Chapter 47

103K 3.1K 501
                                    

Faye Erika's POV

"Can we talk?"

"Anong Kailangan mo sakin Miss Faye Erika Lim?" Tanong sakin ni Tyron.

Tinawagan ko kasi siya kanina upang makausap. Kalat na kasi sa Buong Academy Ang Pag-iisang Dibdib nila ni Heira. At isa ako sa mga babaing nagdidiwang dahil single na ulit ang Mahal kong si John Ace. Tama Nasa ibang School pa lang ako noon. Gustong-gusto ko na talagang mag-aral sa SPIA bukod sa mga mayayaman ang karamihang nag-aaral dito. Makikita mo rin dito ang sikat na sikat na Pitong casanova ng ibang school. At isa ako sa mga babaing nagkakagusto sa kanya. Nabigyan lang ako ng swerte ng mamatay ang Lolo ko. Hindi ko aakalain na si Mr, Frits Santiago pala ang Dating tinulungan ng Lolo at Lola ko. Kaya naman bilang pagnataw ng utang na loob sinagot ni Sir Frits, ang lahat ng gagastusin ko sa school na ito. Masaya sana ako kung pumayag si John Ace at ang Maldita niyang Mommy at Kapatid na babae na pakasalan ako. Pero ngayon sisiguraduhin kong kaming dalawa ang ikakasal.

Tinitigan ko siya. "Gusto kong Siguraduhin mong Hindi na makakabalik si Heira kay King."

"Psh! Hindi ko akalain na pati ikaw nababaliw kay John Ace."

Matalim ko siyang tinitigan. "Sinasabi ko sayo Tyron! Ilayo mo na si Heira kay John Ace. Wag mo na siyang ipapakita pa sa kanya."

"Alam mo Faye Erika. Wala akong pakialam kung anong gusto mong mangyari. Wala akong gusto kay Heira. May iba akong plano para kay John Ace." Tumalikod siya sakin upang umalis ngunit tinawag ko siya.

"Tyron!" Habol kong sigaw ngunit hindi niya ako pinakinggan. Kaya naman nanggigil ako habang nakatanaw sa kanya.

"Hindi maaring mabigo ang plano ko!" Bulong ko sa sarili.

Tumakbo ako upang habulin si Tyron. "Aayy!" Sigaw ko. Bigla kasi akong binangga mabuti na lang at napakapit ako sa poste.

"Bulag ka ba? Hindi ka marunong tumingin sa dinadaanan mo!" Pagalit na sigaw ng lalaki.

Inayos ko ang pagkakatayo ko. "Ikaw ang tanga!" inis kong sagot.

Nakatayo sa harapan ko ang isang batang lalaki na nasa edad kinse. Nakapamulsa pa siya habang nakasimangot na nakatingin sakin.

"Psh! Baliw!" Sabay pihit niya patalikod.

"Hoy bata!" Sigaw ko.

Ngunit hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Kung wala lang akong hinahabol papatulan ko ang batang yon. Letche siya! Hindi ko na naabutan si Tyron kaya hinanap ko na lang siya. "Ayun si Tyron!"

Lalapitan ko na sana siya nang mapansin kong may kasama pala siya. Saglit akong natigilan at nag-isip kung kakausapin ko siya O hindi. Tapos nang muli ko siyang tingnan nakilala ko ang kausap niya nagmadali akong naglakad papalapit kay Tyron. Ang lalaking kausap niya ay ang lalaking nakabunggo sakin kanina.

"Tyron! Sigaw ko. Agad namang lumingon si Tyron sakin. Gayon din ang batang lalaki ng magtama ang mga mata namin inirapan ko siya.

"Bakit na naman Faye Erika?"

Hinila ko ang upuan malapit kay Tyron at umupo ako na nakaharap sa kanya. "Makisama ka na sa plano ko."

"Paano kung ayaw ko?"

"Tutulungan kitang pabagsakin ang grupo nila John Ace. Basta tulungan mo lang ako."

Ngumisi siya sakin at pahapyaw na sinulyapan ang batang lalaki na nabangga ko kanina.

"Kilala mo ba siya Faye? Siya si Denver Claide Santiago at pinsan niya si John Ace."

Nagsalubong ang matalim naming tingin sa isa't-isa. "Bakit mo siya kasama? Baka sabihin niya ang mga binabalak mo." Sabi ko.

King Of Casanova Book1 (PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon