Yuri's POV
Papasok pa lang ako sa school nang makita ko ang banda nila Harold. Hindi ko nalang sila pinansin at nilagpasan na lamang sila.
"Yuri!" Sigaw ng isang lalaki sakin.
"Ano nanaman ba yun Key?" Tanong ko sa kanya nang may halong kabwisitan.
"Easyhan mo lang. Beastmode ka na agad eh" Sabi ni Key habang bitbit yung gitara niya.
"Ano ba sasabihin mo? Dalian mo. Pinapatay na ko sa tingin ng mga fangirls niyo." Sabi ko dito at tinarayan.
Totoo naman eh. Mukhang sinasaksak na nila ako sa kga isip nila. Dahil sikat lang naman ang MEmo Band. Binubuo ito nila Harold and Lead Vocalist at Rythym sa paggigitara,Si Key naman sa Lead,Si Mon naman sa Bass,at si Zarl naman sa pag dadrums. Kilalang kilala din sila sa ibang school. Dahil rumaraket sila.
"Ahhh sasabihin ko lang sabay ka samin mag lunch mamaya." Sabi niya.
Susme! Tatawagin lang ako para yayain.
"Kaya kong kumain mag isa. Wala naman sa inyo yung pagkain ko." Sabi ko ng mataray sa kanya.
"Eh dali na." At nagpacute pa.
Kala nila ang aangas ng mga yan pero childish din yan. Kilala ko na sila mula nung Grade 4 pa kami. Lahat sila close ko maliban lang kay Harold. Ang sunget nun eh kaya pagnagkausap kami it means CLASH! Dahil parehas kami ng ugali.
"Sige na. Wag kang mag puppy eyes mukha kang Askal. O dalian mo na hinihintay ka ng mga kagrupo mo. Chupi" Sabi ko sa kanya at winagwag yung kamay na parang pinapaalis na aso.
"Tapos na?" Biglang singit ni Harold.
"Oo tapos na po Boss" Sabi ko. Take note of sarcasm.
Umalis na sila at naghintay ako saglit bago pumasok.
BTW. I'm Yuri Tara H. Gerles. 19 years old. Isang normal student lang ako. Nag-aaral sa Trant University bilang 2nd Year Student. Yung kaninang kausap ko ay si Key Ramos ang Nag-liLead Guitar sa bandang MEmo,Hearthrob siya sa school. Siguro lahat naman sila.
Ipapakilala ko narin silang lahat.
Harold Buenaflor ang lead vocalist and rythym ng bandang MEmo. Ang pinakahearthrob sa kanilang lahat. Wala pa siyang nagiging Girlfriend. Di ko din alam kung bakit.
Key Ramos ang lead guitarist ng MEmo Band. Siya ang pinakaplayboy sa lahat. Pero di pa yan nakaka ano. (Kaway sa Byuntae diyan xD). Siya ang pinakaclose ko sa grupo.
Mon Cuvin ang Bass Guitarist. Siya ay Half American. Pero nagsasalita ng Tagalog. May GF na yan. Kaya yung iba bumaback off na. Siya ang pinakatahimik.
Zarl Torres ang drummer ng MEmo. Isa din tong playboy at ang pinakamatagal ay 2 weeks yata. Ito din ang pinakachildish at pinakamaingay sa lahat. Pero siya ang pinakamaangas tignan pag nagperform na.
Back to reality. Andito na ko sa room at napakaswerte naman ng umaga ko. Kasama ko yung Apat na gunggong. At ang subject lang namin ay P.E. Na hawak ng aming Prof. Hernandez.
"Class. May iaanounce lang ako. Magkakaroon tayo ng mini concert para sa Charity." Sabi ni Prof.
Nagsigawan naman ang iba pero ako wala nakaupo lang. Pake ko naman sa ganyan diba? Saka di naman ako pupu---
"Required kayong pumunta dahil di ko na kayo bibigyan ng Midterm niyo."
Okay binabawi ko na ang sasabihin ko dapat.
YOU ARE READING
Ako Na Nga!
RomanceA rockstar? I think yes. Ahmmm I think No. Three-Shots Story Pls. Support and Vote :) Kamsamhamnida :) 06/27/16