Chapter 2

1 0 0
                                    

Third Person's POV

"Masyadong mahal diyan Key. Sa iba nalang tayo." Ang sabi ni Harold.

Walang malay ang apat na sa pamilya nila Yuri ang restaurant na pinili niya.

Bigla namang lumungkot ang mukha ni Key at napansin iyon ni Yuri.

"Ahh no. It's okay lang naman. Saka My treat." Sabi ni Yuri.

Kaya sumigaw naman si Key sa tuwa.
Pumasok na ang Lima sa loob at nakita ng mga waiter si Yuri at agad binati ito.

"Good Afternoon. Ms. Yuri." Bati ni Feline.

"Ahhh ehh. Good Afternoon din. Table for 5 please." Sabi ni Yuri at ngumiti ng pilit kay Feline at sa Apat.

Pinili ni Feline ang favorite na pwesto ni Yuri. At saka sila naupo doon.

"Can I take your order? Ma'am and Sir." Sabi ni Feline.

"Guys. Order na kayo." Sabi ni Yuri nang nakatingin sa kanila.

Hindi naman mapigilan ng apat ang curiousity. Nagkatinginan silang apat at alam na nila kung sino ang magtatanong.

Walang iba kundi si Key!

"Ahhh Yuri. Lagi ka bang kumakain dito? Kilala ka na kase nung mga waitress at waiter eh." Tanong ni Key kay Yuri habang kumakamot sa batok.

Pinaalis muna ni Yuri si Feline at sinabing tatawagin na lamang siya kung oorder na sila.

"Ahh oo. Lagi kaming kumakain dito pag may free time si Dad." Pagsisinungaling ni Yuri.

"Ahh" sagot naman ni Zarl at Key kahit na di kumbinsido.

Alam nang apat na kanina pa nagsisinungaling si Yuri dahil ilang taon na silang magkakasama. Pero ayaw naman nilang hungkatin ang ayaw sabihin ni Yuri sa kanila.

"So guys! Anong order niyo. Sabihin niyo na hangga't mabait pa ko." Sabi ni Yuri.

Sinabi naman nina Zarl ang kanilang order ngunit para talagang walang balak kumain sina Mon at Harold.

"Di kayo oorder? Sige ako oorder para sa inyo." Sapilitang sabi ni Yuri sa Dalawa.

Umorder siya ng maraming food. At alam naman niya ang masarap sa hindi so yun.

Habang kumakain silang lahat. Nag tetext naman ang MEmo member kung anong dapat nilang gawin para malaman yung tinatago ni Yuri.

*Kriiiiiiiiiiinnnnnggggg*

May tumawag sa phone ni Yuri.

"Excuse me. I need to answer this call." Sabi ni Yuri at umalis na sa kanilang pwesto.

Nagkakindatan naman ang apat. Ang tumawag ay si Key ngunit gamit niya ang spare phone niya. Pagkasagot ni Yuri ay agad niya itong nilagay sa Bag. Alam kase nila na kahit walang nagsasalita ay hindi ito ibababa ni Yuri.

Tinawag nila si Feline.

"Palagi bang kumakain dito si Yuri?" Tanong ni Zarl.

"No sir. Madalang lang po sila kumain ni Sir Gernes." Magalang na sagot ni Feline sa mga to.

"So bakit alam niya kung ano ang oorderin?" Singit ni Harold.

"Kase po sila po ang may ari ng restaurant na ito pati ang hotel sa likod nito." Sagot ni Ferline.

Medyo nagulat lang sila pero ano pa nga bang magagawa nila. Mayaman si Yuri eh. So kinuha na ni Key ang spare phone niya at nagsalita dito ngunit iniba niya ang boses. Binaba niya na rin ito. Di nagtagal ay nakabalik na din si Yuri. Tinignan niya ang apat at nagsorry dahil natagalan siya.

Nagpatuloy na sila sa pagkain. Sa di inaasahang dahilan. Nagkatagpo nanaman ang mga mata nila Yuri at Harold.

*Dug Dug Dug* tibok nang puso ni Yuri.

Pero iniwas na ni Yuri ang mata niya dahil baka di siya makapagpatuloy sa pag-kain.

Natapos ang kanilang kainan ng walang nagsasalita. Di alam ni Yuri kung bakit kaya't pinakuha nalang niya ang bill. Pagkabigay ng bill ay may binulong si Yuri kay Feline.

Di na nagtaka ang Apat sa ginawa ni Yuri dahil alamnilang di na magbabayad ito.

Lumabas na sila at dahil 3 palang nanghapon ay napagpasyahan nilang gumala.

Habang nasa kotse ay nagtanong na kaagad si Mon.

"Yuri. So your family own that restaurant right? Also sa Hotel behind it." Sabi ni Mon.

Agad naman nabato sa kinauupuan niya si Yuri dahil sa tanong ni Mon.

"Ahhh yeah. Technically" sabi ni Yuri. Bakit pa siya magsisinungaling kung alam na rin naman ng lahat.

Nung inamin ni Yuri ang lahat bumalik naman sa dati ang atmosphere. Ang masayang atmosphere at hindi awkward.

Pagdating nila sa mall ay agad silang pumasok. Pero sa dahil sikat nga ang MEmo band. Hindi sila nakatakas sa mga fangirls. Agad namang nabwisit si Yuri. Dahil ngayon na nga lang sila makakapag mall eh may mga epal pang susulpot.

So napag isipan nalang nilang Lima na sa Bahay nalang nila Harold tumambay. Mayaman naman silang lahat. Pagdating naman sa bahay nila Harold. Bigla nalang humiga si Yuri sa Sofa at hinagis ang sapatos at bag sa kung saan. Sanay na silang lahat diyan.

Nagpractice na ang Apat sa Music Room sa bahay nila Harold para magpractice sa Charity Concert na gaganapin the day after tomorrow. Habang si Yuri ay natutulog sa sofa. Matapos ang higit 3 oras ay tumigil na sila sa pagtugtog.

Pagbaba nila ay nakita nila si Yuri na mahimbing na natutulog sa sofa. Kaya't dinaganan ito nila Zarl at Key. Inupuan lang naman di naman yung higang higa.

Napagpasyahan narin nilang ihatid muna si Yuri at saka umuwi sa kanya kanyang bahay.

Pagkauwi ni Yuri ay nagbihis siya at tumugtog saglit.

Only Exception ang kinakanta niya. Dinalaw na rin siya ng antok saka na natulog.

Ngunit ang nasa panaginip niya ay yakap niya si Harold at sinisiksik ang kanyang ulo sa dibdib nito dahil sa hiya.

Pls. Vote and Support!! :*

06/28/16

~NeverBeen

Ako Na Nga! Where stories live. Discover now