Chapter 31

130K 4.3K 604
                                    

Heira's POV

"Heira, Nasaan na ba sila? Bakit ang tagal naman ng mga yon?" Tanong sakin ni Phoebecate habang Nakaabang kami sa labas. 

Muli kong sinipat ang Orasan ko. "Hindi ko nga alam kung bakit wala pa sila eh, sabi ni Dark Devil on the way na daw sila." Sagot ko.

"Pang ilang Number ba sila sa mga sasayaw?" Tanong sakin ni Maezy. Ako kasi ang bumunot ng Numero nila sa mga sasayaw.

"Pang number fifteen sila. Yon, na ang pang huling number na sasayaw." sagot ko.

"Pang walo na ang Contestant na sumasayaw. So malapit na sila. Ang tagal naman nila." Ani Maezy.

Muli akong nakatanaw sa malayo. Nag babasakaling mahagip ng mga mata ko sila.

"Sana dumating na sila." Dasal ko.

"Hintayin na lang natin at Darating na din ang mga yon." Sabi ko,

"Sana nga Heira, baka kasi bigla silang nahiya sa itsura nila.
sigurado kasing nakakahiya ang gagawin nila eh," ani Phoebecate.

"Magtiwala lang tayo sa kanila." Sabi ko.

Mas lalong nadadagdagan ang Tensyon namin sa tuwing naririnig namin ang hiyawan ng mga tao sa loob. halos manakit na ang leeg namin dahil sa Katatanaw sa kanila. Hanggang sa Matanaw ng mga mata namin ang pamilyar na sasakyan. Lumiwag ang mga ngiti namin nila Maezy habang papalapit na ang mga yon.

"And'yan na sila!" halos pasigaw na sabi ni Phoebecate.

Kaya naman ng Huminto sa tapat namin ang Apat na sasakyan.
Abot-abot ang ngiti namin habang hinihintay naming bumaba ang nasa loob ng kotse.

"Hello Heira!" Bati sakin ng Mommy ni John Ace, nag beso-beso pa kami gayundin sa mga kaibigan ko.

"Hello po Ma'am Ally." Sabi ko.

"Wag mo na akong tatawaging Ma'am. Pati din kayo mga Iha." Baling niya sa mga kaibigan ko habang nakangiti. "Tita na lang. Masyado na akong tumatanda kapag tinatawag ako sa ganong pangalan."

"Opo!" Sabay-sabay naming sabi.

"Oo nga pala kasama namin ang mga magulang ng mga kaibigan ni John Ace," ani Ally.

Saka lang namin napagmasdan ang mga taong bumaba sa kotse. Si Mhady Perez ang Mommy ni Matt Xander, kasama niya si Bernadette Corpuz ang Mommy ni Zach Alexander. Naroon din si Julieanne ang Mommy ni Lord jereh Dale at  si Jamie ang Mommy ni Brent Skyler, kasama naman si Yurielainne ang Mommy ni Clarence miguel. si Angelica ang Mommy ni Clark Tristan.

Parang bigla kaming Nahiya sa mga itsura namin. Kung ihahanay kami sa kanilang lahat kami yata ang mas mukhang matanda sa kanila. lalong-lalo na si Allyson Ramirez. Kahit kitang-kita na ang paglaki ng tiyan niya dahil buntis. Bakit ganon? Bakit ang Sexy at ang ganda parin niya. Minsan napakalupit ng tadhana. Kung sino pa ang mayaman yun pa ang magandang-maganda. Hays!

"Ang gaganda nyo naman po na maging Mommy. Parang kapatid nyo lang po sila Zach,"  Ani Maezy.

"Tita Ally, Bakit wala po ang Bestfriend nyo na si Miss Dianne Santiago." Tanong ni Phoebecate.

Ngumiti si Ally, "Mukhang nagbasa ka ng Magazine namin na nai-publish noon." Ani Ally.

Ngiting-ngiti na sumagot si Phoebecate. "Opo, update nga po ako eh,"

"Salamat sa pagbabasa ha. Anyway si Dianne at si Coby kasama ang Anak niya nasa Amerika doon sila nakatira. Wala kasing hahawak sa Kumpanya ng magulang ni Coby. Kaya doon sila nakatira. Nami-miss ko nga ang Bestfriend kong yon eh,"

King Of Casanova Book1 (PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon