Chapter two

56 6 0
                                    

Dara's POV

Nasan na kaya yung Lalaking yon?! Pag ako napagalitan ni Daddy dahil sakanya isusungalngal ko talaga sa ilong nya yung walis namin



Aish. Bakit ba naman kasi Wrong timing pa eh! Hindi pa niya dapat narinig yun pero dahil sa away ni Tita at Daddy naibulgar nila ang sikreto nilang dalawa



*dingdong*

*dingdong*

*dingdong*

*dingdong*

*dingdong*




"Ma'am ako na po" sabi ni yaya. Grabe naman yung tao sa labas kung makapag-doorbell! Ano yun first time lang?




Pabalik na sana ako sa kinuupuan ko ng "MA'AM DARA!! SI SIR!" kumaripas ako ng takbo palabas at nakita ko si Jungkook na may mga pasa at pumutok yung gilid ng labi.





"Ano nanaman to Jungkook ha?! Kelan mo ba balak itigil to?!! Hindi ka ba naa---"




"Pwede ba ate? Manahimik ka muna? Pabayaan niyo nalang ako!"sigaw niya sakin at pumasok pero sakto namang palabas si Daddy at kitang kita sa mukha nito ang Gulat ng makita ang mukha ni Jungkook





"Ano nanamang gulo ang pinasok mo ha?! Akala mo ba kapag nakipag basag ulo ka sa bar wala ng magaganap? Pwes sinasabi ko sayo nagkakamali ka! Dahil ang napag-usapan ay napag-usapan na ---- Jungkook!!! Bumalik ka dito!!!" Nilapitan ko nalang si Daddy dahil mukhang tumataas nanaman ang dugo niya.



"Hindi ko na talaga alam ang gagawin dyan sa kapatid mo" Galit na sabi niya saakin.




Sa totoo lang miski rin naman ako eh, hindi na rin alam ang gagawin kay Jungkook. Naiintindihan ko sya somehow dahil hindi biro ang narinig namin pero yung maki-pag away sya at Uminom gabi gabi sa bar at umuwo ng may maraming pasa? Yun ang hindi ko maintindihan.





"Kung pwede lang baliin ang napag-usapan ay matagal ko ng ginawa pero hindi eh" Daddy




"Wag niyo nalang po masyadong isipin yung kay jungkook Daddy, mag-pahinga nalang po muna kayo. Ako po yung nag-aalala sainyo eh baka atakihin nanaman po kayo ng high blood"




"Wag mo akong intindihin anak, dapat natin unahin si Jungkook. Alam ko sangayon hindi pa niya tanggap pero sana matanggap niya na dahil para naman sa ikabubuti niya yun eh" Kokotongan ko talaga si jungkook pag inatake si Daddy !



"Kakausapin ko po sya" sagot ko



Hinawakan ni daddy ang kamay ko at ngumiti "Maraming salamat anak dahil naiintindihan mo ako, pero sana wag na itong umabot sa kapatid niyo dahil baka mapagalitan pa nila si jungkook" Umo-o nalang ako kay daddy at hinatid sya sa kwarto niya sakan nag-pakuha sa katulong ng yelo at towel.


*knock-knock*




"Jungkook?" Tawag ko





"Pwede ba ate! Leave me alone!" Sigaw niya




"*sigh* Hindi kita papagalitan promise, just let me clean your wounds baka ma-inffect" Inintay ko syang sumagot pero walang response. Kakatok na sana uli ako pero bumukas ang pintuan kaya pumasok na ko





Inayos ko muna ang first aid kit saka umupo sa gilid ng kama niya "Maupo ka lang okay? Wag kang malikot" Ginawa naman niya ang sinabi ko.





The FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon