CHAPTER 13

13 3 0
                                    

Sabrina POV

Pagkatapos naming kumain ni Tim inaya niya muna akong tumambay sa Seawall malapit lang sa pinagkainan namin.

May 30 minutes pa naman bago ang susunod naming subject.

Umupo kami sa isang cottage don. Marami rami din ang mga estudyanteng tumatambay at may ilan ilan ding kumakakain don.

Sinulyapan ko si Tim nakatingin siya sa laot. Kanina pa ako kinakabahan. Mukhang seryoso ang pag uusapan namin.

Ano ako na ba mag oopen up ng topic hehehe..

"Ganda ng dagat noh" Pag sisimula ko. "Asul na asul pangarap kong sumakay sa bangka alam mo ba kaya lang natatakot ako baka kasi biglang tumaob di pa naman ako marunong lumangoy"

May gash!

Titig na titig siya sa akin. Baka may natirang kanin sa bibig ko. Dyahe pasimple kong pinunasan ang bibig ko.

Napayuko na lang ako nakakahiya may ketshup pala gilid ng bibig ko.

Maya maya narinig kong napatawa siya. Aist kahiya talaga.

"Urhmm" Tikhim niya.

Hehehe. Alanganing ngingiti o ngingisi ako kasi naman nakakahiya talaga feeling maganda pa naman ako ngayon.

"Sabrina" Tawag niya sa akin. Seryoso siya Sabrina eh hehehe. Tumingin ako sa kanya syempre ni ready ko na ang puppy eye ko pa charming ba ng konti hehehe.

"Gusto ko sanang humingi ng sorry sa pag iwas ko sa inyo nila Ador at Abie" Pagsisimula niya.

"Ahm bakit sa akin ka lang humihingi ng sorry ngayon dapat andito rin yong dalawa" VIP lang ako hehehe. Ako talaga ang kinausap niya.

Kamot sa ulo.

Siguro di siya nakaligo may dandruff na ata siya kasi naman puyat ka gabi hehehe ano ba tong naiisip ko. Ang baduy.

"Kasi mas may important pa akong sasabihin sayo"

"A-ano naman yon?" Ay wag ka kinikilig na ako niyan.

"Sabrina" Tawag niya ulet sa pangalan ko. Bat kaya pag siya tumatawag sa pangalan ko may class hehehe siguro dahil sa braces hehehe.

WhaaaaA!!!! Hinawakan niya ang kamay ko oh yeah pawis yan bahala ka.

Nag dra drum and buggle na ang heart ko.

Sheyte naman oh nakatitig siya ng bongalers sa eyes ko. Teka baka may morning glory lang na decor sa singkit kong mata. Hehehe yuko saglit. Wipe to the left and wipe to the right.

"Ok ka lang?"

"Ah eh napuwing kasi ko ang hangin kasi"

He handed me his hunky hehehe. Benta ang palusot mo may mabangong panyo pa.

"Ano ulet yong sasabihin mo?" Tanong ko. Pagkatapos ko kunong mag punas ng mata ko.

Tinitigan ulet niya ako. Kahit magtitigan tayo ok na wala na akong muta hehehe.

"Sabrina kasi"

"Kasi?"

"Kasi?" Ulet ko.

"Kasi may?"

"May?" Ulet ko ulet.

"Ano eh"

"Sasabihin mo ba ko hindi?" Grabe second voice lang drama ko. Pabitin masyado. Sarap ibitin sa parola.

"I LIKE YOU"

"Oh un naman pala you like"

"You what?"

It's Definitely My Kind Of High School Story (Sabrina)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon