Chapter 53

43.7K 1.1K 48
                                    

John Ace's POV

Tatlong linggo na mula ng makuha namin si Heira sa kamag ni Tyron. Mula ng mga araw na yon. Palagi ko ng kasama si Heira. Bagamat nasa pangangalaga si Heira ni Tito Teo. Walang oras ko naman siyang kasama hindi ko na siya pinakawalan pa. Hindi na rin nanggulo ang mga Lola at Lolo niya sa Nanay at Kapatid niya dahil kasalukuyang tumatakbo ang Kaso nila.

"King, malapit na ang Birthday ni Heira diba?" Tanong ni LjDale sakin. Habang nasa loob kami ng Bar ni Tito Teo.

Tinapuna ko siya ng masamang tingin. "Paano mo nalaman?" Inis kong sagot sa kanya.

Tinungga muna niya ang alak na nasa shotglass niya. "Ofcourse staker niya ako."

"Dale! Wag mo akong subukan!" Warning ko sa kanya.

Ngumisi siya sakin habang nakatingin. "What will you do?"

"Sasapakin kita!"

Tumawa siya sakin tapos ngumisi pa. "Go ahead! Tatlong linggo na din akong walang praktis."

"Fuckin Hell!" Tatayo na sana ako upang bigyan siya ng Suntok. Ngunit agad naman kaming inawat ng mga kaibigan namin.

"Whoah! Whoah! Teka King wag masyadong mainit." Ani Zach.

Inis akong bumalik sa upuan. Tapos nagsalin ako ng alak sa shotglass ko at inimom ko yon.

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo Dale!" Mariin kong sagot sa kanya.

Tumawa si Dale sakin. Kung galit na galit ako siya naman ay kampante lang. Hindi niya alintana ang matinding galit ko sa kanya.

"King masyado ka naman yatang seryoso at simpleng bagay lang galit na galit kana." Ani Matt

"Bro, Basta pagdating kay Heira hindi mo yan mabibiro." Sabat naman ni Brent.

"Naiinis ako sa sinabi niya! Paano niya nalaman ang birthday ni Heira kung hindi nga talaga siya staker!" Sabi ko pa.

"Palibhasa King hindi mo pinapansin ang nasa loob ng Classroom natin. Kaya hindi mo alam na lahat ng Mga birth Month natin nakalagay doon. Kaya kahit ako alam ang Birthday ni Heira." Ani Clark.

Bigla akong kumalma. Wala kasi akong pakialam kung anong nasa loob ng Classroom namin. Ang mahalaga lang sakin ngayon si Heira yon lang wala ng iba!

"So pwede na ba nating pag-usapa ang debut ni Heira ng hindi ka Nagagalit?" Tanong ni Brent.

"Ako ng bahala sa Debut ni Heira."

"Baka naman gayahin mo ang Ginawa ni Tito Frits sa Mommy mo noong Debut niya? Gumawa ka ng kakaiba. Wag mong masyadong idolohin ang Daddy mo." Ani LjDale.

Napanood kasi namin dati ang Debut ni Mommy. Ang ginawang surprise Debut party na ginawa ni Daddy para kay Mommy. At lahat kami napabilib ni Daddy aa ginawa niya.

"Syempre hindi. Gagawa ako ng sarili kong Trademark sa surprise party para kay Heira."

"Basta kung kailangn mo ng tulong ko nandito lang kami king." Ani Matt.

"Salamat!"

"Oo nga pala King. Nasaan si Clarence Miguel?" Tanong ni Matt.

"Kasama niya si Jhoace." Tipis kong sagot.

Nagtawanan sila sa sinabi ko. "Akalain mo yon King. Mukhang nagbago na ang pakikitungo ni Clarence Miguel kay Jhoace ngayon." Nakangiting sabi ni Matt.

"Hayaan na lang natin siya." Tipid kong sagot.

"Kung hindi pa niya malalaman na may isang Tyron Linton ang nababaliw na Makuha si Jhoace hindi pa niya babakuran ang kakambal mo king." Ani Brent.

"Suportahan na lang natin siya." Tipid kong sagot.

Nilagyan ni LjDale ang mga shot glass namin ng alak. "Cheers!" Sabi niya.

Itinaas naman namin ang shotglass namin at sabay-sabay naming sinabing Cheers!"

"Mukhang nagkakasiyahan kayong lahat!"

Lahat kami napatingin sa Babaing nagsalita. Salubong naman ang kilay ko ng makita ko ang babaing papalapit samin. Lumapit siya sakin at tumabi pa. Ako naman tatayo na sana para umalis ngunit nagsalita siya.

"Buntis ako King!"

Lahat kami nagulat sa sinabi niya. "WHAT!" Pasigaw ko.

Ngumisi siya sakin. "Buntis ako at ikaw ang Ama ng batang dinadala ko."

"NO WAY! GET OUT BITCH!!" Galit na galit kong sigaw.

"Magalit ka hanggat gusto mo. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Pero hindi mo maipagkakaila na ikaw ang Ama ng batang pinagbubutis ko."

Iniabot niya sakin ang hawak niyang envelop. Ngunit hindi ko yon inabot. Si Zach ang kumuha at binuksan ang loob ng envelop.
Isang pregnacy test na nag papatunay na buntis siya at isang medical record galing sa isang OB Gyne ang nagsasabing isang buwan siyang buntis.

"Paano mo nagawa ang kalokohang ito Faye Erika?" Ani Brent.

Tumawa si Faye Erika. "Napagkamalan niya akong si Heira noong naghiwalay sila kay hindi ko na yon pinalampas."

"Tuso ka din noh! Paano kung hindi ka Panagutan ni King?" Inis na sagot ni Clark.

"Papatayin ko ang batan sa sinapupunan ko kung hindi niya ako papakasalan." Tumingin siya sakin. "King wala kang magagawa kung hindi ang pakasalan ako. Im your future Wife." Sabay tawa niya bago umalis.

Naiwan kaming tahimik lahat. Ni isa sa kanila walang gustong magsalita. "Kailangang kong magpakalasing!" Sabi ko. Tapos tinungga ko ang alak ng sunod-sunod. Gusto kong magpakalasing gustong kong matapos ang Bangungot na 'to kung kelan maayos na kami ni Heira. Kung kelan kasama ko na siya saka pa nangyari ang lahat ng ito. "Fuckin Bitch!" Sigaw ko. Tapos binato ko ang mga bote ng alak. Inawat naman ako ng mga kaibigan ko. Napakalunod ako sa alak hanggang sa hindi na kayanin ng katawan ko.

"Goodmorning Anak." Bungad sakin ni Mommy.

Salubong ang kilay kong nakatingin sa kanya. Sobrang kalasingan ko kagabi kaya hinatid na ako ni Zach sa bahay. Sobrang sakit din ng ulo ko dahil sa hang over. Bumangon ako at umupo sa kama.

"Mom.. Dad.." Anas ko.

Pilit na ngumiti sakin si Mommy. At hinaplos ang buhok ko. "Alam namin ang nangyari. Sinabi samin ng mga kaibigan mo."

Huminga ako ng malalim upang kahit papaano maibsan ang sakit na nararamdaman ko. "Nasaan si Heira?" Tanong ko.

"Kasama ni Jhoace ngayon. Sabi ko sa kapatid mo ipasyal muna si Heira para makapag usap tayong tatlo." Sagot ni Mommy.

Tumingin ako kay Mommy at Daddy. "Ayoko pong magpakasal sa kanya Mom and Dad."

"Pero anak buntis na si Faye Erika." Sabat ni Dad.

"Dad, hindi ko po siya ginalaw. Wala pong nangyari saming dalawa."

"Masyado talagang Ambisyosa ang mental retarded na yon. Gagawin ang lahat para mapakasal ka sa kanya." Inis na sabat ni Mom.

Tumingin sakin si Dad. "Paano ang Magiging anak mo?" Tanong ni Dad sakin.

"Hindi ko po yon Anak Dad. Wala po talagang nangyari samin. Alam ko po ang ginagawa ko kapag nalalasing ako."

"Kung Alam mo bakit hindi mo ginawang pigilan si Faye na dalhin ka niya sa isang motel."

King Of Casanova Book1 (PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon