Lara's POV
* K I N A B U K A S A N*
Napabalikwas ako ng bangon dahil may naamoy akong fried rice pero alangan naman nag-luto ako eh tulog pa nga ako diba? Kaya mabilis akong bumaba sa higaan ko at lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina.
"V? Bakit ka nag-luluto? Di ka pa magaling ah!" Lumingon naman siya ng nakangiti tss.. napatingin ako sa suot niyang damit, Yun parin hindi pa pala sya nakaligo
"Okay na kaya ako. Tsaka Thankyou nga pala sa pag-aalaga sakin kagabi. I owe you alot, and with that Kailangan lumabas tayo i mean let's eat somewhere after school?" Nako! Kung alam lang niya na halos duguin yung ilong ko -__-
"Huy lara okay ka lang?" Natauhan naman ako.
"H-Ha? May sinasabi ka ba?" Teka nga! Ano ba ang nangyayari sakin?
Tumawa naman si V at kinurot yung ilong kon-__- "Pansin ko lately wala ka sa sarili mo, may problema ba?" Tanong niya habang nakatingin ng diretso sakin. Pero shocks lang! Bakit kinabahan ata ako?
Wala lang to Lara! Okay? Puyat ka lang!!!
"Wala akong problema, sige ligo muna ako! May pasok pa tayo eh" Umalis ako ng kusina saka bumalik sa kwarto ko. Duon ako bumuntong hininga ng malakas.
Matagal tagal na rin mula nung nakaramdam ako ng ganto. Parehong pareho lang yung pakiramdam nung kanina at kay ----
*knock* knock*
"Lara? Naliligo kana ba? Itatanong ko lang kung gusto mo magbaon ng sandwich?"
Enebeee!!!!!!!!!!
"S-sige. Salamat" narinig ko ang pag-alis ni V sa tapat ng Pinto ko.
Another super deep sigh for me.
If totoo man to. This can't be! Hindi pwede!
Tama! Wala lang to.
Pumasok na ako sa C.R at Naligo. After ko maligo ay nag-suot lang ako ng Ripped Jeans at Loose Crop top. Wala ako sa mood mag-ayos eh
"Okay lara! Wala lang yun okay? Puyat ka lang talaga!" Sabi ko sa sarili ko saka lumabas ng kwarto ko. Sakto din namang labas ni V sa kwarto niya
"Sa school nalang siguro tayo kumain?"tanong niya
"Sige. Kaya lang baka di kita masabayan may mga tatapusin pa kasi ako eh" palusot ko.
"O? Bakit di mo sinabi sakin edi sana natulungan kita" sabi niya habang nag-susuot ng Rubber shoes
"No need. Konti nalang naman eh"
"I insist besides inalagaan mo kaya ako kagabi kaya hindi mo siguro natapos yung gagawin mo" Ayaw talagang patalo -__- eh wala naman talaga akong gagawin!
"I said its okay tsaka, konti nalang talaga yun no! Pumasok ka nalang sa class mo okay? Mag-kita nalang tayo after ng class, remember ililibre mo ko?" Sana naman pumayag na sya! Ang hirap kayang gumawa ng palusot!
"*sigh* Alright pero tawagan mo ako kapag kailangan mo ng tulong ko ha?" Tumango ako agad para wala ng problema.
__