Lara's POV
Alam niyo yung feeling na bigla ka nalang mapapatigil sa ginagawa mo dahil May naalala ka? Okay lang sana kung kaaya-aya yung nag-papabalik balik sa isip ko na Scene pero syete! Hindi eh! Nakakasuka jeez.
"Ms. Kim! are you idling on my class?" Natauhan ako sa sigaw ng prof namin -__-
"No ma'am i just remembered something, i'm sorry" Bumalik naman ang prof namin sa pagdu-discuss. Leche talaga yung Stranger na yun! Mapapatay ko talaga sya pag nag-krus pa uli ang landas naming dalawa!!!!
Akala ba niya ikina-gwapo niya yung ginawa niya sakin?! Duuuh! Hindi no! Nakakainis talaga sya!!! Bwisit! Sana pala sumama nalang ako kila V at jackson edi sana virgin pa yung lips ko ngayon-__-
"Ms. Kim! Sinasabi ko na nga ba at hindi ka nakikinig sa klase ko eh!!"aish.
"Sorry po talaga ma'am masama po kasi yung pakiramdam ko"palusot ko. Well mukha namang naniwala sya
"*sigh* akala ko naman Ms. Kim hindi ka nakikinig sa klase ko anyway *looks at V* Please bring Her to the clinic thankyou" sumunod naman si V kay Ma'am at inalalayan pa ako palabas ng room
Habang naglalakad kami sa hallway ay lantaran ang pag-papa-cute ng mga Fangirls ni V. Seriously?! "Ano ba ang nangyayari sayo lara? Kaninang umaga ka pa ganyan eh. Tell me dahil parin ba to sa kagabi sa bar? May bumastos ba sayo?" We? Ganon ako ka-affected??!
"B-bumastos? Wala ah! Iba to. Nag-text nanaman kasi sakin si Kuya baka daw pwede akong umuwi sa bahay *sigh* alam mo na malapit na yung d-----"
"Oy Pare! *looks at me* Hi Lara Mukhang ang tamlay natin ah? " Haaaaaaaay! Salamat jackson!
"O ginagawa mo dito?" Tanong ni V sakanya
"Nag-aaya kasi sila Bambam at Mark May bagong bukas na Bar dun sa may bay view banda? Sama ka na" Napairap ako sa isip ko dahil mag-iinom nanaman sila -__-
"I would love to join with the gang kaso masama yung pakiramdam ni Lara eh, so kayo nalang" Sagot niya
Awwww... ka-touch naman si Bestfriend ^_^
"Ganun ba? Edi Sa susunod nalang *looks at me* Pagaling ka ha?" Ngumiti ako sakanya at tumango. Maya maya pa ay nag-paalam na sya na may klase pa daw sya kaya kaming dalawa nalang ulit ni V ang mag-kasama
"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong niya sakin
"Hindi eh. Gusto ko sanang gumala sa mall pero may klase ka pa kaya mamaya nalang siguro *smiles*" Oy! Baka sabihin niyo magdi-ditch ako ng class ha? Hindi no!
"Hindi nalang ako papasok sa klase ko, Nakakairita rin naman yung bakla naming prof lagi akong pinapa-recite palibhasa may crush sakin"
"Pumasok ka, hihintayin nalang kita okay?" Napilitan syang tumango at pumunta sa klase niya.
Mag-kaiba kasi kami ng course eh, sya Business Related samantalang ako Tourism. Pero may subject na classmates kaming dalawa yun ay yung Business Mathematics at P.E, sa P.E naman Pareho lang kami na lawn tennis ang kinuhang P.E kaya classmates kami.