Chapter 46

98.4K 3K 234
                                    

John Ace's POV

"Fuckin assholee!!" Sigaw ko sa loob ng kwarto ko. Lahat ng maari kong itapon nagkalat sa loob ng silid ko. Nakalock ang pintuan ng silid ko. Dahil nagpupumilit akong Umalis ng bahay upang sugurin ang Kamag-anak ni Heira. Dalawang araw na ang nakakalipas ng hindi ko na makita ang asawa ko. Halos mabaliw ako dahil sa pangungulila sa kanya. Dalawang araw kong hindi nakikita ang Hippo ko. Hindi ko nakikita ang mga ngiti niya at hindi ko nararamdaman ang yakap at halik niya. Dalawang araw na.. Pero para sakin parang dalawang taon na nawala siya.

"Mommy!! Daddy!! Buksan nyo ang pintuan wag nyo akong ikulong dito kailangan kong makita ang asawa ko. Kailangan ko siyang mahanap."

Ilang saglit pa bumukas ang pintuan. Sumungaw sa harapan ko ang mga Tito ko. Si Tito Zyrus, Tito Luke, Tito Teo. At si Daddy. Sila ang mga tinatawag ni Mommy kapag may mabigat kaming problema.

"Tito Tulungan nyo ako." Sabi ko pa.

Isang malakas suntok ang pinadapo sakin ni Tito Teo. kung seryoso ang mukha nila. Mas seryoso ang mukha ni Tito Teo. pagkatapos inilapag ni Tito Teo sa harapan ko ang dalawang Baril. "Patayin mo muna kami bago ka makakalabas ng Kwartong ito John Ace! Kung gusto mong Lumabas para puntahan ang asawa mo patayin mo kami." Awtoridad na sabi ni Tito Teo.

"Tito.."

"Nasa Poder ng mga Linton si Heira. Kilala mo naman siguro si Linton Diba? Si Tyron Linton siya ang nakatakdang pakakasalan ni Heira." Ani Tito Teo.

"Damn it!" Napasuntok pa ako sa Pader wala akong pakialam kung dumudugo na ang Kamay ko.

"Kami ng bahala kay Heira wag ka ng mag-alala." Sabat ni Tito Zyrus.

"Pero nami-miss ko na siya." Napaluha pa ako habang sinasabi ko yon.

"Kung gusto mo siyang makita anak. Dapat pumapasok ka sa Klase." Ani Daddy

"Bakit po Dad?"

"Mula pa kahapon pumapasok na si Heira sa School. marami nga lang siyang bantay." Ani Tito Luke.

Bigla akong mabuhayan ng pag-asa ng malaman ko yon. "Totoo ba yon?" Ulit ko pa.

"Oo Anak,"

Tumayo ako upang maligo at pumasok. Ngunit hinarangan nila ako. "Bakit nyo ba ako pinipigilan?"

"Sinasabi ko sayo John Ace. Wag na wag kang gagawa ng anumang hakbang kung ayaw mong masira ang plano namin." Ani Tito Teo.

"Sige!" Sabay talikod ko sa kanila.

Nagmadali akong pumasok sa School. Pagpasok ko pa lang ng gate hinarang ako ni Sisa. Nakangiti pa siya sakin.

"Goodmorning John Ace."

"Walang maganda sa umaga kapag kasing panget mo ang nakikita ko?"

Sinabayan niya ako sa paglalakad. "Kakailanganin mo din ang tulong ko." Sabi niya. Pagkatapos umalis na siya.

Hindi ko siya pinansin gustong-gusto ko na agad na makarating sa Classroom namin. Gusto ko ng makita si Heira. Ngunit ng nasa may pintuan pa lang ako. Hinarang ako ni Clarence miguel.

"J.A, saglit lang may sasabihin lang ako."

"Wala akong oras makipag-usap sayo CM." sagot ko.

Dirediretso akong Pumasok sa loob. Pagpasok ko nagmamadali akong lumapit kay Tyron at susuntukin ko sana siya kung hindi ako hinarang ng mga kaibigan ko.

"Tumigil ka John Ace!"

"Wag nyo akong Pakialaman papatayin ko yan!" Sigaw ko pa.

"Sige John Ace. Saktan mo ako para hindi mo na makita ang Pinakamamahal mong Girlfriend. Kampanteng sagot ni Tyron.

King Of Casanova Book1 (PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon