Kahit si tita Adama ay hindi maipaliwanag ang nangyayari sakin.

Pero, minsan naiisip kong may alam sya ngunit ayaw nya lang sabihin. Sa tuwing tinatanong ko sya sa pagkamatay ng mga magulang ko, umiiwas sya at iniiba ang usapan.

Bilang anak, karapatan ko namang malaman ang ikinamatay ng mga magulang ko.

Wala din naman akong naiisip na dahilan kung bakit sya maglilihim sa akin. Kaya napagpasyahan kong tuklasin itong mag isa. Dahil alam ko, dadating din ang panahon at malalaman ko din ang totoo. Lalo na sa nangyayari sakin.

Nakarating ako sa Carlmore University. Iyon ang pangalan ng unibersidad na papasukan ko bilang scholar.

Sa gate ay may arkong nakaukit ang pangalan ng paaralan. Pumasok ako at agad na binati ng malamig na simoy ng hangin. Pero hindi pag welcome ang naramdaman ko. Napatingin ako sa paligid at nakita ang mga titig ng estudyante. Ang iba ay napahinto sa paglalakad at tinitigan ako ng masama, merong iba ay tila nagulat, ang iba ay parang walang pakialam at dire-diretsong naglakad.

Nakaramdam ako ng kaba. Parang may hindi tama. Napayuko na lang ako at hindi na ito pinansin.

Hinanap ko sa buletin board ang section at room ko.

Room 636

Di naman nagtagal at nahanap ko iyon.

At katulad kanina, iisa lang ang mga titig nila sa akin. Para nila akong pinapatay sa mga tingin nila.

Napagpasyahan kong umupo sa may bandang likod.

"wag ka dyan. May nakaupo na dyan" sabi ng isang lalaking may katangkaran at may hikaw sa tenga.

"ah.. pasensya na" naghanap ulit ako ng mauupuan. Iyon na lang ang bakante kaya umupo na ako. Sa may bandang gitna ako naupo.

"hi" napatingin ako sa nagsalita. Isang babaeng mala-anghel ang muka. Mahaba at itim na itim ang buhok na lagpas sa balikat.

"hello" sagot ko at nginitian sya.

"Bianca nga pala." inabot nya ang kamay nya at tinanggap ko iyon.

"Venice" pagpapakilala ko at nag alangang ngumiti. Hanggat maaari, ayokong may maging kakilala o maging kaibigan man lang. Dahil alam ko sa bandang huli, kapag nalaman nila ang katauhan ko, lalayuan din nila ako. Katulad ng mga nakilala ko. Gusto kong maging invisible sa paningin ng iba na parang isa akong hangin.

"Alam ko." Nagulat ako sa sinabi nya.

"A-alam mo?" taka kong tanong. Tila nabigla naman sya sa nasabi nya pero nakabawi din kaagad.

"Y-yup! ofcourse I know. I'm the student council president."

"Ahh. Ganun ba.." napatingin ako sa mga kaklase ko. Nakatingin ang karamihan sa kanila sa akin ng masama.

"Magandang umaga" biglang dating ng pofessor kaya unti-unting tinanggal nila ang pagkakatitig sa akin.

"Wag ka mag alala. Mababait yan. Bago ka kasi kaya sila ganyan" bulong ni Bianca sakin. Napansin nya din pala. Ngumiti na lang ako. Napaisip tuloy ako kung ganito ba talaga ang trato nila sa mga bagong estudyante sa paaralan nila.

Dumating ang oras ng uwian. Naglalakad ako sa pasilyo nang may makasalubong ako.

"Hi Venice" bati nya at ngumiti. Pansin kong masayahin sya at di maipagkakaila ang kabaitan na taglay nya.

"Ven na lang" sagot ko. Naiilang pa din ako sa kanya.

"Okay! Uuwi ka na ba?"

"Ah oo" wala na rin naman akong balak magtagal dito dahil tutulong pa ako kay tita Adama na maglinis ng bahay.

"Gusto mo sabay ka na sakin?" hinawakan nya ako sa braso at hinila palabas. Huminto ako at nahihiyang bumitaw sa kanya.

"Ahh ano hindi na. Malapit lang naman ako dito. Salamat"

"Ganun ba. Sige.." Nakita ko sa mga mata nya ang bakas ng pag aalala. Pero saglit lang iyon at napalitan din ng ngiti.

Napalingon ako sa kumpulan ng mga estudyante malapit sa back gate ng school. Tila may pinagkakaguluhan sila. Parang masaya sila sa kung simuman ang dumating. Wala akong panahon para makisilip. Kailangan ko ng umuwi.

Bumalik ako ng tingin kay Bianca upang magpaalam. Pero maging sya ay nakatingin sa back gate at bakas ang kaba sa kanyang mga mata.

Naramdaman nyang nakatingin ako sakanya kaya ibinalik din ang tingin sakin. Hindi pa din naaalis ang pagkabahala nya. Hinawakan nya ang dalawa kong kamay.

"Pakiusap. Mag iingat ka sa kanila" doon na tuluyang umalis sa harap ko si Bianca.

Hindi ko alam kung dapat ba kong kabahan sa sinabi nya? Alam kong dapat akong mag ingat sa pag uwi. Pero anong ibig nyang sabihin?

Bakit ako mag iingat? At kanino ako dapat mag ingat? May kinalaman ba ito sa mga taong dumating kanina?

Dala ng kaba ay walang lingon-likod akong naglakad pauwi.

to be continue..

--- 

lalalalala~ 

~diannnennaid<3

My Life Being a Werewolf [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon