Chapter 3

1 0 0
                                    

Harold's POV

(Kagaya rin po ito ng nasa Chapter 1. Yung time and setting parehas lang po)

Pagpasok namin sa room pagkatapos ng subject nung prof. ay agad naghanap ng pagkain si Yuri. Sa totoo lang ay wala naman talagang pagkain dito kaya bumili yung tatlo sa cafeteria para di na ganoon kalayo.

Wala kaming imikan ni Yuri dahil pagnagsalita siya at binara ko ay paniguradong away nanaman ito.

"Lalabas lang ako" matipid na sagot ko.

Hindi ako ganon ka vocal sa iba kaya sobrang tipid ko lang magsalita. Lumabas ako dahil alam kong nagbibilang si Yuri sa isip niya, napakadaling basahin kung ano ang nasa isip niya.

Hindi ako lumayo, nasa labas lang ako nakaupo sa upuan malapit sa pintuan. Habang naka upo ako. May narinig akong nag strum sa gitara ko. Walang iba kundi si Yuri. Tinugtog at kinanta niya ang kanta naming Your Call.

Habang nasa chorus na siya ay sila namang pagdating ng tatlo. Papasok na sana si Key pero pinigilan ko siya.

Habang tumatagal ay lalo lang akong nahuhulog sa kanya. Oo tama kayo. Matagal ko na siyang mahal. Pero ang malala ay gusto rin siya ni Key pero may pangako na walang papatos sa GF ng isang kabanda, kaya't sumuko na siya at tinanggap na magkaibigan na lamang sila.

"Guys pwede ko ba kayo maka usap?" Tanong ko sa kanila. Tumango naman sila bilang pagsang ayon.

"Guys sa Concert........................." Sabi ko sa kanila.

"Shoot minsan lang akong maging vocal" Inis kong sabi sa sarili ko.

Nagkatinginan naman ang tatlo at biglang tumango.

"Sige Dude pero sure na kong magagawa mo yan." Sabi ni Mon.

Agad naman kaming pumasok pagkatapos niyang tumugtog. Kumain muna kami at nag practice na. Pero sa di inaasahang pangyayari ay nagkatitigan kami. Bakla man pakinggan ay biglang kumanog yung dibdib ko.

Pagtapos namin kumain ay nagpractice na kami. At sa pangalawang beses ay nakita ko siyang nakatingin sakin at nagkatitigan nanaman kami. She looks so Hot.

Third Person's POV

(Concert)

Nasa concert place na ang lahat at naghihintay na lang ang mga estudyanteng magsimula ang program.

Nasa backstage ang lahat ng mag peperform at nasa mga upuan ang mga estudyante pero dahil sa madaming gustong manood ay merong mga nakatayo.

"Guys yung plano ha." Pagpapaalala ni Harold sa tatlo na halata mong kinakabahan.

Kanina pa di mapakali si Harold at the same time ay he's nervous.

"Oo naman bro. Wag kang mag alala" sabi ni Zarl at sabay tapik sa shoulder nito.

"Hello to the teachers,faculty,to our principal and to my fellow students. We are doing a Concert for a cause. So di ko na patatagalin pa. Let's start the concert!!" Sabi ng Emcee ng concert.

May mga sumayaw para sa opening ng concert. Sumunod ang salita ng principal. Habang palapit ng palapit ang pagpunta ng MEmo sa stage ay lalong kinakabahan si Harold. Dalawang beses sila tutugtog at kakanta.

Habang si Yuri ay nasa gilid ng stage na inatasang maging stage manager. Hindi man niya ginusto ay wala siyang magagawa.

"So let us call the MEmo Band!!!!!" Sigaw ng Emcee. Tili namang mabibingi si Yuri dahil sa tilian ng mga fangirls ng MEmo Band.

Ako Na Nga! Where stories live. Discover now