CHAPTER 1: FIRST DAY HIGH
SAB POV
"Good Morning Miss Matalumpati."
Nakataas na kilay ang bumungad sa akin matapos akong batiin ng Math teacher namin pagpasok ko sa kanyang klase. At as usual late na naman ako ng 15 minutes. Iisip na naman ako ng alibi para makapasok lang, napasarap na naman kasi ang tulog ko dahil sa kakabasa ng komiks na hiniram ko sa pinsan kong adik din sa pamanang komiks ng lola namin.
"Oh san ka na nakarating Miss Matalumpati?" pukaw nito sa naggagala kong isip.
"Ahmmm eh, meron po kasing nagbanggaan na sasakyan sa daan kanina Ma'am kaya medyo..."
"Natraffic?"diretsong sabi ni teacher.
"Parang ganon na nga po Ma'am", nakangiting sabi ko pa.
"Abay kelan pa nagkatraffic sa probinsya Miss Matalumpati?" lakas ng tawanan sa loob ng klase namin.
"Gagawa ka pa ng dahilan yong kahit 10 taong gulang na bata di maniniwala, hala umupo ka na"
Nagkakamot ng batok na pumasok na ako sa room. Pagka upong pagka upo ko palang nakabungisngis na agad na mukha ni Abie ang nakita ko.
"Gagawa ka pa ng alibi yong di pa kapani-paniwala, kelan pa nauso traffic dito hello? Pag sakay nga sa tricycle pahirapan na eh", natatawang bulong nito sa akin.
Korak pahirapan sa pagsakay ng tryke hindi dahil sa punuan kundi bibihira lang ang may tricycle sa lugar namin.
"Mukhang high pa nga hahaha" singit naman ni Ador.
"Uhmm!" pinitik ko sa ilong ang mahaderang baklang si Adorado.
"Ouch my pointed nose nabasag!" nagmamaktol na sabi sa akin sabay hawak sa ilong niya.
"Babasagin ko talaga yan pag di ka tumigil," inis na sabi ko dito. "may pa pointed pointed ka pang nalalaman dyan eh kakapiranggot lang naman yan",
Hihirit pa sana ako pero nakita kong masama na naman ang tingin ni Miss Salvador mukhang kakainin ako ng buhay.
"Peace!!" Nag peace sign ako.
***
"Bakit na naman late ka?" agad na tanong ni Abie ng matapos ang first subject namin sa umaga.
"Tinatanong pa ba yan kelan pa ba hindi nalate yan si Sab? Papatirik ka ng kandila pag nangyari yun" singit ni Ador.
"Tinapos ko kasi yong binabasa kong komiks, di ko na namalayan na alas dos na pala ng madaling araw" nakapangalumbaba pa sabay hikab.
Ano pa ba ang aasahan mong pag kakaabalahan mo sa probinsya diba.
"Saka kahit di naman ako puyat magpapalate parin ako".
Pinaka ayaw ko kasing subject ang aritmetik mula pa ng nasa grade school pa ako lumala pa ng nasa sekondarya na. Nasa ika apat na taon na ako sa sekondarya sa isang publikong paaralan sa liblib na probinsya.
Na halos di pa masyadong naaabot ng mga makabagong teknolohiya tulad ng internet bilang lang sa daliri ang merong cellphone sa campus namin, yung may kaya at may sinasabi ang pamilya lang. Tinapik ko sa balikat ang natutulalang si Abie, walang bago nakatingin na naman sa crush nitong kapapasok palang sa room namin late ding tulad ko.
"Ang gwapo talaga niya" impit na sabi nito habang nakasunod ng tingin kay Klein Suarez.
"Wag mo ng pangarapin pa Day ni sulyap di ka pagbibigyan niyan" naka ismid na sabi ni Ador sabay tapik sa noo ni Abie.
"Hmmp, crush lang naman ah! saka wala namang masama dun". Nakasimangot na sabi ni Abie.
"Wala nga Te pero alam mo namang di natin ka level si Klein noh, ganito kayo oh". Pilit na pinagdidikit ni Ador ang hinlilit at hintuturo neto, naaawang sinulyapan ko si Abie.
BINABASA MO ANG
It's Definitely My Kind Of High School Story (Sabrina)
Novela JuvenilThrowback early 2000s Feel free to read my story Unang story ko po to hopyah like it.. It's Definitely My Kind Of High School Story (Sabrina) High school life, Sino nga ba ang di makakalimut sa buhay high school. Diba wala? Ito yong bidang-bidang u...